Chapter 1
"Goodmorning mommy"anya Andy, na medyo bulol pa sa pag-tawag sakin.
Iminulat ko ang mga mata ko at agad bumungad sakin ang muka ni Andy, my baby. Tinalikuran ko ito at nag kunyareng natutulog ulit. I really love to tease him.
"Mommy wake up na po muah muah muah"
Napahagikhik ako ng halikan ako ni Andy sa tainga. Alam nyang malakas ang kiliti ko don kaya lagi nya yung ginagawa kapag 'di ako bumabangon sa kama. Itinuro yun sakanya ng magaling nyang ama.
Inikot ko ang paningin ko sa buong silid pero di ko sya nakita.
"Kung hanap mo po si daddy wala pa po sya"
So hindi na naman sya nakauwi?siguro dahil masyadong hectic ang schedule nya sa company ng dad nya.
Tumayo na ako at kinarga ang anak kong si Andy he's only 3 years old kaya medyo bulol pa syang mag salita.
Pumunta kami sa kitchen. Siguro gutom na sya kaya nanggising."Anong gustong kainin ng baby ko?"
Humagikhik ito at tinuro ang pisngi nya na parang nag-iisip. I grin and pinch his nose.
"Hhhmm hotdog and fried rice?"anya ko
Lumawak ang ngiti ng anak ko at mabilis na tumango.
"Ummhh opo"nakangusong anya
Napangiti ako at hinalikan sya sa pisngi.
"I knew it yun naman kasi ang paborito nyo ni daddy e."
Inilapag ko si Andy sa bangko.
Pumunta ako ng refrigerator at kumuha ng hotdog.Narinig ko ang pag hagikhik ni Andy."Excited ka na mag breakfast nak?"
"Yes excited na kami hon kaya bilisan mo na hhmm?"napapitlag ako sa biglang pagyakap sakin ni Andro mula sa likod.
Buti naman at nakauwi na sya. Hinarap ko ang asawa ko at sinalubong nya naman agad ako ng halik.
"M—mommy gutom na pooo ako. Later na lang po kayo mag lablab ni daddy"
Nag katinginan kami ni Andro at sabay na napatawa.
"Better if you change your clothes hon, para makapagluto na ako at makapag-almusal na si Andy"
"Ok"
Humalik sya pisngi ko. Lumapit sya kay Andy at hinalikan naman ito sa noo.
Wala na akong mahihiling pa. Sila ni Andy ang buhay ko. Hindi ko kakayanin kung mawala sila."Hon pag katapos natin dito. Punta tayo ng park huh?"
"Punta tayo park daddy?"
"Yes baby"
Inubos ko ang nginunguya kong pag kain saka tinapunan ng tingin si Andro.
"Wala ka bang trabaho?"
Umiling-iling ito at umiwas ng tingin.
Sa tingin ko may kasalanan sya sakin?
ganyan kasi sya, magyayaya lumabas at hindi makatingin sakin ng maayos kapag nakakagawa sya ng kasalanan.Nginitian ko sya at tumingin kay Andy na parang hinihintay ang pagpayag ko.
Ilang buwan na rin naman nong huli kaming nagkaron ng quality time. So maybe this is the right time for that. Since wala din namang work ngayon ang asawa ko.
"O sige pupunta tayo ng park"
Muli akong bumalik sa pag kain at tinitigan ang nagkukulitan kong mag-ama.
18 palang ako nang maging Mrs. Chavez at ngayon nga may anak na kami ni Andro. 21 palang ako si Andro naman ay 22, nagpakasal kami ng maaga dahil nabuntis nya ako at si Andy ang kinalabasan. Well alam ko naman na hindi magandang pakinggan ang mabuntis ng maaga pero hindi ako nag-sisisi dahil nabiyayaan ako ng gwapong anak, siguro ang iba sinasabi na gasgas na ang linyahang biyaya o blessing pero yun at yun pa rin ang sasabihin ko hindi dahil sa maaga akong nagbuntis, kundi dahil isa akong ina. Hindi rin naman kami asa sa magulang. Swerte nga ako't may paninindigan ang asawa ko.
BINABASA MO ANG
His Wife (UNDER REVISION)
Lãng mạnMelody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything...