Mojo jojo

266 5 0
                                    


*****************

Tanging ingay lang at usok ng mga sasakyan ang nasa pandama ni Kerstin. Ang panginginig ng kanyang katawan ay sinyales ng pagod sa halos isang araw na pagtatago sa mga taong humahabol sa kanya, ang mga taong pumatay sa tatay niya. Wala siyang mapuntahan dahil wala naman silang ibang kamaganak bukod sa tiya niyang kasama ng kanyang nanay na tumakas at gaya niya ay nagtatago din.

Hindi niya mapigilang umiyak dahil isa pa iyon sa problema niya kung sang lupalop niya sila hahanapin, kung bakit pa kasi napahiwalay siya sa mga ito. Hangang ngayon eh iniisip niya parin kung bakit pinatay ang tatay niya pero isa lang ang sigurado siya, iyon ay ang hindi niya malilimutan ang mukha ng bumaril at pumatay sa tatay niya. Isang buwan nadin simula nong nangyari iyon at minamalas nga naman at mukhang natunton siya.

Mahirap lang sila at sa katunayan ay sa squaters lang sila nakatira kaya parang isang biro lang para sa kanya na may mas ihihirap pa pala ang mga taong kagaya niya akala niya na ang kakapusan nila sa pera at bagay bagay ay sagad na ngunit may mas isasagad pa pala. Sa isang Banda ay nagpapasalamat din siya't buhay pa siya at sana ganun din ang nanay at tiya niya.

"Tch. Buhay nga ko at nakatakas sa kanila pero mamatay naman ako sa gutom." Bulong niya sa sarili. Sa pagkakatanda niya ay ni minsan hindi sila nagnakaw ng kung ano kahit paman mahirap sila di gaya ng iba na kagaya nila eh dinadaan nalang sa pagnanakaw ang mga pangangaylangan. Kahit papano eh sa marangal na paraan sila nakakaraos at iyon ay ang pangangalakal ng mga kung anu-ano at pagsinwerte naman at may makuha ng puhunan ay ang pagtitinda naman ng gulay sa mga bahay bahay ang ginagawa nila dahil wala naman silang sariling pwesto sa palengke at baka awayin nanaman sila ng mga regular na nagtitinda ng gulay.

"Tulong iyong bag ko! Magnanakaw!"

"Akin yan sabi eh, sibat na. Pre ayos to may pang tira nanaman tayo."

"Hoy missh shekshi mo ngayon ah. Alak gushto mo?"

Lahat ng iyon ay mga ingay ng nadadaan niya. May aleng na snatch ang bag. Mga gagong adik na nang-aagaw ng pinalimus ng mga bata at mga gagong manyak na lasing sa may tabi. Ewan niya bat mahirap din naman siya pero di niya mapigilang mapa ngiwi nalang sa mga nakikita.

"tch dadaan na nga lang eh madadamay pa." Sabi nalang niya habang pilit na tinatangal ang mga duming dumikit sa kanya, pano ba naman kasi eh nabanga lang naman siya nong snatcher.

Pinagpatuloy nalang niya ang paglalakad at ng makalayo layo na siya.

"Teka nga lang at parang may mali eh." bigla siyang tumigil dahil sa lahat ng nadadaan niyang mapa salamin man yan ng kotse oh kahit anong may repleksyon siya eh parang may nakasunod sa kanyang adik na ale.

Napa kamot nalang siya sa ulo niyang feel niyay na sun burn na ang anit sa kalalakad at pagkakabilad sa araw. "Ale kung bakit mo ko sinusundan iyon ay di ko alam pero sigurado akong hangin lang ang laman ng bulsa ko kaya pede po bay wag na laang kayong sumunod sakin at kayo'y sumilong nalang kung ayaw niyo hong ma sun burn ang anit niyo gaya sakin." Nakangusong sabi niya habang patuloy padin sa pagkakamot.

Sakto namang may kotse sa harap niya at tinted pa ang bintana kaya naman malinaw niyang nakikita kung sino ang babaeng kinakausap niyang adik na ale at iyon ay walang iba kundi siya mismo, ang sarili niya!. Dahil sa gulat ay napadilat siya ng sobra sobra at ang kinalabasan kung ang buhok niya ay mala blossom, buttercap at bubbles na pinagsamasama ang mukha naman niya ay mala mojo jojo.

Agad naman siyang napasungab sa may salamin at sinigurong siya nga ang adik na ale.

"pero takte nemen...ako nga." Kanyang napagtanto kaya naman agad siyang napabunghalit ng tawa.



"Jojo! Jojo! Jojo! Yiyo look eych jojo" narinig naman ni Gaviyen ang hagikhik ng kanyang pamangkin kaya napatingin siya sa kung saan ito nakatingin na tila Aliw na aliw. And there he saw this weird looking lady with a very messy hair and clothes. Less fortunates he thought. Dahil di naman maxhadong nakasara ang bintana ng sasakyan eh dinig niya ang sinasabi ng babae sa labas.

"I can't believe this, all this time she thought that someone was following her." Naiiling na sabi niya.

Kanina pa kasi niya tanaw ang babaeng naglalakad  mula sa malayong bahagi ng kabilang Lane. Di niya alam na tumawid pala ito sa kabilang kalsada kung San nakaparada ang kotse niya. And he find it weird everytime titigil ito at titingin sa repleksyon nito sa mga salamin. Napatawa siya when it finally hit her. Tama nga ang pamangkin niya, she really looked liked mojo jojo with that head scratching at samahan pa ng pagnguso nito.

"You're really checking huh?..." Gaviyen said to himself laughing ng makitang sinisipat pa nito ang sarili. Kaya naman kinuha niya iyong salamin ng ate niya at biglang binaba ang bintana.

"Here...err. Looks like you need it." And there he laughed again. Sakto namang dumating na ang ate niya galing seven eleven para bumuli ng inomin on their way to their parents .

"Let's go? Woah arn't we so happy? " Sabi ng kanyang ate habang nagtataka kong bakit tawa sila ng tawa ng anak nito habang nasa kandungan ng niya.

"I think I know" she said while looking at the other side of the Car kung San may isang babaeng tila di maintindihan ang itsura niya.

"but don't you think its a bit rude giving her my mirror dear brother?" Taas kilay na tanong nito ngunit may mumunting ngiti sa labi.

"Rude? Nah uh-ah not at all, I gave her something where she can see herself clearly. You're mirror is better than my car's window." He said as he chuckled. That's when his sister laughed with the thought...

*************

Vote, Comment and Share...

Missing Reflection (on hold/editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon