Monday morning...
Maagang nagising si Myzel para magluto ng breakfast para kina Migo, Ana at Clay. Sinundo kasi si Fate ng daddy niya at umuwi na sa bahay nila si Stan.
Sisimulan palang niyang magprito ng hotdog at bacon nung dumating sa kusina si Ana.
"Tutulungan na kita Myz." nakangiting sabi ni Ana. "Maaga naman kasi talaga 'kong nagigising kapag may pasok."
"Okay sige."
"Hm.. Nga pala Myz, kumusta naman 'yung outing niyo kahapon? Masaya ba?" nakangiting tanong ni Ana habang naghihiwa ng bawang para sa fried rice.
"Sooobrang saya! Grabe! Ang ganda pala dun sa Batangas!" natutuwang kwento ni Myzel at naalala niya ang naging outing nila! Naging loveteam sila bigla ni Markus at tinutukso sila ng lahat! Nabuo pa nga ng mga lokong classmates niya ang MarZel Loveteam! Ang tambalang magpapataob sa JaDine! Haha.
"Ang ganda ng ngiti mo ah, mukhang nag-enjoy ka talaga kahapon."
"Pano, yung mga classmates ko, walang ginawa kundi asarin kami ni Markus!" natatawang sabi niya.
"Type mo si Markus?"
"Ah..hindi naman.. Natutuwa lang ako kase binuo nila 'yung MarZel, Markus and Myzel! Grabe diba? Lakas ng mga trip!" pailing iling niyang sabi.
Sa may pinto naman ay nakatayo pala dun si Clay at naririnig ang mga pinag-uusapan nila.
"MarZel?" nagulat sina Ana at Myzel nung marinig nila ang boses ni Clay. "Ang cheap!" natatawa nitong sabi.
"Selos ka lang Clay!" natatawang sabi ni Migo na nakatayo na pala sa likod ni Clay at agad ding pumunta sa kusina para magkape.
"Yuck! Bakit ako magseselos?? Anong dahilan?" inis na sabi ni Clay kay Migo.
"Asus!" pang-aasar pa ni Migo, "Yaan mo bro, team ClayZel parin kami ni Stan!"
"Siraulo! Anong ClayZel?! No way!" sabi pa ni Clay at natawa lang si Migo. "Hoy Myzel! Baka mamaya maniwala ka dyan kay Migo ah! Siraulo 'yan! Palibhasa ipapakulong na 'yan ni Congressman Rosales sa kasong kidnapping!"
"Ewan ko sa'yo Clay The Bitter!" natatawang sabi ni Migo na agad ng lumabas sa kusina bitbit ang cup ng coffee. "Palibahasa walang lovelife!"
+**+
"Uyyyyyyy!!!!!! Magkatabi sila!!! Ayiiiieeeee!!!!" pang-aasar kina Myzel at Markus nung mga classmates nila.
"Para kayong mga sira! Tigilan niyo nga kami ni Markus!" natatawang sabi nalang ni Myzel. "Baka mamaya magalit 'yung girlfriend niyan!"
"Wala 'kong girlfriend!" mabilis na sagot ni Markus at lalong nagtilian ang mga classmates nila.
"Single pareho oh! Match na match! #MarZel!" sabi nung isa nilang classmate at nagtilian pa ang iba.
"Guys tigilan niyo na kami okay?" sabi naman ni Markus, "Baka mamaya, magka-inlaban talaga kami!" nagtilian lalo at natawa at napailing nalang si Myzel.
Nagulat pa siya nung may lalaking lumapit sa kanya at may iniabot na pink rose.
"Kanino 'to galing?" tanong niya."Kay Clay Trinidad," sagot ng lalaki at natahimik ang lahat ng classmate ni Myzel nung marinig nila ang pangalang Clay!
"Kay Clay?" tanong niya ulit sa lalaki.
"Paulit ulit??" badtrip na sabi ng lalaki kaya medyo naimbyerna si Myzel don!
"Pero bakit?" hindi siya makapaniwalang binigyan na naman siya ulit ni Clay, as in ULIT ng bulaklak! Para saan??
"Malay ko! Siya nalang ang tanungin mo." sabi ng lalaki at agad na itong umalis.
BINABASA MO ANG
HOT UNIVERSITY
Teen FictionHernandez, Olivarez, Trinidad University also known as HOT University, ang eskwelahang itinatag ng tatlong angkan. Sa new generation, magkakaibigan pa din ang kaapu-apuhan ng tatlong angkan. Sila sina Stan, Migo at Clay, ang tatlong lalaking pinagka...