....

0 0 0
                                    

Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan sa nangyari. Sa mga nababasa ko, akala mo ba manhid pa rin ako sa mga yon? Hindi mo ba naisip na nasasaktan ako sa mga sinasabi mo? Nagpakababa naman ako nung gabing hindi ako nakapagtext. Hinintay ko na magreply ka sa texts ko non pero mukhang grabe ang naging galit mo sa hindi ko pagtext sayo. Di naman sa sinisisi kita. Di naman sa sinasabi kong wala akong kasalanan. Kasalanan ko naman talaga. Alam kong dapat nagpaabiso man lang ako sayo and tinanggap ko naman ang galit mo nung araw na yon. Yun nga lang, mukhang hindi naman na talaga makukuha sa simpleng text ko ng, "Sorry na." at siguro naman alam mong hindi ako ang lalaking nanunuyo ng galit na gf.
Anyway, pinapatawad na kita sa mga sorry na yan na nakabreakdown. Siguro nga, tama ka. Sana mapatawad mo rin ako. Sa pagsayang ko ng oras at effort mo, sa mga sakit na binigay ko sayo, sa paghihintay na ginawa mo at sa pagsasayang ko ng isang babae na sobrang sweet at sobrang maalalahanin. (ang drama ko 😭).
Pero sa kabila ng lahat, maraming salamat sa mga naging masasayang panahon na hinayaan mong ibahagi sakin. Salamat sa mga "i love you(s)" mo na nagpasaya at nagpalakas sa akin. Salamat sa mga nakakatawang usapan. Salamat sa mga sandali na iniintindi mo ako. Salamat sa mga pagpapakumbaba mo. Salamat sa mga oras na binibigay mo sa tuwing umuuwi ako dyan. Thank you. I love you.

Be the best Corina. God bless!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

....Where stories live. Discover now