Savvine POV
Doon pinanganak si Zain sa States pero yong mga magulang niya are from the Philippines. Dahil don sya pinanganak kaya hindi sya nakakaintindi nang wika natin at ngayon lang din nagsi-sink in sa'kin ang lahat ng 'to.Haru jusko,nosebleed ang kahahantungan ko nito.
Hindi naman to problema noon pero ngayon kasi araw-araw na kaming magkasama kaya ubos English ko nito.
Hindi natuloy ang shopping na pinaplano ni Zain dahil pagkalabas na pagkalabas namin sa restaurant ang siya namang pagbuhos nang malakas na ulan na pinagpasalamat ko kaya naghanap na lang kami nang hotel na matutuluyan.
Iisa lang ang kwartong inookopa namin ni Zain sa kagustuhan narin niya.No choice ako dahil sa simula pa lang pumayag na akong susundin ko siya.Pumapatak ang oras at hindi parin ako nakatulog.Hindi ako sanay na may katabi lalo pa't lalake.Magkatabi kami ni Zain sa king size bed pero malaki naman ang space kaya no worries kapag hindi ako komportable.
Hatinggabi na't dilat na dilat parin ang aking mga mata kaya minabuti kong lumabas na lang muna.Dumiretso ako sa terrace at dumungaw sa labas,kitang-kita do'n ang mga sasakyang nag-uunahan sa pagtakbo.Kahit hatinggabi na'y busy parin ang kalsada.
Umakyat ako sa railings at prenteng naupo don saka ko ipinikit ang aking mga mata para maramdaman ang marahang pag-ihip nang hangin sa aking mukha.
“What a nice view.”
Napapitlag ako nang marinig 'yon sa likod ko.Napalingon ako at nakita si Zayke,nakasandal sa pader habang may hawak na isang baso nang alak at nakatingin sa'kin.
“Kung gusto mong mamatay,sa last floor ka para durog ang buto mo pagdating sa baba.”
“Wala akong planong magpakamatay.”walang emosyong sagot ko dito.
Hinagod niya nang tingin ang posisyon ko na sinundan ko rin nang tingin.Nakaupo ako sa railings habang nakabitin ang aking mga paa sa ere.Kung bibitaw ako siguradong mahuhulog ako sa kalagayan ko.
Hindi na lang uli ako nagco-comment baka sakaling aalis na siya.
“Is he that bad na magpapakamatay ka talaga para lang matakasan siya?”At hindi parin pala siya tapos.
“For your information Mister,kung magpapakamatay man ako,whether its my intention or not sisiguraduhin kong may mananagot.At kung gagawin ko yon ngayon,”liningon ko siya at tiningnan nang masama.“I will make sure that you are the number 1 suspect.”saka ko siya tinuro.
“Nice.”
Nice?Sa haba nang sinabi ko yon lang ang naging sagot niya?
“Ginambala mo ang pananahimik ko tapos ‘nice’ lang ang sasabihin mo?”bumaba na ako sa railings dahil parang hindi ko rin naman masosolo ito,“Nagpapaantok ako dito pero parang mas lalo yata akong hindi makatulog dahil sayo.”
Hindi na muling nagsalita si Zayke nang tingnan ko siya,nakakunot ang noo nitong nakatingin sa mga paa ko.
“What?”taas-noong tanong ko dito.
“Where's you sleeper? ”
“Nagpaiwan sa kwarto.Alam yata niyang darating ka.”
Nag-iwas siya nang tingin pero nakita ko parin ang mukha niyang tila pinipigilan ang sariling mapangiti.“sabihin mo nagpaplano ka talaga nang katarantadohan.”
I rolled my eyes at that,“well,parang hindi ko na yata magagawa yon since andito ka.So,maybe see you next time.”saka ko siya ginawaran nang sarcastic na ngiti at tinalikuran na ito ngunit may naalala ako,
“Ano nga palang pinag-usapan niyo tungkol sa'kin?”
“Bakit sakin mo tinatanong?”Inubos niya ang laman nang kanyang baso at saka naglakad papunta sa railings na pinanggalingan ko.
“Nakalimutan kong itanong kay Zain pero wala naman sigurong masama kung sasabihin mo sa'kin.”
Humarap sya sa'kin at sumandal sa railings,“Sa kanya mo na lang itanong dahil alam kong hindi mo naman ako paniniwalaan.”
“Kukulitin parin kita kung hindi mo sasabihin kaya spill it out.”
Nakita kong tila naghi-hesitate pa siya pero nagsalita parin siya,“he said that,you're just the same with the other women he dated,”napayuko siya bago nagpatuloy,“he said and I quoted ‘a gold-digger bitch’.”
Literal na napanganga ako dahil sa narinig at para akong nabingi dahil wala na akong narinig kundi ang huling sinabi ni Zayke na paulit-ulit sa aking pandinig.Nakaramdam pa ako nang panglalamig ngunit pinagpawisan naman ako.
“W—what?”
“Kasasabi ko lang,gusto mo uulitin ko?”
“Yes please.”baka kasi mali lang yong narinig ko.
“You're just a gold-digger bitch to him.Got it?”tinitigan niya muna ako para makumpirmang naririnig ko ang sinabi niya.
“No.”Ilang ulit pa akong napailing dahil imposible naman talagang sasabihin 'yon ni Zain,“sinabi mo lang yan dahil yon ang tingin mo sa'kin at ayaw mo sa'kin para kay Zain.”
I'm trying to be brave dahil ayaw kong makita niyang naaapektuhan ako sa sinabi niya dahil bakit naman iisipin ni Zain ang ganon ni kahit isang sentimo wala akong hiningi sa kanya.
“At ano namang makukuha ko from that?”
“There's a big chance that you can get rid of me.”
Nagkibit-balikat siya saka nito itinaas ang basong hawak na wala nang laman at tinitigan ito na para bang may bagay syang nakikita don na hindi ko naman nakikita.
“Pwede rin.”See?Paano ako maniniwala sa kanya?“but just so you know that I'm just telling the truth na hiningi mo naman.”
“Well,you're right.Hindi kita paniniwalaan.
Tinalikuran ko na sya at naglakad patungo sa kwarto namin ni Zain nang muli syang nagsalita.
“Since hindi ka naman maniniwala sa'kin,lubos-lubusin ko na.”Huminto ako ngunit hindi ko na sya muling liningon,“But I'll make this short since my effort will just go to waste.”I heard him sigh bago nagpatuloy,“you're just his entertainment, the fulfillment of his manhood.Actually he's planning on staying here for maybe a week and then he'll just dump you after he used you from different scenario na alam niyang mapapakinabangan ka,its either for his self or for the company.”
“Nice.”sabi ko na lang nang hindi na sya nagsalita pa.
Nagpatuloy na akong naglakad at pasalampak na naupo sa malamig na sahig nang aming kwarto nang makapasok na ako.Hindi ko akalaing ganon kalakas ang epekto nang sinabi ni Zayke sa'kin na lahat nang energy ko naubos.Nanginginig pa ang mga kalamnan ko na hindi ko namalayan kanina.
Napatayo ulit ako at mahinang naglakad palapit sa natutulog na si Zain.He look so innocent and peaceful kaya hindi ko lubos maisip kung bakit sinabi ang mga yon ni Zayke.
“Wag kang mag-alala sayo lang ako maniniwala.”bulong ko dito kahit alam kong hindi niya ako naririnig.
I need some distraction para makalimutan ang nangyari kanina at hindi naman ako nabigo dahil kahit nakikita ko lang si Zain,he already covered the bad things na pinasok ni Zayke sa utak ko.
Dahan-dahan akong nahiga sa tabi niya para hindi ito magising saka ko tinitigan ang mukhang kahapon lamang ay inaasam kong makita at ngayon at abot-kamay ko na.
BINABASA MO ANG
Escaping With Him
RomanceNang malaman ni Savvine na ginamit lang siya nang kanyang boyfriend,binalak agad niyang tumakas. She asked help from Zayke,her boyfriend's friend na simula pa lang pinaramdam na nitong wala itong pakialam sa kanya. Troubled thoughts, goons with guns...