Chapter 5

21 1 0
                                    




Savvine POV


“Ah,that's kinda' disgusting,babe.”

“No!”depensa ko agad,“this is not dirty or whatever you think.This is one of the most delicious food I'd ever tasted.”

Sabi niya magfo-food hunting daw kami this day kaya nang mag-ala syite na nang umaga ay hinila ko na sya palabas nang kwarto pero nang makalabas na kami sa mismong hotel ay inaayawan naman niya lahat nang pagkaing itinuturo ko.

“Let's find a restaurant. ”hinawakan niya ang kamay ko't hihilahin na sana ako palayo nang hindi ako natinag.“Oh come on babe.I hate street foods.”

Nasa isang maliit na kainan lang kami ni Zain,sa gilid nang kalsada at nakalatag ang mga pagkain nila sa harap namin.May kilawin,barbeque, at hipon akong nakikita kaya dito ko siya dinala.Marami pang nakahilera na malilit na tindahan kasunod nito at balak ko ring tikman ang mga yon.

“Restaurant?Seriously, babe?”Naisip ko kasi diba mas masarap at masaya kung sa tabi-tabi lang kumakain kung magfo-food hunting?eh bakit restaurant ang hinahanap niya?

“You'll like this,I promise.”Nakangiti ko pang itinaas ang akong kamay to swear.

“No.”Ilang ulit pa siyang napailing,“as I said,this is disgusting. ”

Napanguso na lang ako,“This is what we called food hunting!”saka ko inilahad ang aking mga kamay sa mga pagkaing naka-display sa harap namin.

“Food is not disgusting,this,”napangiwi pa sya sabay turo sa mga pagkain,“is disgusting. ”paulit-ulit naman sya eh!Ang arte lang!Mas malala pa's bakla!

“Gago ka ah!”bigla na lang singit nang tindero sa harap namin,tila naiirita na ito sa kaartihan nang kasama ko,idagdag pang nilalait nito ang kanyang tinda.“Pa-english english ka pa naintindihan ko naman!Kung manlalait lang pala kayo,hala layas!”

Zain just gave him a weird look at parang hindi man lang natakot sa lalakeng kaharap.Of course, hindi nga pala niya naiintindihan ito.

“Naku pasensya na po kayo,hindi lang sanay itong kasama ko.”bahagya pa akong napayuko bilang pagpaumanhin at sa kahihiyan na rin. Tinanguan lang ako ni manong habang ang talim parin nang tingin nito kay Zain.

Hinila ko na palayo si Zain bago pa siya makapagsalita nang ikagalit lalo ni manong ngunit nang makalayo na kami'y narinig ko parin ang huling sinabi ni manong.

“Hindi sya nararapat sa effort at pagmamahal mo iha kung hindi niya man lang maibigay sayo ang maliit na bagay na gusto mo.”

Dagdag na naman yon na panggulo sa isip ko.I hate having a sharp memory dahil alam kong magtagal na naman yon sa isip ko just like what Zayke said.It's kinda stucked between my brain.

“What was that?”

“Nothing. ”saka ko siya nginitian nang tipid.

“Restaurant?”tanong niya sabay ngiti nang malapad.Saya lang niya dahil matutupad na naman ang gusto niya.

No choice din naman ako dahil baka mahabol pa kami nang mga galit na tindero dahil sa walang habas na panlalait ni Zain.Sarap pa naman sana nang kilawin.



“How's the food?”maya't mayang tanong ni Zain habang kumakain kami.

Isang mamahaling restaurant ang kinainan namin ni Zain at hindi lang yon isang simpleng restaurant lang dahil kung nauubos ang pawis,matagal na akong tuyo para lang sa restaurant na 'to na sobrang mahal nang pagkain ngunit ang liit naman.

Napa-thumbs up na lang ako sa naging tanong niya na ikinangiti niya lalo.

“Do you still prefer those street foods than this?”

“Yes.”Nagutom ako sa kakahanap nang restaurant na pasok sa taste niya kaya bahala siya sa kakasalita diyan.

“What about me?”

Napahinto ako sa pagsubo at nagtatakang napatingin sa kanya.

“Do you prefer street foods over me?”dagdag tanong niya with a hint of a smile on his face.Kaya di ko rin mapigilang mapangiti.Cute niya,sarap magmura!

“I don't know.”Napayuko ako at nilalaro ang pagkain sa harap ko habang pilit na tinatago ang kilig na nararamdaman,“I know one thing though. ”

“And what is that?”bahagya siyang napayuko dahilan para mas mapalapit ang mukha niya sa mukha ko.

“Street food is not gonna be tasty without you.”

Mahina siyang natawa sa sinabi ko kahit hindi naman yon joke.Baliw lang,dapat kiligin sya don.
Nang humupa ang tawa niya'y nanatili ang mga mata niya sa'kin kaya napayuko na lang ako dahil nakaka-concious ang titig niya at saka nang-iinit narin ang pisngi ko.

Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang kamay niyang hinawi ang ilang hibla nang buhok ko at isinabit iyon sa tainga ko.Hindi ko napigilan ang sariling mapatingin sa kanya saka ko napagtantong ang lapit-lapit na pala niya sa'kin na halos malanghap ko na ang hininga niya.Ito na sana ang romantic scene namin na magkatitigan kami kung hindi lang sa isang epal na lumapit.

“Ma'am,Sir,may kailangan pa po ba kayo?”panira nang moment ang waiter na'to eh hindi naman namin siya tinawag.

“Wala na.Salamat.”sagot ko na lang saka ito binigyan nang pekeng ngiti.

“Let's get out of here.”Kinuha ni Zain ang kamay ko saka niya ako tinulungan tumayo matapos niyang maglapag nang pera sa mesa.

“Can I ask you something? ”tanong ko nang makalabas na kami nang restaurant.

“Sure,go on.”

“You and Zayke,are you two a friend since your childhood?”

“No,”sagot naman niya habang nakakunot ang noo dahil sa init nang sinag ng araw,“I met him when I was 15 already.He grew up here with her mother.”

“So,you're not really close to each other?”

“Nope.You seem to be interested in him?”I was caught off-guard by his question kaya hindi ako agad nakasagot.Huminto sya sa paglalakad atsaka mataman akong tinitigan,“don't tell me you like him?”

“No!”tanggi ko agad. Grabe,nagtatanong lang gusto na agad.“I just thought that you two are close!And I just want to know the people you are close with.”

Atsaka gusto ko ring alamin ang status nang dalawang 'to,dahil kung may galit sa kanya si Zayke that means sinisiraan lang ni Zayke si Zain sa'kin. Kung wala naman baka insecure lang siya kaya naninira sya nang ibang tao.Sabi ko nga hindi ako naniniwala sa kanya pero sinabi ko rin na matalas ang memorya ko kaya kahit gustuhin ko mang kalimutan yong mga sinabi niya alam kong matagal pang mangyari yon.Hindi yon special ability ha!Naka-memory plus lang talaga ako.

“Besides I haven't forget the deal.”dagdag ko na ikinangiti naman niya.



Escaping With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon