WAKAS

126 10 6
                                    

WAKAS

"Doc? Doc! Nagigising na po ang pasyente!"

Unti-unting nagmulat ng kanyang mga mata si Christian Oliver. Naguguluhan pa siya nang palibutan siya ng mga tao na nasa loob ng silid.

"Gising na si Christian Oliver!" rinig ang katuwaan sa boses ng mga ito. Nagkagulo ang mga ito at lalong naguluhan si Christian Oliver sa mga nangyayari.

"Teka, teka, everyone, excuse me. Lumabas muna po kayo at i-checheck lang po namin siya." sabi ng doktor.

Agad naman na nagsilabasan ang mga tao at naiwan si Christian Oliver, ang nurse, at ang doktor.

"T-tita Marian?" gulat na tanong ng binata nang mapagtanto kung sino ang doktor na nasa harapan nito. Ito ang mama ni Smile na si Marian Obispo.

"Kamusta ka na?" mahinahong tanong ni Marian habang kinukuha ang vital signs nito.

"Uh, maayos naman po. A-ano po bang nangyari?" tanong ng binata. "Bakit..." nilibot niya ng tingin ang puting silid. "Bakit po ako nandito?"

Magaan na ngiti ang iginawad sa kanya ng doktor. "Nawalan ka ng malay habang nasa trabaho ka. Tatlong araw ka na dito. Ngayon ka pa lang nagising. Sobrang nag-alala ang mga kaibigan mo sayo."

Lumingon si Marian sa nurse. "Okay na siya, pwede mo na silang papasukin." Tumango naman ang nurse at lumabas ng kwarto.

Naguguluhan at nagtatakang tinignan siya ni Christian Oliver. "Trabaho? Pero hindi ba..." Hindi ba tumatakas sila ng mga kaklase niya mula sa mansion? Hindi ba hinahabol sila ng mga kaklase nilang mamamatay-tao?

"Christian!" naputol ang pag-iisip ng binata nang pumasok sa loob ng silid ang kanyang mga kaibigan.

"Smile?" Buhay ka?

"Oh, ba't parang nakakita ka ng multo?" tumatawang tanong ni Smile. "Huy, grabe ka ah! Ang sama mo! Pinag-alala mo kami!" tumingin ito sa mga kasama niya kaya napatingin din si Christian Oliver sa kanila. Nandito ang buong Pearl, buhay at masayang makita siya.

Tulala lang siya nang kamustahin siya ng mga kaklase niya na ngayon ay adults na. May mga dala itong pagkain, bulaklak at mga prutas.

"Kung kailan reunion natin, tsaka ka maoospital. Gaano ka kamalas, p're?" biro ni JM na tinawanan naman nila.

Hindi pa rin makapaniwala si Christian Oliver sa kanyang nakikita. Tinanong niya sila, "Pero... hindi ba tumakas tayo mula sa isang mansion? Tapos... tapos kayo ang pumapatay?" tinuro niya sina Angelo, Diomel, at Julius.

"Mga killer pala kayo eh!" pang-aasar ni Christian John sa kanila.

"Sus, por que pinatay ka lang sa CR doon." pagbasag ni Marian na nakisali sa kanila.

"Oooooooow!"

"Tita naman oh!" napakamot sa ulo si Christian John.

"Boom basag!"

"Pahiya ng konti." gatong na pang-aasar ni Renz.

Nagsitawanan naman sila at tinignan si Smile na may mukhang nag-aalala. Sinenyasan nila na magpaliwanag agad ito.

"Hala, mukhang malala nga 'yung pagkaka-untog ng ulo mo..." Umupo ito sa upuan katapat ng kama ni Christian Oliver. Maraming tanong ang nasa mga mata ng binata. Tinignan ito ni Smile sa mata at nagpaliwanag nang mahinahon. "Brad... 'Yung sinasabi mo... Story ko 'yan sa Wattpad five years ago."

THE END?

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon