I fell in love to a Panda

36 1 2
                                    

I fell in love to a Panda

Chapter 1

Umpisa na ng bakasyon ngayon at sa wakas naka graduate na ako sa High School. As usual wala na namang bago sa bakasyon ko. Tulog kain tulog kain at utos na di maubos buti sana kung kada utos eh may bayad. Hindi tulad ng iba na excited sa kani-kanilang bakasyon kesyo ganito ganyan outing chuchu beach chuchu. haixczst. Ay potha napapa jeje tuloy ako. Mas gusto ko pa ngang may pasok eh may pera pa ko. Ako nga pala si Steffany Lee anim na taong gulang. Dejuk labing anim na taon na akong nag eexist sa mundo pero kahit minsan di ako napansin ng panget kong crush. Napakaganda ko kasi eh panget ata hanap nun. juk ulet. May anak na nga pala ako. Isang Siamese at pusakal. Wag kayo matakot hindi naman sila nangangain ng tao. Tinapa lang kasi kinakain nila. 

*tenenenentenenentenenenenenen*

"Ay kabayo! fotah nahulog!”

"Hello!" sigaw sa kabilang linya

"Gegu wag mo ko sigawan! Naririnig kita! Bakit ka ba tumawag? Nanggugulat ka eh. Nahulog tuloy yung selpon ko. Pasalamat ka matibay tong 3310 ko!"

"Sorry na. Ano ba ginagawa mo? Gala tayo." pag aaya nya

"Wala akong ginagawa. Ay meron pala. Kumakain ako ng hangin. San ba tayo pupunta? Libre mo ko. Ayako gastusin pera ko"

"Waw. Nakakain na pala yung hangin. Kahit saan tayo dalhin paa natin. Ano ba yan! Kuripot ka talaga kahit kelan. Sgesge. Punta ko dyan senyuuu. Babye! Magbihis ka na."

"K. bye"

Pinindot ko na yung end call button. Sa wakas! Makakaalis din ng bahay kahit papano. Nagbihis na ako at hinintay si Camille. Ay! Sya nga pala si Camille Villalon. Bestfriends kami since kahapon. dejuk simula nung grade one. Kayo na lang magbilang tinatamad ako.

"Estepany! Estepany!"

aynako -____-

"WALANG ESTEPANY DITO! STEFFANY LANG!"

"Ano ba yan ang arte pa e. Papasukin mo na ako."

"WALA KASING ESTEPANY DITO"

"Steffany! Steffany"

"Pasok. bilisan mo!"

binuksan na ni Camille ang gate at pumasok. Pumasok pa lalabas din naman kami. Ayt. Pinapasok ko nga pala. 

"Nay alis na po kami. Babye!"

"Osige ingat kayo"

at humalik sa pisngi bago umalis. San nga ba pwede pumunta? 

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Ewan ko. San ba pwede?"

ay fota. tanong ko balik din sakin. 

"Aynako. SM na lang tayo."

I fell in love to a PandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon