Magkatabi si Cairlle at si Mirai sa upuang katapat ng kay Iriah. Kung mag-usap ay parang hangin lang ang presensya ni Iriah. Kung titignan sa malayo ay mapagkakamalan mong third wheel si Iriah ng dalawa.
Pero 'yun din talaga ang iniisip ni Iriah sa oras na iyon.
Kaya dapat talagang banggitin ang pangalan ni Iriah ng paulit-ulit para malaman niyang may nakakapansin pa rin sa kanya.
Masayang nag-uusap ang dalawa. May sandaling tatawa ng malakas si Mirai tapos si Cairlle mamumula saka lilingon sa ibang direksyon. Minsan naman puro si Mirai lang ang nagsasalita. Habang si Iriah nakapokerface habang nakatingin sa kanila.
Still, hindi pa rin siya pinapansin. Animo'y may sariling mundo ang dalawa.
Kawawang Iriah. Napag-iiwanan ng panahon. 'Yung dalawa niyang pinsan, may mga babae na naman. Si Cairlle na kaibigan niya, may babae na. Si Iriah, inagawan ng babae ng kaibigan niya. Charoooot lang daw pala. Hehe.
15 minutes bago matapos ang break time e agad na siyang tumayo. At laking pasalamat niya ng mapansin siya ng dalawa.
"Uy ha, mauna na ako sa inyo. May gagawin lang ako. Saka Carlito, 'yung room ni Mirai, isang room lang ang pagitan sa room namin okay? See you." Aniya saka umalis doon. Pansin niya ang mga matang nakamasid sa kanya kaya napairap na lang siya sa ere.
Akala niya ay wala ng good vibes ang matatanggap niya ngayong araw pero nagkakamali siya. Dahil pagtapak na pagtapak pa lang ng kanyang paa sa classroom nila e magandang balita na agad ang bumungad sa kaniya.
"Ah, Bernadeine...ano kasi wala si Ma'am. Hindi daw siya makakapasok kasi may sakit siya." Balita sa kanya ng class vice president nila, si Sage.
Sa sobrang tuwa ni Iriah e nayakap niya si Sage. At agad na namula si Sage at nabigla. Ikaw ba naman e mayakap ng isang magandang babae, hindi ka ba mamumula? Except na lang siguro kung crush mo siya. At hindi ka rin ba mabibigla kung mayakap ka ng babaeng kinatatakutan sa school niyo, hindi ka ba mabibigla?
"Yown! Isang magandang balita! Akala ko mababadtrip lang ako lalo eh. So, labas lang ako ah? Tutal naman e walang teacher gaya ng sinabi mo." Wika ni Iriah saka kinuha ang gitara niya saka isinukbit ito sa kanyang balikat saka lumabas ng classroom nila.
Nakangiting naglalakad si Iriah sa labas ng building ng Grade 11 not until the guy he hate comes in the picture.
Oh, well...sino pa ba 'yun?
"Uy, Iriah!" Ani Frahn saka siya inakbayan. Napataas ang kilay ni Iriah sa ginawa ni Frahn.
"What's with the look, Iriah?" Pang-asar na tanong ni Frahn kay Iriah.
"Alisin mo nga 'yang braso mo sa balikat ko. Close ba tayo?" Masungit na sabi ni Iriah na siyang ikinatawa ng malakas ni Frahn.
Muntikan ng mapatigil sa paglalakad si Iriah ng marinig niya ang tawa nito. Err, sa tuwing nagkakatagpo kasi ang landas nilang dalawa e puro bangayan o kaya salpukan ang nangyayari sa kanilang dalawa.
Matapos tumawa ni Frahn e dinikit niya ang katawan niya kay Iriah kaya ayun, wala na sa vocabulary nilang dalawa ang salitang SPACE.
"Ayan, close na tayo Iriah." Saad ni Frahn na siyang ikinapula ng mukha ni Iriah. Aysoooows, si ateng namumula. Ayieeeee.
Napasinghap naman ang mga estudyanteng nakasaksi no'n. Ang iba naman ay nagsitilian, ang iba naman ay kinuhanan silang dalawa ng litrato.
"Ano ba, Frahn!" Inis na sabi ni Iriah saka iwinaksi ang brasong nakaakbay sa kanya saka tinulak si Frahn. Binilisan niya ang lakad niya. Ayaw niya kasing makita siya ni Frahn na namumula ang mukha.
"Sus! Kinikilig ka lang Iriah e." Pang-asar na wika ni Frahn saka siya inakbayan ulit. Pilit niya 'tong tinatanggal pero hindi matinag ang braso ni Frahn kaya sumuko na lang siya.
"Bakit hindi mo kasama si Martinez? Ay oo nga pala, may iba na pala siyang kasama. Mukhang ang saya-saya nga niyang tignan e. Parang kaya na niyang mabuhay ng wala ang bestfriend niya sa tabi niya." Pang-asar na sabi ni Frahn at bahagyang nalungkot si Iriah dahil sa sinabi nito.
Salita lang ng salita si Frahn pero nang mapansin niyang hindi kumikibo si Iriah e agad din siyang tumigil. Tinignan niya muna si Iriah bago muling magsalita.
"Nalulungkot ka rin pala? Akala ko puro angas lang ang meron ka. Ang brusko mo kasi kumilos Iriah." Seryosong sabi ni Frahn na ikinasama ng tingin ni Iriah sa kanya.
"Baliw." Bulong ni Iriah saka umiwas ng tingin. Mahinang natawa si Frahn saka hinigpitan ang pagkakaakbay kay Iriah.
‘Nangchachansing na 'tong kumag na 'to ah!?’
"Halika, kain na lang tayo Iriah para hindi ka na magmukmok diyan dahil lang sa pinagpalit ka ni Martinez." Inismiran lang siya ni Iriah dahil sa sinabi nito.
"Asaan 'yung pinsan mo?" Biglaang tanong ni Iriah kaya tinignan siya ng nakakaloko ni Frahn.
"Bakit mo hinahanap ang pinsan ko? Siguro may crush ka kay Fhaust 'no? Uyyyyyy, si Iriah crush si Fhau-------Aray ko naman!" Natigil ang pang-aasar ni Frahn kay Iriah ng mahina siyang hinampas nito sa braso ng gitara niya.
"BALIW! Tinatanong ko lang dahil siya na lang ang puntahan mo at kulitin at huwag ako. Nananahimik ang mundo ko e!" Inis na sambit ni Iriah at inayos ang pagkakasukbit ng gitara sa balikat niya.
Nagulat siya ng makita sila ni Fhaust. Oh, speakin' of the devil. Patakbo itong pumunta sa kanilang dalawa.
"Oh, Frahn? Bakit nakahawak 'yang kamay mo sa braso mo? Nabalian ka ba ng buto?" Maang tanong ni Fhaust kay Frahn pero sinamaan lang siya ng tingin nito. Nahighblood lalo si Frahn pagkakita sa pagmumukha ng pinsan niya.
Agad na dumapo ang tingin ni Fhaust kay Iriah na siyang ikinagulat ni Iriah kaya nginitian siya ni Fhaust.
"Hi Miss Strong Cute Girl. Oh, hindi na pala dapat kitang tinatawag na gano'n. Hi Miss Beautiful." Ani Fhaust sabay kinindatan si Iriah. Biglang pinamulahan ng pisngi si Iriah saka agad na nag-iwas ng tingin. Agad na kumunot ang noo ni Frahn sa nasaksihan.
‘So may gusto nga talaga siya kay Fhaust?’
"Ako nga pala si Aenn Fhaust. Ikaw Miss Beautiful, anong pangalan mo?" Magiliw na tanong ni Fhaust kay Iriah.
"B-Bernadeine." Nauutal na sagot ni Iriah kaya napangiti si Fhaust at agad na hinawakan ang kamay niya at hinalikan ito.
"Napakagandang pangalan para sa isang napakaganda ring babae. Bagay sa'yo, Miss Beautiful." Aniya saka kinindatan si Iriah. Agad na binawi ni Iriah ang kamay niya at bahagyang umatras.
Lalong kumunot ang noo ni Frahn at binatukan si Fhaust kaya napadaing ito.
"Kahit kailan talaga ang babaero mo!" Asik nito saka hinawakan sa kamay si Iriah at naglakad na sila. Sumama rin sa kanila si Fhaust na may malawak na ngiti sa kanyang labi.
"Bagay silang dalawa."
•••
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
Teen FictionFor him, she's the badass of them all. But for her, he's the clumsiest of the clumsiest. Meet Bernadeine Iriah Alcantara, but you can call her Bernadeine. You don't have the rights to call her Bernadita. Just Bernadeine. Kilala siya bilang sanggano...