Dylan as Lance
Gunter's POV
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang marinig niya ang boses ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin kong paliwanag sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa akin at halos hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Nang matauhan siya ay muling lumapit sa akin at para kuwelyuhan ako.
"What the fuck are you doing? Nagdamit pambabae ka para gaguhin ako?" naiinis niyang sabi.
"Sa-saglit lang. Magpapaliwanag ako." Pero mukhang hindi na niya ako pakikinggan sa ano mang paliwanag na sasabihin ko. Pumikit na lang ako nang makita ko ang kamao niya na papalapit sa mukha ko.
"The hell!" rinig kong sabi niya at dinilat ko ang aking mata at nakita kong may binatang hawak-hawak ang kanyang kamay.
"Kelan ka pa natutong pumatol sa babae?" tanong naman ng binatang to.
"Ano bang ginagawa mo dito Eisen? And let me tell he is....aww" di pa natatapos sabihin ni Lance ang kanyang dapat sabihin nang batukan siya ng binatang to. Nagulat ako dahil sino ba namang maglalakas loob na manakit sa isang katulad ni Lance.
"Kahit kelan bastos ka talaga eh.. Kung si tito pinalalgpas yang bibig mo. Pwes ibahin mo ako!" bulyaw ng binatang pangalan ay Eisen, sabay hila niya sa braso ni Lance papalabas ng kwarto.
"San mo ba ako dadalhin?" tanong ni Lance habang nagkakamot ng ulo.
"Syempre, magce-celebrate tayo sa pagkanalo mo!" masayang sabi ni Eisen. Nagulat naman ako nang lingunin niya ako at kumindat sa akin sabay nagpaalam.
Napaupo ako sa sahig at nagsimulang tumawa. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na matawa sa mga nangyayari dahil ngayon ay natuklasan ko na kung sino ang kahinaan ni Lance. Pero sino nga ba yung Eisen na yun? Kapatid, pinsan o kasintahan? Malabong maging kasintahan niya yun dahil alam kong hindi bakla si Lance. Siguro kapatid niya. Nakaisip ako bigla nang magandang ideya para makatakas na ako sa pambubully sa akin ni Lance.
Nagtungo agad ako pabalik ng booth namin. Sinabi ko sa kanila na nabisto na ako ni Lance at ayoko nang magpanggap bilang isang babae. Mabuti naman at pumayag sila dahil dumami raw ang customer nang magbihis babae ako at nakalikom na ng isaktong pondo ang booth namin. Sinabihan kami na magpahinga na para may lakas pa kami mamaya sa magaganap na mini concert. Maraming banda ang darating gaya ng Itchyworms, Tanya Markova, IV of Spades at paborito ko sa lahat ay ang Gracenote. Meron pa isang surprise guess na magpeperform pero wala na akong pakialam dun basta makita ko lang magperform ang Gracenote ay masaya na ako.
Mabilis akong nagbihis at naghilamos ng mabuti para matanggal ang make-up na nilagay sa akin ni Ailene. Halos mamula ang aking mukha sa kakahilamos dahil halos ayaw matanggal ng make-up na nilagay niya sa aking mukha. Pagkatapos nun ay nagpaalam ako para magpahinga muna kahit isang oras man lang dahil ramdam na ramdam ko ang pagod ngayon. Pumunta ako sa isang bakanteng classroom at pinagdikit ko ang mga upuan para may mahigaan ako. Pagkahiga ko ay agad akong nakatulog.
Nagising ako nang maramdaman kong nagbavibrate ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon. Pagkakita ko ay tumatawag pala sa akin si Ate Fritz. Kaagad ko naman itong sinagot.
"Hello, ate?" mabilis kong tugon.
"Anong oras ka uuwi?" tanong ni ate. Rinig ko sa kabilang linya ang tunog ng sandok na kumikiskis sa kawali. Mukhang may ginigisa si ate ngayon bigla naman akong nakaramdam ng gutom.
"Pagkatapos po ng concert" tumingin ako sa relo ko 6:15 pm na pala.
"Bago po mag-8pm andyan na ako" dugtong ko.
"Siguraduhin mo lang ahh.. at wag ka nang maglalakwatsa" sabi ni ate fritz at kaagad pinutol ang tawag.
Lumabas ako ng classroom at tila ako na lang ang natitirang tao sa building na to. Nagtungo ako sa ground floor para hanapin ang mga kaklase ko pero nang marating ko ito ay ni isa sa kanila ay wala akong nakita. Narinig ko na lang ang pamilyar na tugtugin at di ko napigilan ang sarili kong mapatakbo. Shit, bat ko ba pinalagpas ang pagkakataong ito. Tumutugtog na ang Gracenote at mukhang last song na nila ang kanilang piniperform.
