Chapter Thirty Eight

2.6K 102 32
                                    


Hindi ako sumagot sa mga salitang binitawan niya. Tama naman kasi siya e, asawa niya yun. Ano nga ibang inaarte ko?

Hinayaan kong bumagsak ang mga luha sa muka ko at pinipigilan ang paghikbi. Ayokong marinig niya ko, ayokong malaman niyang umiiyak ako. Ayokong mag mukang kawawa.

Pero I guess, hindi ako ganun kalakas kay God dahil naramdaman ko ang pag lulon nang kama. Naramdaman ko pa ang bisig nitong maingat na pumulupot sa aking bewang.

Lalo ako napaiyak nang maramdaman ko siyang nakayakap sakin mula sa aking likod.

"Ssshhh. Please don't cry." at sinksik pa niya ang sarili sa aking leeg at mas lalo pa akong umiyak dahil dun.

Pinilit niya akong maiharap sa kanya dahil sa pagtuloy kong pag-iyak.

"This is not how our day supposed to be. We should be happy, we have a healthy baby girl." bulong niya habang pinapahid ang mga luha ko. "Please don't cry." saka niya hinalikan ang noo ko.

"Apple, look at me." pilit niyang inaangat ang tingin ko pero yumuko lang ako saka umiling. Hindi ko siya kaya harapin. Hindi ko siya kaya tignan. "Please, I hate to see you crying. Please, stop crying. We should be celebrating for our baby, love."

I don't know what to feel when he mentioned that word to me. Parang may mainit na bagay na humaplos sa puso ko, habang patuloy ang paghaplos niya sa muka ko dahil sa patuloy na pagpatak nang luha mula sa mga mata ko.

"We should be happy."

I buried myself to his chest. "Ang ganda niya." bulong ko habang umiiyak padin.

Narinig ko naman ang tawa niya saka niya hinaplos ang aking buhok. "Of course, she is. Mana siya sayo."

"Masaya ka ba?" tanong ko. Humigpit ang yakap niya sa akin pero maingat padin ang kapit niya.

"Sobra. You don't know how happy I am before you entertain that cousin of mine."may panunuya sa huling sinabi nito.

Mahina kong hinampas ang braso nito. "Akala ko ba dapat masaya tayo?" Hindi ko mapigilan medyo matawa, iyak-tawa ako ganun.

Naramdaman ko ang marahang pag haplos niya sa bewan ko, hindi ko mapigilan makaramdam nang kakaiba sa haplos niya. Alam ko yung ganitong galaw niya, kabisado na nang katawan ko ang mga galaw niya at kung saan hahantong ito.

"R-renz... kakapanganak ko lang."

Bahagya itong tumawa ang siniksik ang muka sa aking leeg. Pinirmi ang kamay niyang nakayakap sa aking bewang.

"Yeah. Matulog nalang tayo."

Ngumiti ako saka pinikit ang aking mata. Pinakiramdaman ko nalang ang mainit niyang katawang nakayakap sa akin. Tinaggal ko muna ang lungkot sa puso at isip ko, tama siya dapat masaya kami ngayon. Our baby girl has been born.


Paggising ko ay wala na si Renz sa tabi ko. Inayos ko ang sarili ko at bumangon nang kaunti. Walang tao kaya nagulat ako nang bumukas ang pinto at niluwa nun si Renz pero hindi siya nagiisa, kasama nito ang nurse na may bitbit na baby.

Nanlaki ang mga mata kong tinignan siya.

"Goodmorning. Good you're already awake." nginitian niya ko. "Akala ko kami pa ni baby gigising sayo e." Saka unti unting lumapit sa akin.

Ngumiti din sa akin ang nurse. Naiyak ako nang i-abot sa akin ng nurse si baby Ysabelle habang tinuturo sa akin kung paano dapat hawakan.

Ang liit niya. Natatakot ako baka mali hawak ko pero the nurse assured na tama ang hawak ko.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon