Act II: Quest 6

52 4 1
                                    

"Manticore"

Nagulat ang apat sa mga nilalang na kanilang nakita, na kinakain ang mga laman ng halos dalawampung tao. Nakahubad ang mga nilalang na ito, kulay puti ang maga mata, may mga matutulis na kuko. Kulubot din ang mga balat nito at parang naaagnas na, at payat ang katawan ng mga ito, meron din itong mga matatalad na ngipin.

"Teka.. ano ang mga yan?"

tanong ni Yasuhiro.

"Mga Ghoul.. sila ang Zombie ng mga Iranian.. pero malalakas at mabibilis ang mga yan.."

sagot ni Flakes.

Maya-maya lang ay napatingin sa apat ang mga ghoul, at mabilis na kumilos sila Flakes at Cloud. May nakita silang isang kahon na may mga lamang gamit at pinuntahan nila iyon.

"Sandali.. anong gingawa nyo diyan?"

tanong ni Yasu.

"Naiwan namin yung sandata namin sa tinutuluyan natin.. kaya naghahanap muna kami ng pansamantalang magagamit.."

sagot ni Cloud.

"Bakit nyo naman kasi iniwan.."

yamot na sabi ni Yasu.

"Masyadong malaki yung sakin.. alam mo na hindi naman pwede dala-dala ko yun kapag madaming tao.."

paliwanag ni Flakes at may nakita itong palakol na tila pansibak ng kahoy.

"Pagdududahan ako ng mga tao.. kapag nakita nilang may dala-dala ako espada.."

tugon naman ni Cloud at may nakita itong isang maliit na itak.

"Sa susunod nga.. bibigyan ko nalang kayo ng bagay na pwede paliitin at palakihin ang sandata nyo.." sabi ni Yasu.

"Humanda na kayo.. papalapit na sila.."

wika naman ni Walter.

Inilabas na ni Yasuhiro ang kanyang karit mula sa kawalan, si Walter naman ay inilapad ang kamay na tila ito ang gagamitin nyang sandata. Hindi na nag-aksaya ng oras ang apat at sila na ang lumusob sa mga ghoul na halos mahigit 30 ang bilang. Tinaga ni Flakes ang ulo ng isang ghoul at may tumalon papunta sa kanya upang sya ay kagatin ngunit nagawa nya itong tagain sa leeg.

Mabilis namang napugot ni Yasu ang mga ulo ng sumasalubong sa kanya na ghoul, sa pamamagitan ng hawak nyang karit. Nagawang putulon ni Cloud ang kamay ng Ghoul na lumusob sa kanya ngunit muli sya nitong sinunggaban. Inilagan nya ito pakaliwa at inihampas nya ang itak mula sa itaas, pababa sa batok nito at naputol ang ulo. Nahati naman ang katawan ng isang ghoul nang hiwain ito ng kamay ni Walter mula sa tagiliran nito.

Subalit buhay pa din ito ng bumagsak sa lupa, kaya itinusok nalang nya ang kamay nya sa ulo nito at nawalan ng buhay. Madali nilang napapatay ang mga ghoul sa pamamagitan ng pagpugot sa mga ulo nito, ngunit tila pang nadadagdagan ito. Lalo na nang bumangon pa ang mga patay na tao, na kanina ay kinakain ng mga ito. Naging ghoul na din ang mga patay na tao at sinimulan ding lusubin ang apat.

"Sandali.. bakit parang hindi sila nauubos?"

tanong ni Walter.

"Siguro dahil.. madami talaga sila.. at madami din silang nakagat na tao, na naging ghoul na din.."

sagot ni Flakes.

Makikita sa paligid na nagliliparan ang iba't-ibang bahagi ng katawan ng ghoul na napuputol ng apat sa bawat wasiwas ng kanilang sandata. Nagawang hawakan ng isa halimaw ang kamay ni Cloud na may hawak na itak at binalak sya nitong sunggaban sa mukha ngunit nagawa pa din harangan ng dalaga ang bibig nito, na may matatalas na ngipin, gamit ang itak.

Cloudberry and the amulet of lightning fang (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon