"Pero, Mr. Smith!" angal ni Jerome.
"My decision was final. Aikaterina will be your tandem from now on," sambit ni Mr. Smith.
Hindi na nakaangal pa si Jerome at tuluyan nang umalis si Mr. Smith.
Narinig ko ang pagsinghal ni Jerome sa inis sabay lakad papaalis pero pinigilan siya ni Xavier.
"Jerome, sandali. Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Sa misyon. Nang mag-isa," sagot naman ni Jerome at pinagdiinan talaga niya 'yong 'mag-isa.'
"Alam mo ang rules, Jerome," seryosong sambit naman ni Gunner.
Natigilan naman siya nang marinig niya ang sinabi ni Gunner.
"Gusto mo ba ng two weeks suspension at samsamin ang divine artillery mo?" sambit pa ni Gunner.
Napakunot ang noo ko nang marinig ko 'yong divine artillery. Pero nawala 'yon agad sa isip ko nang nilingon kami ni Jerome nang may seryosong mukha at matatalim na titig tapos ay bumuntonghininga siya nang may halong inis.
"Sige. Basta huwag ka lang maging pabigat sa'kin, naiintindihan mo?" maawtoridad niyang bilin sa'kin.
Sa takot ko sa kanya ay napatango na lamang ako. Pagkatapos ay tuluyan nang naglakad paalis si Jerome. Sa taranta ko, naguluhan tuloy ako kaya't napatingin ako kina Gunner.
Pero sinenyasan nila ako na sundan ko si Jerome kaya dali-dali naman ako sa paglalakad.
---
Narito na kami ngayon sa isang mahawan na pathway na napalilibutan ng mga puno.
Halos ilang metro ang layo ko mula kay Jerome na nasa unahan ko lang. Kami lang dalawa ang naririto at katahimikan ang namamayani sa pagitan naming dalawa.
"Saan ba tayo pupunta?" usisa ko bilang pagbasag sa katahimikan.
Pero hindi niya 'ko inimik habang patuloy lang siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung narinig ba niya 'ko o ayaw niya lang talaga akong kausapin.
"Hello? May kausap ba 'ko?" sarkastikong tanong ko.
"Gate of Earth," sambit niya bigla.
"Ano 'yon?" tanong ko naman.
"Lagusan 'yon mula rito sa Underworld papunta sa mundong pinanggalingan mo," sagot pa niya.
Habang naglalakad kami ay pasukal nang pasukal ang dinaraanan namin. May isang oras na rin siguro kaming naglalakad. Nakakaramdam na ako ng pagod. Gusto ko nang magpahinga kasi pakiramdam ko nananakit na ang mga binti ko.
"Malayo pa ba?" tanong ko kay Jerome. Pero as usual, wala akong nakuhang sagot.
Mayamaya'y huminto kami sa tapat ng isang higanteng puno. Sa taas at laki nito, parang abot na nito ang langit. Sobrang lago rin mga mga dahon nito na puwede nang maging bubong ng bahay. Maging ang mga ugat nito ay makakapal at malalaki rin.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasía[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...