Napanganga nalang si Myzel after niyang makita ang napaka-kalat na bahay! Nagkalat ang mga empty bottles ng beer at mga baso, meron pang ilang platito na nagkalat na pinaglagyan ng mga pulutan.--JUSME! ILANG BAGYO BA ANG DUMAAN DITO?-- bulong nalang niya. Nagsimula na siyang maglinis at inuna niya munang itapon ang mga kalat. Sabado naman at sabi ni Dorothy, umaalis daw ang tatlo para pumunta sa mga pamilya nila at Monday na sila bumabalik.
Isa isang naglabasan sa mga kwarto nila ang HOT boys! Nauna sina Migo at Stan na nakanganga nung makita nilang nasa salas si Myzel at nagwawalis.
"MYZEL??!" gulat na tanong ng dalawa.
"Why are you here?! Dito ka natulog?!" gulat na tanong ni Migo.
"CLAY TRININDAD!!!!!!!!!!" sabay na tawag nung dalawa habang si Myzel ay nagulat din sa reaksyon nina Migo at Stan.
Lumabas na din si Clay sa kwarto at pinagitnaan siya ng dalawang kaibigan.
"Alam mo naman ang rules diba?" tanong ni Stan kay Clay. "Hindi tayo pwedeng mag-uwi ng babae dito!!"
"At talagang binahay mo pa si Myzel ah!" sabi naman ni Migo.
"Can you just STOP!?" inis na sabi ni Clay. "Hindi ko siya binahay okay?!"
"E bakit siya nandito?!" tanong ni Migo. "San siya natulog? Sa kwarto mo??"
"Mga gago! Makinig nga muna kayo! Kaya nandito si Myzel dahil siya ang bago nating katulong!"
"WHAT???!" sabay pang tanong ng dalawa.
"Bingi ba kayo?! Sabi ko, siya ang bago nating katulong! Siya ang nirekomenda ni Dorothy!"
Kumalma na bigla ang dalawa at napatango nalang sila.
"Ganon ba..." mahinang sabi ni Stan. "Ah.. welcome sa HOT House Myzel!"
"Thank you!" maiksing sagot ni Myzel.
"Since Saturday ngayon, masosolo mo 'tong bahay." sabi pa ni Stan. "Monday pa ang balik namin."
"Yeah!" sabi naman ni Migo. "Tara na guys, umalis na tayo."
Lumabas na nga ang tatlo at hindi nakalagpas sa paningin ni Myzel na sinulyapan muna siya ni Clay bago ito tuluyang umalis.
"Hay salamat! Solo ko 'to at wala sina Clay! Malilinis ko talaga ng todo 'tong bahay." sabi ni Myzel na patuloy pa rin sa paglilinis.
Pero natutuwa naman si Myzel sa grupo nina Clay, nag party lang talaga sila, uminom at may nag yosi din pero sure siyang walang illegal drug users at walang malalaswang pangyayari. May rules rules pala kase ang HOT Boys like bawal mag-uwi o magpatulog don ng babae. Nakaka turn on 'yun para sa kanya. Sina Clay pala yung mga kabataang malaya, nagagawa ang mga gusto pero may disiplina din at limitasyon.
+**+
Sunday na at nanunuod ng TV si Myzel, wala na naman kasi siyang gagawin dahil nalinis niya na ang buong bahay.
Nagulat siya nung biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ang gwapong si Clay! Hindi siya handa don kaya napanganga siya sa lalaki!
"Sunday palang ah... Ah... Akala ko ba Monday night pa ang balik niyo?" tanong ni Myzel.
"Ako lang!" sabi ni Clay. "Bakit? Bawal ba kong umuwi agad?!" kunot noong tanong nito.
"Ah...eh... Hindi naman!"
"Ipagluto mo 'ko ng pagkain,dito ako magla-lunch. Tawagin mo 'ko kapag luto na." sabi nito at agad pumasok sa kwarto at nagsara ng pinto.
Hindi alam ni Myzel kung bakit nakaramdam siya ng excitement sa pag-uwi ni Clay!!
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Novela JuvenilHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...