heart break girl

55 4 1
                                    

hope you enjoi this one..

comment kayo.. baka sakaling mabanggit kayo sa mg next chaptie.. :)

have a nice day.

*******************************************************************

Alex's POV

               Nasa likod ako ng school ngayon. May iniutos kasi sa akin yung tita ko kanina. Kailangan ko daw tingnan yung mga halaman sa likod ng school at hanapan ko raw ng remedy. Sa totoo.. kailangan na talaga ng remedyo nito. Matataas na yung damo kesa mga halaman . yung vermuda akala mo damo na rin. Yung mga bulaklak akala mo naligaw na lang. Kung saan-saan nalang kasi nanduon. Yung mga puno.. eto ok na to.. matataas.. pwede to lagyan ng mga upuan para dagdag tambayan ng mga students..

               Ha ha ha ah... talagang tambayan talaga ang una kong naisip nu. Abot pa ang tingin ko dun ng may marinig akong mga parating.. nag tago ako sa likod nung matataaas na halaman. Gugulatin ko tong mga to. Plano ko.. humanda na ko para gulatin kung sino man yung parating ng... AKO  PA ANG NAGULAT.

It was ANA and Andrew... nauunang mag lakad si Ana at nakasunod lang si Andrew.

"bakit ka ba ganyan?" inis na tanong ni Ana sa kanya. Pero naguguluhan din si Andrew. Base kasi sa expression nya.. di nya alam yung mga sinasabi ni Ana. "Please... Please... come back to me" sabi ni Ana sabay akap kay Andrew. Napatakip naman ako ng bibig ko..  come back to me?

 

               Nanatili lang sila sa ganung posisyon ng biglang..

Krrrrrrinng krriinngg krrrriiinng

 

Exsaheradang tunog ng phone ko. Bigla ko naman kinuha yun saka pinatay. Anu ka ba naman.. bat ngayon ka pa tumunog? Dahan dahan naman akong gumapang paalis dun para di ako Makita ng dalawa.

"Mag?" dinig kong sabi ni Andrew.. kaya napatayo ako agad sa gulat kaya tumama yung tuhod ko sa kakausling sanga dun sa baba.

"ah!" daing ko.

"anung nangyari?" biglang sabi ni Andrew.. din a ko nakapag react.. bigla nalang kasi na andun na sya sa harapan ko.

"nakikinig ka sa usapan naming?" bintang sa akin ni Ana.

"dumudugo.. alika na sa clinic" sabi ni Andrew saka tumalikod sakin.. "tara na!" sabi nya ng marandamang di ako gumagalaw. Ang gusto nya kasi pumas an ako sa kanya.

"what are you doing here ah.. nakikinig ka nu? Siguro may gus-"

 

"stop it Ana" saway sa kanya ni Andrew. "sumakay ka na" ustos naman nya sakin.

"first of all.. di ako nakikinig sa inio" sabi ko saka pinilit tumayo. Hello.. gasgas lang naman to nuh.. " pangalawa..gusto ko lang ipaalam sa inio na ako ang nauna rito.. kaya kayo lang nang gulo sa ginagawa ko rito. At huli.. kaya kong mag lakad" sabi ko saka nga nag lakad pero biglang nanghina yung tuhod ko.

"kitam!" hiyaw ni Andrew saka ako biglang binuhat without any warning.

"teka nga!.. ibaba mo nga ako.. Andrew!!" hiyaw ko para ibaba nya ko.

 

"manahimik ka nalang.. pag ako natulig.. ibabagsak kita" banta naman nya sakin.

Ang Love Story ng Crush Ko (ALS-CK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon