Chapter 1

665 23 1
                                    


Ayan na! Bumaba na sa mga itim na kotse nila ang tatlong influencial at handsome students sa Hernandez, Olivarez, Trinindad University or.. HOT University! 

Si Stan Hernandez, wearing white shirt! Oo, white shirt lang pero siyete! Ang gwapo niya talagang tingnan pati sa ripped jeans at lalo na sa suot niyang shades! 

Di naman papakabog si Migo Olivarez na lalong lumitaw ang pagka mestiso dahil nakablack jacket. Simpleng earings lang sa left ear ang lakas na ng dating! Lalo nung ngumiti na!!

Si Clay Trinidad naman, di rin nagpahuli, may pa-sando pa! Nagpakita ng braso kaya ayun, lalong naloka ang mga kababaihan pati na ang mga beki!

Pati tuloy yung isang babaeng nerd na may makapal na eye glasses at pabasa basa lang sa Wattpad ay bigla nalang napatulo ang laway! :) 

Iba talaga ang dating ng HOT boys! Lahat yata ay market nila.

"Hm..Ah.. Hi guys!" malanding bati ni Chelsea kasama ng mga malalandi niya ding friends. Maputi si Chelsea pero hindi masyadong maganda. "Hm... Kelan kayo bubunot para sa Queen, Kiss and Kill?" 

"Malalaman niyo nalang 'yon, 'wag masyadong atat." supladong sagot ni Clay. 

"Hm..okay.." medyo napahiya si Chelsea pero hindi nagpahalata, pero actually, halata pa rin! :) 

"Don't worry, ibabalita agad namin sa'yo kapag nabunot ka naming i-kill." nakangiting sabi ni Stan. "Joke lang!" 

Kinilig pa rin si Chelsea sa sagot ni Stan. 

"Wag naman sana KILL.. Wag sana.." sabi pa ni Chelsea at iniwan nalang siya nina Stan, Migo at Clay. 

Every sem ay nag-aabang ang mga kababaihan sa mabubunot ng HOT boys para sa "QUEEN", "KISS" at "KILL". 

Gusto nilang lahat na maging Queen o kahit Kiss nalang! 'Wag lang sana sa KILL dahil 'yun ang pinakapangit sa tatlo! 

Silang tatlo ang kaapu-apuhan ng owner at founder ng University kaya naman napaka influencial nila at pinapangarap ng lahat na mapalapit man lang sa kanila. Pero aloof sa iba ang mga boys, silang tatlo lang talaga ang nagkakasundo at nagkakaintindihan. 

Sobrang kilala na nila ang isa't isa. Si Stan 'yung maloko, mabiro at walang kaseryosohan sa buhay. Si Migo yung bipolar na ayaw umaming bipolar siya! Minsan parang anghel, minsan parang dragon! Si Clay 'yung laging masungit! Consistent siya don!

Nasa cafeteria ang tatlo at nasa table nila ang tatlong picture na nakataob. Hindi pa sila umoorder ng pagkain. 

"So.. 'yang tatlong 'yan ang ating Queen, Kiss at Kill!" nakangiting sabi ni Stan sabay turo sa tatlong photo na nakataob. 

"Pwede bang alisin nalang natin ang Kill?" tanong ni Migo sabay hawak sa noo. "Hindi ba parang nakaka konsensya naman na every sem nalang ay may isang student na biglang umaalis dito dahil napili siyang i-kill. Just saying.." 

"May point ka Migo!" sang ayon ni Stan. "Agree akong alisin na ang Kill. Ikaw Clay, ano sa tingin mo?" sabay tingin nina Migo at Stan kay Clay. 

"Walang thrill kung walang KILL." sabay iling ni Clay. 

"Magbago ka na Clay, gamitin mo rin minsan 'yang puso mo, mukhang kinakalawang na. Or ibenta mo nalang kung hindi mo ginagamit!" sarkastikong sabi ni Migo kay Clay. 

"Ako pa ngayon ang walang puso ah! E sino ba 'yong muntik ng sumagasa sa nabunot nating maging KILL last sem? Diba ikaw?!" inis na sabi ni Clay. "Ang point ko lang naman ay hindi naman talaga magiging masaya kung walang KILL! Kung aalisin natin ang Kill, edi itigil na natin 'tong trip na 'to!" kunot noong sabi ni Clay. 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon