Chapter 22 ~ Truth or Dare
Mia's POV:Namamaga ang aking mga mata nang makabalik ako sa resthouse. Pero napanatag na ang aking kalooban at nakakahinga na ng maluwag.
Buti na lamang, tulog pa silang lahat nang makabalik ako sa bahay. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakipag-usap kina Lola.
Sa huli, natanggap rin naman nila ang kalagayan ko at susuportahan na lamang ako. Nagpasalamat ako at ilang ulit na humingi ng tawad sa kanila.
Pagkapasok ko sa kwarto, agad na sumalampak ako sa kama at doon ko lang napansin na pagod na pagod pala ako.
Tumalikod ako kay Bryle na tulog na tulog pa rin. Dahil sa hindi malabanang antok, agad rin akong nakatulog.
~~~
Kahit pala gabi ay maganda pa rin ang tanawin. Napuno ng mga decorations at ilaw ang lugar. At hindi mawawala ang mga nagtitinda ng mga alak sa tabi-tabi.
"Inom tayo guys."
Suggest ni Yevlin na naglalawayhabang nakatingin sa tindahan ng mga alak o mas sabihing club.
Grabe! May club rin pala dito?
"Kita mong nandito si Mia tapos magpapainom ka?! Buti sana kung manlilibre ka." Inis na saad ni Eunice at inirapan siya.
"Sungit. Nagsusuggest lang naman ako ng magawa." Sagot ni Yevlin.
"Both of you, shut up. Ikaw naman tol, 'yung mag-eenjoy sana tayo sa isusuggest mo." Pangaral sa kanila ni Zero. Buti pa siya, responsable.
"Truth or Dare na nga lang!" Sabat ni Grace. Sumang-ayon kami lahat maliban kay Yevlin na ipinagpilitan ang pag-inom ng alak.
"Hindi nga pwede!" Si Eunice.
Nagpaalam kami kanina sa may-ari na magcamp fire sa tabi ng dalampasigan. Sa simula, hindi ito pumayag pero nang sabihin ni Yevlin na isa siyang Aberla, agad-agad itong napatango.
Ang may-ari pa mismo ang nagpresinta na maglapag ng tela sa buhangin nang kami'y makaupo na. Talagang makapangyarihan ang kanilang apelido.
Si Hagen ang nagpapanatili ng apoy upang hindi ito mamatay. Nagluluto kami ng marshmallows na nakastick at itinatapat sa apoy.
May mga pulutan rin at mga alak sa aming gilid. Pero syempre, hindi nila ako binigyan. Juice ang ibinigay nila sa akin.
"Bro's, sali tayo sa kanila." Saad ng kung sino na hindi ko makilala ang boses pero parang pamilyar sa akin.
Hindi ako lumingon sa pinanggagalingan ng boses. Bukod sa hindi ko kilala ang boses na iyon, masama namang makinig sa usapan ng iba.
May bigla-bigla na lamang na tumabi sa gilid ko at may jacket na ipinatong sa aking mga balikat. Napangiti ako dahil alam ko na kung sino siya pati ang mga kasama niya.
"Hey, did you let Mia drink liquor?" Tanong ni Bryle sa kaniyang mga pinsan.
"Hindi kuya noh!" Defensive na sagot ni Grace na dahilan kung bakit naningkit ang mga mata ni Bryle at tumingin bawat isa sa amin.
Nang dumapo sa akin ang kaniyang mga mata, bumaba ang kaniyang tingin sa basong hawak ko na may laman pa. Inagaw niya ito at inamoy.
Nang makuntento siya sa kaniyang nalaman, dahan-dahan niya itong ibinalik sa akin. Napangisi ako.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...