Chapter 7

237 30 0
                                    

Chapter 7

Don't

Days have passed and finally Heil contacted me. Hindi ko naman siya macontact kasi nasa Japan siya. Mahal kaya ng international call.

"Grabe ka honeybebee! Bakit hindi ka nagffb yan tuloy sandamakmak na ang chat ko sayo hindi mo man lang sinasagot?"

Ngumuso ako. "Sorry Heil... Alam mo namang hindi na ako magffb. Masstress lang ako sa makikita ko."

"Psh. Iunfriend mo na kasi yung si Ymil nang di ka mastress!"

Natahimik ako.

"Anyway, so yun na nga. May nangyari pala dito sa Japan honeybebee!"

"Hmm?"

Napaupo ako sa kama at sinuklay ang buhok ko.

"May nakilala akong guy... He's a half Filipino and half Korean at sa totoo lang ang pogi niya! He said gusto niya pa akong makilala kaya nagdate kami at ang masasabi ko lang, OMG! Ang sweet niya!"

"Wag mo sabihing bumigay ka agad? Daming gago ngayon na ganyan sa una."

"Ano ka ba! Hindi kaya. Kilala rin siya ng parents ko at mabait raw si Blake okay. Anyway ang good news lang, nililigawan niya na ako!"

Halos mabitawan ko ang phone ko sa nasabi niya. No way! Paano na si Achilois? Gosh naman Heil!

"Bakit nagpaligaw ka? Diba may ipapakilala akong guy sayo? Magugustuhan mo siya promise-"

"Ayoko nga. Si Blake ang gusto ko at pakiramdam ko hindi niya ako sasaktan. Sincere siya sa akin eh kaya bakit ba?"

"Pakiramdam mo lang yan! He might hurt you! Itong lalaking sinasabi ko sayo mabait saka gentleman! Hindi ka niya sasaktan Heil kaya wag kang magpaligaw sa Koreanong iyon!"

"Hindi ko naman kilala yang lalaking sinasabi mo kaya bakit ko siya maggustuhan? Si Blake ang gusto ko Vereen kaya shoo na dun sa nirereto mo. Nakamoveon na ako kay Andrei okay?"

"Pero... Paano si-"

"I'm sorry Vereen pero hindi ko ata kayang makipagdate sa hindi ko pa kilala. Blake is a family friend kaya palagay ang loob ko sa kanya. Kung sino man ang lalaking iyan, sana hindi niya masamain okay?"

Napahinga ako nang malalim at kinagat ang pang-ibabang labi. Now, how would I explain this to Achilois? Sigurado akong masasaktan siya nang sobra! He loves Heil eversince.

"Okay... I'll tell him about it."

"Thanks Vereen! Close na ba kayo?"

"Ah medyo. Kapitbahay ko kasi..."

"Ow! Ibig sabihin nagkikita kayo araw-araw?"

"Hmm. Oo. Pero hindi ko alam kung ano ang iisipin ni Achilois. Baka ah, magalit yun sakin."

Hindi ko ata alam ang gagawin kung magagalit siya. I mean he expected that I'll help him but the ending is... Wala naman siyang napala.

"Achilois? You mean Achilois Mathew Montero yung ex crush ko na friend ng ex crush mo?" Rinig ko ang gulat sa boses niya.

"Ah oo eh. Hindi ko sana sasabihin sayo kasi sekreto yun pero nadulas na pala ako. Siya nga Heil..."

"My goodness! Yung baliw na yun ang manliligaw sana sakin? Last time I checked nung makasama ko siya sa Gala na invited ang family namin, he's rude as fuck. Nakakainis! Mabuti na lang pala sinabi mo. Hindi ko siya bibigyan ng chance baliw na yun!" Pakiramdam ko galit na galit na si Heil. Shit. Achilois, what is this? Ganyan ba kapag mahal mo ang isang tao? Papakitaan mo ng rudeness? Pero siguro defense mechanism niya lang para hindi siya mapansin. Napaka eng eng ng plano niya kung ganun. Kaya pala kung makahingi siya ng tulong sakin kasi nakagawa siya ng rudeness!

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon