27 - Thicker than Blood

5.4K 207 7
                                    

Alyssa

"Who?" halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ng assistant ko.

"Mr. Conrad Valdez, Mam." sagot niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. After what almost 10 years? "Mam?" balik tanong ng assistant ko.

"Ok, Kay. Papasukin mo, thank you." Sabi ko pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa oras na ito, gusto kong matuwa pero gusto ko rin magalit. Biglang nabuo ang mga tanong sa isip ko kung bakit andito ang papa.

"A-anak..." gising ni papa sa diwa ko. Matagal kong hindi narinig ang boses na yon at ngayon ko rin lang narinig muli ang pagtawag sa akin ni Papa. Tinatawag niya lang akong Anak pag kaming dalawa lang pero ni minsan hindi niya ako tinawag sa publiko ng ganon.

"Naligaw ata kayo?" sagot ko gusto ko pa siyang sagutin ng mas masakit sa pandinig pero nagpigil ako.

"How are you?"

"Ano sa tingin niyo, Pa?" balik ko.

"I can see how you have been doing all this years. Naging matunog na ang pangalan mo..."

"Kaya ba kayo nandito? Dahil matunog na ang pangalan ko?"

"Aly..."

"Sabihin niyo na po kung anong kailangan niyo, Pa. Baka malaman pa ng asawa niyo na andito kayo ay sugurin ng isang batallion niyang private army ang opisina namin." sagot ko.

"Alam ng Tita Mildred mo ang pagpunta ko dito. Acutally, she sent me here..." sambit nito at napaunat ako sa kinauupuan ko at deretsong tumingin sa aking ama na hindi ko pa rin inaalok na umupo.

"For what?" Tanong ko. Hindi agad umimik si Papa.

"Uhm...Aly, Mildred wants to say sorry for everything."

"Really? Bakit hindi siya ang magsabi niyan sa harapan ko, Papa? Bakit kailangang idaan niya sa inyo?" Duda kong tanong pero batid ko na may mas malalim pang dahilan ang pagbisita ni Papa.

"Anak, hindi ba pwedeng kalimutan na natin ang nangyari?"

"Matagal ko ng kinalimutan, Papa. Kaya nga nagawa kong ipagpatuloy ang buhay ko dahil tanggap ko na hindi na ako bahagi ng buhay niyo."

"We can start again, Aly. It's not yet too late."

"How can you say that now, Papa?" Angas kong sagot. "Bakit ngayon pa kung kaya ko ng tumayong mag isa?"

"Hanngat may pagkakataon pa akong bumawi..."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"We can be together, Anak. Pumayag na si Mildred na magkita at magkasama tayo..." nasabi niya, nagulat ako. Andon ang pananabik pero bigla ring napawi.

"What's the catch?" bigla kong tanong matapos ang ilang segundong katahimikan.

"What do you mean, Anak?"

"Anong kapalit? Knowing your wife, she wouldn't give without getting something in return." seryoso kong sabi.

"Let's not talk about it, Aly. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo dahil..."

"Maging masaya? Dahil pinayagan kayo ng asawa niyo ay magiging masaya na tayo? Tapos anong kapalit ng kalayaan niyong makasama ako?"

"Aly..."

"Wala na si Mama para magsalita, Papa kaya ako ng nagtatanong sa inyo. Anong kapalit?"
Pero hindi siya umimik. "I'm sorry Papa, masaya akong makita kang maayos at nasa mabuting kalagayan, pero hanggang don na lang. Ayaw kong makipagkasunduan kay Tita Mildred, at huwag niyong sabihing tanggap niya ako dahil hindi ako maniniwala sa inyo."

Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon