Act II: Quest 7

52 4 1
                                    

"Lightning Fang"

Nagulat sila Jin at Yasuhiro nang biglang pumasok sa loob ng bahay si Flakes at tila nagmamadali.

"Huh? Anong problema?"

tanong ni Yasu.

"Bilisan nyo.. mag-ayos na kayo ng gamit.. may hahanapin tayo.."

sagot ni Flakes at makikitang nagmamadali itong mag-ayos ng mga gamit.

"Sino namang hahanapin natin?"

tanong ni Jin at nakita nyang pumasok na din ng bahay sila Cloud, Jong-soo at Walter.

"Pwede bang kumain muna tayo?.. nagugutom na talaga ako eh.."

reklamo ni Cloud.

"Sa daan ka na kumain.. kailangan na nating mahanap ang taong yun.."

sagot ni Flakes.

"Sandali lang.. hinay-hinay ka lang.. hindi pa nga natin alam kung saan makikita Ebrahim Jahandar.. hindi nga din natin alam itsura nya eh.."

sabi ni Jong-soo.

"Pero..."

tanging tugon ni Flakes.

"Tama sya.. mas matatagalan tayong makita ang taong yun.. kung wala tayong ideya kung saan sya hahanapin.."

sang-ayon ni Walter.

"Hindi ko naiintindihan ang nangyayari.. pero tingin ko.. kailangan kong magresearch sa kinaroroonan ng taong yan.."

sabi naman ni Jin.

"Sige.. naintindihan ko.. mag-antay nalang muna tayo.. sa makukuhang impormasyon ni Jin.."

malungkot na wika ni Flakes.

"Oh Jin.. ito yung pangalan ng taong hahanapin mo.. magluluto muna ako.. para makakain na tayo.."

sabi ni Jong-soo at inabot ang papel sa kaibigan, saka nagtungo sa kusina.

"Bilisan mo Jong-soo.. nagugutom na ko.."

reklamo ni Cloud at lumapit sa kanya ang maliit na kumiho.

"Nagugutom ka na din ba? Seo-yun?"

tanong nito.

"Oh.. Walter saan ka pupunta?"

tanong ni Yasu ng makitang palabas ng pinto ang binata.

"Sa labas.. maghahanap ng hayop na masisipsip ang dugo.."

sagot ni Walter.

"Seo-yun.. magdiet ka muna.. puso nalang muna ng hayop ang kainin mo.. sige na.. sumama ka sa kanya.. huwag pasaway huh.."

sabi naman ni Cloud sa kumiho.

Tumango ang kumiho at sumama ito kay Walter sa paghahanap ng pagkain nila. Isang oras ang lumipas at nag-aantay pa din si Cloud na matapos ang nilulutong pagkain.

"Jong-soo.. matagal pa ba yan? Gutom na talaga ako.."

reklamo ng dalaga.

"Heto na.. tapos na nga eh.."

sagot ni Jong-soo at binitbit na ang isang kaserolang pagkain papunta sa lamesa.

Tumulong na din si Flakes sa paghahanda at sakto din ang pagdating nila Walter.

"Oh.. nakabalik na pala sila Walter.."

wika ni Yasu.

"Seo-yun! Nakakain ka ba ng madami?"

Cloudberry and the amulet of lightning fang (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon