Chapter 5

225 8 0
                                    

Sharlene's POV

At eto na nga ang Manila Science. Ang liit lang pala. Hahaha. Ang daming nakaglasses. Daming brainy. 

Lorenzo: "Gurl!! Nakakalurkey! Nakakatakot. Ang daming brainy dito. Jusko. Baka dugo't pawis ko ilaan ko sa pag-aaral. Ayoko naman ng ganun gurl!!!" Huhuhu (habang hinahampas ako)

Sharlene: "Tumigil ka ngang bruha ka -__- First day na first day eh. Hampas agad binigay mo sa akin. Napakabait mo talagang bestfriend no."

At eto na nga. Dumami na ang mga students. Ang daming students. Azar. Ay tae nahulog yung pamaypay ko. Teka di ko mahanap. Asan na ba yun? 

AWWWWWWWWW.

May tumapak lang naman po sa aking magandang kamay. 

Nash: "Ano ba kasing hinahanap mo diyan? Kita mong maraming tao eh. Gamitin mo utak mo para hindi sayang."

Aba. Gusto ata neto ng World war 3. Yabang level 99. 

Tinitigan ko lang siya. Ayoko kasing dumakdak. Ayoko ring gumawa ng eksena. 

Kinuha ko yung pamaypay ko atsaka umalis.

Ayokong sirain ang first day ko. Pero ang ingay nila sobra. Ang daming bulungan, daming tilian. Grabe di pa nga magkakakilala, dami na agad napapansing gwapo. Azar. -___-

*OMFG!!! Ang gwapo talaga ni Nash Aguas*

*Grabee. Ang hot niya sobraaaa*

*Kyaaaaaaah!! He's sooo cute!!*

*Someday I will be his princess!*

Juice colored. Sino daw? Nash Agnas? Nakakatawa naman ang apelyido. Agnas. Ano yun naagnas na? Hahaha. Okay ako na yung baliw. Asan na ba yung bruhang bakla na si Lorenzo? Bigla na lang nawala sa tabi ko. 

Lorenzo: "Gurrrl!! Ang daming fafa! Overloaded. Busog na busog mata ko gurl!!"

Sharlene: "Nakakakain na pala ang mata ngayon? Kakaiba yang mata mo ah."

Lorenzo: "Gaga ka talaga shar. Kaya walang lalaking nanliligaw sayo eh."

Sharlene: "As if namang sayo meron. Parehas lang tayo no. Makapagsalita ka diyan akala mo may umaaligid sayo."

Lorenzo: "Che! Teka alam mo na ba section mo? Euclid ako."

Sharlene: "Same"

Lorenzo: "Waaaaah! BFF talaga tayo gurl."

Sharlene: "Oo na ang ingay mo. Kakaurat."

Lorenzo: "Ayy gurl. Yung gwapong fafa na pangalan Nash Aguas nakita mo na ba?"

Sharlene: "Wala akong pake sa kanya."

Lorenzo: "Eto naman sinasabi lang. Diyan ka na nga!"

Pffft -___- Eto ang mahirap pag bakla ang kaibigan mo. Minsan napag-iiwanan ka sa ere dahil lang sa lalaki.

*Ayyy ang ganda nila grabe.*

*Mayaman siguro sila*

*Grabe para silang may lahi*

*Gusto ko silang kaibiganin!!*

Nakarinig na naman ako ng mga bulungbulungan. Para silang mga bubuyog. Pinuntahan ko yung lugar kung san sila nagtitipon tipon at pagkatingin ko, nakita ko sila Alexa at Mika. Dumating na sila. Maganda nga sila. Panget naman ang ugali. Nako. Kung alam lang nila. Hayy. Pakielam ko sa kanila. Mahanap na nga ang pila ng Euclid. 

What if? (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon