I can still remember when I was in Manila, Kinder to Grade 2 na walang problema, maputi pa ako at makinis, pero may lagi akong kakompetensya, naalala ko pa noon na nalock ako sa cr ng school namin at malayo yun sa classroom namin kaya nagsisigaw ako, muntikan na akong umiyak nun pero umiyak ako pagkalaon, pinaexplain pa ako sa harap ng klase pagkalabas ko sa cr na tinulungan ako ng janitress na nakarinig sakin...
At nung malapit na akong mag Grade 3 lumipat kami sa Antique kung saan ang pamilya ng Papa ko nakatira.. Malinis yung hangin, nakakarelax. Naalala ko pa na parang umiikot yung trycycle na sinasakyan namin yun pala nanibago lang ako kasi sa Maynila puro jeep nakikita ko at kung sasakay ka sa trycycle P20 bayad mo kaysa sa jeep na P8 lang. Kaya talagang nanibago ako, nagsusuka pa ako nun hanggang sa makarating kami sa bahay ng pamilya ni Papa.
Sa Antique ko pinagpatuloy yung buhay ko, nilagyan ng kolorete yung mukha ko pero hindi sanay yung mukha ko kaya nagkaroon ako ng pimples sa bata kong edad. Grade 2-A ako laro laro lang, feeling ko pa noon na sobrang talino ko kasi ako pa lang yung nakakaalam sa Addition, Subtraction, Multiplication at Division at nagkaroon din ako ng crush noon paano ba naman kasi sobrang gwapo, di naman sobrang gwapo kundi gwapo lang. Noong Grade 3 naman ako nagkaroon ako ng maraming crush, at ako din yung Top 1 dun syempre section B ako eh. Noong Grade 4 naman naging section A ako, masaya naman, talino ko pa noon sa Filipino kasi nakahawak ako sa payong ng kaklase ko, kasi daw pag nakahawak ka sa payong ibig sabihin daw tumatalino ka. Noong Grade 5-A naman ako wala naman masyadong nangyari, may nangligaw lang sakin pero nung magkita kami sa likod ng school bigla siyang ngumiti eh nakita kong yellowish yung ngipin niya kaya parang napasimangot ako at nagsorry ako sa kanya na hindi ako nagpapaligaw. Noong Grade 6-A ako nandiyan na yung feeling na mamimiss mo yung mga kaibigan mo, mangangako kayo sa isa't-isa na magkikita kayo in the future tapos pagpumasok kayo sa parehong school wag kalilimutang magkamustahan at maging kaibigan pa rin.
At dumating yung Highschool life sabi daw nila na sobrang saya daw sa highschool kasi diyan mo raw mararanasan lahat lahat kaya na-excite ako. Nang dumating ang interview