Chapter 15

36 5 2
                                    

Cayla Zyana Shea's POV

"Ano bang nangyare sa kanya?" Isang boses ng lalake.

"Di po namin alam e, nung nadatnan ho namin sya wala na syang malay." B-boses ni Cate yun ah? A-ano bang.. ugh.. Oo nga pala. Tinulak ako ni Lisette. The hell! That asshole. And her alipores!! -_____- Sakit ng ulo ko.. Nasan nga pala ako?

"Ughh!! Cate?"

"Oh my god! I'm glad you're fine! Kamusta pakiramdam mo?" Alalang-alala si Cate sakin.. Teka nga nasan nga pala si Catlin?

"I'm fine.. Sobrang sakit lang ng ulo ko.. Parang may bukol. -___- Bwisit na mga yun. Kainis! Btw, asan pala si Catlin?"

"Lumabas lang saglit. Hayaan mo na, sinabi ko na kay Kichi yung nangyari. Siya na daw yung bahala dun." Nasa Clinic pala ako.

Biglang may nagsalita na lalaki. Yung nurse..

"Okay na sya. Kailangan nya lang magpahinga. Kunin nyo na lang yung gamit nya, tapos co contact-in ko na lang yung Mommy nya." Siya? Siya yung nurse na... Ughhhhhhhh! Sya yung nurse na nakapag-init ng ulo ko last time ha? Remember? Yung ang saya saya ko. Tch.

"W-wala si mommy dito." Sabi ko sa kanya, ng hindi nakatingin.

"Edi yung Dad mo na lang."

"W-wala rin si Dad. May iba na syang family." Yeah right! Tama yung nabasa nyo. Ayun si dad.. Nangapitbahay! Simula nung nag-ibang bansa si mommy.

"Hay basta.. Ako na bahala.. Uhm Cate? Cate right?"

Tumango naman si Cate.

"Pakikuha naman yung gamit nya sa room nyo. Ako ng bahala sa kanya. Mamaya di pa nya kaya e."

"Okay kuya nurse! Just wait me here."

"Alright, thanks."

Eto yung nurse na ang weird. Diba nga! Sinabi ko na sa inyo! Ang weird nya talaga. Noon pag dumadaan ako dito sa clinic lagi syang naka Facial Mask. Tapos, laging Poker Face. Tapos ang sungit nya tignan! Yung ganun? Parang suplado? Wala man lang reaksyon yung mukha nya. Tch.

"Oh eto yung gamot na kelangan mong bilhin. War freak ka palang babae ka." Huh! Sino ba sya para i judge ako?! Di naman nya ko kilala ah?! Kainis!

"What?! Teka nga. Bago ka manghusga pwede ba kilalanin mo muna ako! Nakakainis to!"

"Wala akong interes na kilalanin ka."

"Edi fine! Edi wag mo kong i judge! Kapal ng mukha neto." Naiinis na'ko ha! Kakagising ko lang tapos badtrip agad ako! Nyemas. Wala bang break time?! Parang araw araw PMS ko ah?!

"Tch." Yun lang sinabi nya. Huh! Who cares?!

"Sa susunod pwede ba, wag kang makikipag-away kung hindi mo naman kaya." Akala ko di na sya magsasalita e. Kala ko tahimik na yung mundo ko e.

"Aba! Bakit?! Concern ka?!"

.

"Syempre, nurse ako e. Edi kapag naaksidente ka nanaman, pasyente ka nanaman dito!" Siraulong to. Urghh!! Lalong sumasakit ulo ko e.

"Eh bakit ba?! Nagbabayad kami dito noh! Syempre kelangan paglingkuran nyo kaming mga pasyente nyo."

"Hay nako, so immature. Bahala ka nga dyan."

"Bahala ka din dyan. Immature na kung immature! Tsss."

After 10 mins, dumating na din si Cate.. Dala nya na yung bag ko.

Forbidden Love {Ongoing Series} <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon