"Love you?!" natatarantang tanong ni Myzel matapos niyang marinig ang sinabi ni Clay na "LOVE ME!"
at biglang natawa lang si Clay ng malakas."Naniwala ka naman agad, e joke lang naman 'yon!" natatawang sabi ni Clay at napalunok naman si Myzel.
"Baliw!" inis na sabi nalang ni Myzel at agad ng dumiretso sa kusina pero biglang bumalik ulit. "Nga pala Clay, last rehearsal na natin sa Tuesday, malapit na 'yung play. Kabisado mo na ba lahat?"
"Yeah! You don't have to worry about it!" sagot ni Clay.
"Very good!" sabi ni Myzel at muling bumalik sa kusina.
Naiwan na lang si Clay don at nakita niya ang phone ni Myzel na naiwan sa table at nakita niyang nag-v-vibrate ito. Tatawagin sana niya ang babae pero mas pinili niya munang silipin ang phone nito. Nakita niyang pangalan ni Marcus ang nakaflash sa screen kaya agad niya 'yong kinuha pero biglang dumating si Myzel.
Nagmadaling binitawan ni Clay ang phone,
"May tawag," sabi nalang niya at kinuha ni Myzel ang phone kay Clay."Akin na nga! Bakit ba hawak mo?!" mataray na sabi ni Myzel.
"You are not allowed to use phone while you're on duty! Akin na 'yang phone mo! Wala kang karapatang tumanggap ng tawag!" mayabang na sabi ni Clay at napanganga lang si Myzel. "I'm serious Myzel, akin na 'yang phone mo! Mamaya mo na 'yan kunin after ng work mo."
"Oh ayan!" inis na sabi ni Myzel at agad niyang inabot sa lalaki ang phone niya. "Wag mong papakialamanan ah!"
"Tsk! Why would I do that!" Clay smirked.
Muli ng bumalik si Myzel sa kusina na nanghahaba ang nguso! Tumatawag kase si Markus at hindi niya nasagot. Baka tungkol 'yun sa swimming nila bukas.
Si Clay naman ay nakatingin sa phone ni Myzel na muling nag-vibrate at muling nag-flash ang pangalan ni Markus!
Agad nalang niyang ini-off ang phone ni Myzel.
+**+
Gabi na at hindi makatulog si Ana, nasa kama kasi siya at si Stan naman ay nakita niyang namamaluktot sa couch.
"Stan?" mahinang tawag niya at nagbabakasakaling gising pa si Stan.
Nilingon naman siya nito,
"Oh Ana? Bakit?""Ah..ano...okay ka lang ba dyan? Ah.. Para kasing hindi ka kumportable dyan sa couch. Nakakahiya naman sa'yo. Gusto mo ba, ako nalang dyan?" nakokonsensya kasi siya dahil ang napakayamang Hernandez na may-ari ng HOT U at ng iba pang kumpanya ay namamaluktot sa couch ng dahil lang sa kanya.
"Okay lang ako dito Ana, dyan ka nalang." nakangiting sabi ni Stan.
"Ah..kung.. dito ka nalang din? Ah..tabi tayo..." nahihiyang sabi ni Ana pero sinabi niya na rin.
Ngumiti naman bigla si Stan at parang kinilig bigla sa sinabi ni Ana,
"Di nga?""Oo, ah..kahit lagyan na lang natin ng unan sa gitna natin para...para hindi tayo magkadikit. Tutal, malaki naman 'tong kama mo."
"Sure ka talaga?" nakangiting sabi ni Stan na agad tumayo sa couch. "Tabi talaga tayo?"
"Oo nga!"
"Ah..wag na!" sabi bigla ni Stan sabay hawak sa batok. "Baka mamaya.. Hindi ka makatiis at kung ano pang gawin mo sa'kin."
"Ang kapal mo din ah!" natatawang sabi ni Ana. "Wag kang mag-alala Stan, wala akong gagawing masama sa'yo!"
"Huh?? Bakit wala!?!" natatawang tanong pa ni Stan at agad na siyang pumunta sa kama.
"Haharangan naman natin eh," nakangiting sabi ni Ana na agad naglagay ng malaking unan sa gitna. "Oh halika na, matulog na tayo."
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...