Chapter 14

234 8 0
                                    


Malapit ng dumilim ay nasa University pa rin si Myzel dahil ang dami niyang ginawa sa computer room. Papunta na siya sa may bike niya at pauwi na siya. Mahirap ng abutan siya ng gabi sa campus. Maraming horror stories din ang naririnig niya tungkol sa HOT U! Kagaya nung putol na ulo ng gumagalang Prof na namatay daw years ago at kung anu-ano pa. Nagmadali na siyang kunin ang bike niya dahil inabutan na naman siya ng takot. Parang tumataas ang balahibo niya lalo nung maimagine niya si Clay Trinidad! Bigla siyang nag-antandang krus. 
"Manahimik nawa ang kaluluwa ni Clay!" takot niyang bulong.

Sumakay na siya sa bike niya nung may marinig siyang....

"Hey Myzel!" sabi ng pamilyar na boses kaya nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Myzel! Dahan dahan siyang lumingon at nakita niya si.....

Si Clay Trinidad na nakatayo malapit sa kanya! 

Biglang nanigas ang buong katawan ni Myzel dahil sa takot.

"MULLLLLTTTTTOOOOOOOO!!!!!!! WAAAAAHHHHHHH!!!! MULTOOOOOOOOOOO!!!!" malakas na sigaw ni Myzel sabay baba sa bike at tumakbo ng mabilis!! 

Ang shonga no?? Pwede namang magbike para mas mabilis!! Tinakbo pa talaga! 

Mabilis ang pagtakbo ni Myzel at hinahabol siya ni Clay!! Hinahabol siya ng kaluluwa ni Clay!! 

"TULUNGAN NIYO KO!!!! MULTOOOOOOOOOO!!!!" sigaw pa rin niya habang umiiyak na at habang panay pa rin ang takbo! Close ba sila ni Clay para magpakita ang kaluluwa nito sa kanya?? 

Sobrang hingal na hingal na siya nung tuluyang makalabas sa campus. Saglit siyang huminto at huminga at hindi niya mapigilang umiyak! Ibang klaseng takot ang naramdaman niya!! Hinabol siya ni Clay!! Paglingon niya sa campus ay wala na si Clay kaya nakahinga siya ng malalim.. Akala niya, katapusan na niya! 

Sabi kase ng lolo niya, yung mga patay daw minsan ay hindi pa nila alam na patay na sila kaya pagala gala lang ang mga kaluluwa nila at ginagawa nila ang mga bagay na madalas na nilang ginagawa. Huminga na siya ng malalim at pagharap niya ay parang nagfreeze na naman ang mundo niya! 

NAKATAYO SI CLAY SA HARAPAN NIYA!!!! 

"Juice ko Lord!!! Tulungan niyo po ako!! %&**%*%" bulong niya sabay pikit. 

"Baliw!" inis na sabi ni Clay, "Bakit mo pinagkalat sa social media na patay na ko?! At nag RIP ka pa talaga saken ah!" nakangising sabi ni Clay. 

"Bu-----bu------buhay ka????" hindi makapaniwalang tanong ni Myzel at agad niyang hinawakan ng dalawang palad niya ang magkabilang pisngi ni Clay!! 

At nung mga moment na 'yon...

Parehong nagfreeze ang mundo nila... 

Nakatitig nalang sila sa isa't isa habang tulala pa rin. Ramdam ni Myzel ang init ng pisngi ng lalaki at ang sarap pala hawakan non! Si Clay naman ay ramdam din ang init ng palad ng babae at nung pagkakataong 'yon ay parang nabura ang inis na nararamdaman niya para kay Myzel.

"Bu------buhay ka nga," bulong nalang ni Myzel. 

"OO! Buhay ako! At makakatanggap ka na naman ng parusa dahil sa pagkakalat mong patay na 'ko! Goodluck sa'yo bukas! Kawawa ka na naman sa mga HOT U students!" nakangising sabi ni Clay at agad namulsa. 

"Okay lang! Hindi naman ako takot eh! Iilan lang naman ang mga bagay na kinatatakutan ko, una, ang mawala si Mommy,ang pangalawa, ang madisappoint si Mommy kapag bagsak ang grades ko. Bukod pa don, wala na 'kong kinakatakutan. Ay meron pa pala! Takot ako sa multo! Pero ayun lang! Kaya wala akong pake kung pagtripan niyo na naman ako!" mayabang na sabi ni Myzel at natulala lang si Clay sabay tingin sa may likuran ni Myzel....

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon