Normal Person’s POV ~
Dumating na ang exam week nila. Syempre, todo aral sila Sab at Thea. Last exam na nila ‘to for the year eh. Kelangan nilang mag-ayos kung ayaw nilang umulit ulit ng year level. Math ang pinakaayaw nilang subject kaya dito sila nagfocus.
“Arrrrgh! Ang hirap talaga ng Math na ‘to. Kelan ko ba magagamit sa buhay ko ‘to?” Tanong ni Sab kay Thea. Si Thea naman mukhang kalmado lang habang nag-aaral.
“Hay Nako, Sab! Itinanong ko narin sa sarili ko yan. Magtiis nalang tayo. San nga ba naman natin magagamit ‘tong mga angles na ‘to. Bakit kapag ba nakakita ako ng isang bagay, ime-measure ko yung degress nila? Titignan ko ba kung ano yung ka-complementary or supplementary nilang angle? Titignan ko ba kung anong measurement nung bwisit na parallelogram na yun? Hindi naman diba? Pero wala naman tayong magagawa, Sab eh. Kasama ‘to sa curriculum natin. Tiis-tiis nalang. Tutal, final exams na naman ‘to. After nito, magsasaya na tayo para sa Area Meet at mga activities.” Sagot sakanya ni Thea na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa librong binabasa niya.
“Pero nandun parin yung mga projects. Ugh! I can’t wait for Summer. Magkakasama na kami ng madalas ni Prince. Ewan ko ba dun kung bakit ayaw niya dito nalang sa school natin mag-aral.”
“Ayos na yun. Para hindi kayo ma-PDA.” Inirapan ni Sab si Thea pagkatapos sabihin iyon ni Thea.
*fast forward… After exams…*
“Oh yeah Baby! Tapos na exams! YES! YES! YES!” Sigaw ni Thea pagkalabas na pagkalabas niya ng room. Kasunod niyang lumabas si Sab na mukhang sobrang lungkot.
“Hoy, Sab! Hindi ka ba natutuwa kasi tapos na ang exams?” Tanong ni Thea sa kanyang kaibigan.
“Huhuhuhu. Ang hirap naman kasi ng exams. Akala ko duduguin na ako.”
“Wag OA, ‘teh! Tara, kain tayo. Tutal tapos na ang exams. Let’s celebrate.” At hinatak na ni Thea si Sab papuntang cafeteria.
Althea’s POV ~
Nandito ako ngayon sa meeting ng volleyball club namin. Sinusukatan na kami para sa jersey namin. Tinanong ako nung moderator naming kung ano yung gusto kong number para sa jersey.
Syempre, ano pa bang number ko? Kung hindi 07, forever. Hahaha.
Wag kayo, hindi na ako bitter samin ni Jarred. Napamahal na rin kasi sakin yung numerong yun. No more bitterness. Marami kasi akong memories dun sa number na yun. Mapa-tungkol man kay Jarred o hindi.
“Osige, Thea. Makakabalik ka na sa klase mo.” Sabi sakin ng moderator namin.
“Salamat po, Miss. Una na po ako.” At nag-wave na ako ng ba-bye sakanya.
Bumalik na ako sa klase naman. Ugh. Boring talaga. English ang subject namin ngayon. Hindi naman boring ang English namin palagi pero ngayon, grabe talaga. Nagso-story telling lang kasi yung teacher namin. Magaling siya magbasa pero duh, ang boring kaya kapag nagbabasa lang siya tapos hindi man lang kami pinagsasalita or anything.
*riiiiing*
Sa wakas tapos na rin ang English time. Hay nako. Ito na, Computer next subject namin. Nakakapagod lang ah? Bakit ba kasi ang layo ng classroom namin sa computer lab. Grabe. Oh well. Lakad na nga lang kesa reklamo.
Nakarating na kami sa computer lab at nagsimula na ring magdiscuss yung teacher naming tungkol sa project namin sa Turbo C. Damn that, Turbo C. Ang dami kong hirap diyan =))) Pero, kakayanin. Last project na eh, pangbawi nalang din. Panghatak ng grades.
*knock* *knock* *knock*
Narinig naming may kumakatok sa computer lab. Lumapit yung teacher namin at kinausap siya. Nagulat naman ako at bigla akong tinawag. Ako pala daw yung hinahanap.
Lumabas ako ng room at nakita ko yung Senior na kateam ko sa volleyball. Ano kayang meron at nandito siya? Hmmm.
“Hi Ate. Ano pong meron?” Tanong ko sakanya.
“Ah kasi, sabi kasi ni Miss Ish na baka hindi na daw magpagawa ng jersey kapag varsity. Eh sabi nung moderator natin na 07 daw ang number mo kaso yun din ang number ko sa varsity uniform naming so pwede ka bang magpalit?”
Sa totoo lang, nainis ko sakanya. Ano ba naman kasi, sinabi ko na nga sa moderator naming na 07 number ko tapos ano, ito ipinababago samin? Psssh.
“Ah, kausapin ko nalang yung moderator natin about dito. Gusto ko rin kasi ng 07 so ayun.”
“Ganun ba. Sige, tanong mo nalang. Salamat.” At umalis na siya.
Pagpasok na pagpasok ko sa computer lab, nagrant agad ako kay Sab…
“Ano ba naman yan. Sinabi na nga na 07 number ko tapos ito, lalapit sila sakin para baguhin ko? What the hell. Eh paano kung ayoko?”
“Hoy Thea! Tigil nga. Mapapagalitan tayo niyan eh.”
“Ah basta! Pupunta ako mamaya sa moderator namin.”
Medyo badtrip ako sa buong computer namin kaya pagkatapos na pagkatapos ng computer time, dumiretso na ako para kausapin ung moderator namin. Nag-agree naman siya na hindi ko na babaguhin yung akin kasi kelangan paring magpagawa ng jersey nung mga Seniors. Thank God!
*riiiiing*
Bell na naman which mean, lunch is over. Kelangan ko nang bumalik sa last class namin.
Pagpasok na pagpasok ko, wala pala kaming klase so adviser’s time lang ang mangyayari. Wala parin si Sir Dominique dahil sa dami ng inaasikaso niya kaya no choice, si Sir Dan parin ang nandito sa harapan namin.
“Okay class. I just have a quick announcement about the Area Meet tomorrow.” Aba, nakikinig ang mga kaklase ko ah? Bakit kapag ganitong usapan, nakikinig sila. Haha.
“So, since tomorrow is the start of the area meet, all of you should go here before 9am. I will write here the schedule of games tomorrow.”
9:00am – 10:30am Opening remarks and Introduction of schools
10:30am – 11:30am Lunch Break
11:30am – 12:00nn Preparation for the games
Nagulat kami kasi hanggang half day lang ang nakasulat sa board kaya naman nagtanong na yung isa kong kaklase sa teacher namin.
“Sir? Bakit kalahating araw lang ang nandyan?” Tanong ng president namin.
“Kasi may kanya-kanya kayong schedule para sa games niyo. Ibibigay sainyo ng mga moderators niya ang kanya-kanya niyong schedule.”
“Ahh. Salamat Sir.”
“So, are they anymore questions? If none, you may go now. See you all tomorrow and good luck to your games.”
(Author's Note: Excited na ako para sa Area Meet! Kayo ba? Hahaha. Maraming mangyayari. Abangan niyo. Salamat!)
BINABASA MO ANG
Will the chickboy ever learn his lesson?
Novela JuvenilSi Lance ay isang chickboy. Mapaglaro siya dahil sa kakaibang prinsipyong meron siya. Sino kaya ang babaeng makakapagpabago sakanya? Gaano kadaming problema ang kailangan niyang maranasan para lang mabago niya si Lance? Kakayanin ba niya o susuko na...