Pagkarating ko sa loob ng Gymnasium ay kitang-kita ko na agad ang dami ng tao sa loob na nagkukumpulan para manood ng mini concert. Lahat ay indak na indak sa pagperform ng Gracenote sa pinakasikat nilang kanta na "When I dream about you". Pinilit kong makipaggitgitan sa mga taong nasa harapan para makita ko sila sa malapitan. Tuwang tuwa naman ako nang makita silang nagpeperform sa malapitan. Halos lahat ay nakikisabay sa chorus, napalingon ako sa kaliwang taong nasa paligid ko. Siya yung bumatok kanina kay Lance. Si Ai.. Si Eisen? Ngumiti siya sa akin at ako nama'y napangiti ng hilaw sa kanya. Sana hindi niya ako nakilala, nakakahiya tuloy. Laking gulat ko rin nang makita ko si Lance na nasa tabi niya na ngayon ay nakatingin na nang masama sa akin. Tinuon ko na lang ang aking paningin sa nagpeperform.
Hindi rin nagtagal at natapos ang kanilang performance at nagpaalam na rin sila. Lumapit para ipakilala ang susunod na banda. Yun ay ang IV of Spades, hindi ako masyadong nakikinig sa mga kanta nila pero nang marinig ko silang magperform ay tila bigla akong naging fan nila. Nang matapos silang kumanta ng apat na kanta ay kaagad rin silang nagpaalam. Sinundan sila ng iba't iba pang mga banda na nakaline-up na magpeperform ngayong gabi. Gusto ko na sanang umuwi pero biglang nagsabi ang emcee na magpeperform na ang huling banda at ito yung banda na may surprise performance sa aming school. Dahil nga na-curious ako kung sino ang mga to ay nanatili pa rin ako. Naghiyawan ang lahat ng tao nang ipakilala ng emcee ang bandang "OBLIVION". Alam kung sikat sila pero hindi ko talaga sila masyadong kilala. Nakita ko na lang na tila naging balisa si Eisen na nasa tabi ko at panay ang hatak niya ka Lance na kasalukuyang nag-aabang din sa last performer.
"Summer after high school when we first met" simulang pag-awit ng vocalist. Halos mabingi ako sa mga tilian ng mga babaeng nasa paligid ko. Di nga maipagkakaila na magandang lalaki ang vocalista nila pero para sa akin ay hindi naman siya ganun ka galing na performer. Nanatili na lang ako dun para makinig. Pinagmasdan kong muli si Eisen na ngayon ay parang naiiyak na. At tila hindi ito napapansin ni Lance kaya naman kinalabit ko siya kung okay lang ba siya pero nang lingunin niya ako parang babagsak na ang mga luha niya. Napatigil sa pagkanta ang vocalista pero patuloy pa rin ang pagpapatugtog ng banda.
"EISEN?" Sigaw ng vocalist at nabitawan niya ang mic na nagsanhi ng hindi magandang tunog na ang sakit sa tenga.
Bigla na lang tumakbo si Eisen nang tawagin siya ng vocalista ng bandang oblivion. Lahat ay nagulat sa pangyayari lalo na nang habulin ng lalaki si Eisen sa labas ng gymnasium. Sumunod si Lance na mukhang naiinis sa mga nangyayari. Sa hindi ko malamang dahilan ay napasunod rin ako sa kanila papalabas ng gymnasium. Naabutan ko na lang na hawak hawak ng lalaki ang kamay ni Eisen habang ito ay umiiyak. Bigla namang sinugod ni Lance ang lalaking may hawak kay Eisen at agad itong sinuntok sa mukha. Hindi nagpatalo ang vocalist sa kanya at gumanti rin ng suntok hanggang sa magpagulong gulong sila sa sahig.
Naawa ako sa kalagayan ni Eisen dahil pilit niyang inaawat ang dalawa para itigil ang ginagawa nila. Kaya naman lumapit na rin ako para awatin ang dalawa. Hinila ko si Lance papalayo sa vocalist at si Eisen naman ay ganun din ang ginawa sa vocalist. Nagpupumiglas si Lance sa pagkakayapos ko sa kanya pero hindi ko pa rin siya binibitawan kahit na nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Narinig ko na lang na nagsalita ang vocalista.
"Please Eisen, pakinggan mo muna ako" pakiusap ng vocalista sa kanya.
"Wala kayong dapat pag-usapan!" sigaw ni Lance habang nagpupumiglas sa akin.
"Ewan mo muna kami Lance" seryosong sabi ni Eisen habang pinupunasan ang luha niya.
"Hindi kita iiwan sa lalaking yan" sagot ni Lance.
"Hi-hindi mo naman kailangang umalis ng mansion. Lalung lalo na ngayon dahil si Jethro ay may..." hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang magsalita si Eisen.
"Please, ayoko nang marinig ang pangalan niya. Please, gusto ko nang maging malaya. Kung masaya na siya sa iba edi good for him. Tama na yung naging kami. Tama na yung naramdaman ko naging mahal niya ako. Kaya ngayon ay gusto ko ng maging masaya. Yung totoong masaya." Sambit ni Eisen at biglang umagos ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Pero si Jethro ay.." pagpupumilit ng vocalist.
"Jean, Please?" pagmamakaawa ni Eisen at saka nag-iiyak. Lumapit sa kanya ang lalaking nagngangalang Jean at niyakap siya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Romance"Siraulo lang ang maniniwala sa sumpa na yun. Malabong magkagusto ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na babae pa rin ang gusto ko. Pero bakit siya na lang lagi ang nasa isipan ko?" -Gunter Kaya bang baguhin ng isang halik ang lahat? Status: Co...