Hugot 1

358 13 0
                                    

Sa huling pagpikit ng aking mga mata hiling ko'y marinig ang iyong tinig.

Mag-alay ka ng kantang may kulay pagkat isip ko'y gustong sumabay.

Isayaw mo ang dalawa kong mga paa katulad noong ako'y iyong karga-karga.

Mamitas ka sa ating hardin ng puting rosas na kasing ganda ng perlas.

H'wag kalimutang sindihan ang kandila hanggang sa unti-unti akong mawalan ng hininga, ang kanyang liwanag ang mag silbing ilaw sa aking paglalayag.

Higit lalo h'wag kang umiyak sapagkat sa muli nating pagkikita paniguradong may panibagong galak.

Fall Out - HugotWhere stories live. Discover now