Mabilis na tumayo si Ana at nagmadaling umalis. Hinabol naman siya kaagad ni Stan."Sorry Ana!" sabi ni Stan habang sumusunod kay Ana.
"No Stan, hindi mo naman kailangang magsorry. Ginusto ko din naman 'yon eh." sabi nalang niya habang naglalakad palabas ng court.
Mabilis na naglakad si Stan at inunahan niya ang babae hanggang sa maharangan niya ang dadaanan nito.
"E bakit parang galit ka?" nag-aalalang tanong pa nito sabay hawak sa noo.
"Hindi ako galit sa'yo Stan," mahinang sagot ni Ana at muli siyang humakbang pero hindi natinag sa pagkakatayo ang lalaki. Nakaharang pa din ito sa dadaanan niya.
"E bakit ganyan ka? Come on Ana, kung may problema ka, just spill it out."
"Wala talaga Stan, gusto ko lang umuwi na... marami kase akong paper works na gagawin ngayon eh." pagde-deny nalang niya at muling hinawakan ni Stan ang mga pisngi niya kaya napalunok siya. Grabe kase yung titig sa kanya ang lalaki!
"Ana... yung gusto kong sabihin sa'yo... ano yon eh----- Ana, ma------ mahal kita!" mabilis na sabi ni Stan at napanganga nalang si Ana.
"Mahal mo 'ko?" nagulat na tanong ni Ana. "Pwede ba 'yon? E wala pa tayong 1 month na magkakilala ah."
"Ayun na nga eh, kahit ako hindi ko rin naman maintindihan kung bakit kita minahal agad. Kasalanan mo 'to lahat eh!" madiing sabi ni Stan kaya napanganga si Ana.
"Ako? Bakit ako?" nagtataka niyang tanong.
"Coz you're like a thief in the night! You stole my heart in a blink of an eye! At kung pwede lang kitang ipaaresto agad agad ay ginawa ko na!" seryosong sabi ni Stan at napahawak sa noo. "Pero... Alam ko namang hindi ako ang mahal mo Ana Mercado kaya balewala din naman ang nararamdaman ko para sa'yo. Don't worry, hindi ko naman 'to sinabi para mahalin mo rin ako eh, gusto ko lang talagang malaman mo."
Natahimik nalang si Ana at hindi siya makapaniwala sa nalaman niya mula kay Stan.
+**+
4:02 pm, nasa rooftop na si Ronnie at hinihintay niya don si Migo! Sabi kase nito, magtutuos daw sila at hindi siya yung tipong umaatras sa kahit na anong laban!
Nakita niyang dumating ang dalawang lalaki,
"Nasan si Migo?" tanong niya sa dalawa."Paakyat na siya," sagot nung isa.
"Akala ko ba kaming dalawa lang?" kunot noong tanong ni Ronnie. "E anong ginagawa niyo dito?"
"Sabi kase ni Migo, mag warm up ka daw muna para sa laban niyo!" nakangising sabi nung isa sabay hawak sa kamao. "Kaya kami muna ang harapin mo. Appetizer muna bro! Mamaya na yung main dish!"
"Teka! Wala sa usapan 'to! Ang sabi ni Migo, maghaharap kaming dalawa dito! Kaya iharap niyo na saken ang amo niyo! Tawagin niyo si Migo at pakisabi, wag siyang bakla!" inis na sabi ni Ronnie.
Susugod na ang dalawa kay Ronnie nung biglang dumating si Migo!!
"Ako ng bahala sa kanya," malakas na sabi ni Migo at mabilis ding umalis ang dalawang lalaki.
Naiwang magkaharap sina Migo at Ronnie,
"Lalabanan kita Migo sa kahit na anong laban ang gusto mo!""GAME!" malakas na sabi ni Migo at muli silang nagtitigan.
Pareho silang humakbang pasugod sa isa't isa at pareho silang masama ang tingin.
Willing si Migo na baliin ang buto ni Ronnie at willing naman si Ronnie na makipagpatayan!
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Ficção AdolescenteHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...