Chapter 8

213 31 0
                                    

Chapter 8

Real Friend

Heil:
Honeybebee! I want you to introduce to Blake, sumama ka ah? Papunta kaming mall ngayon please?

Me:
Magiging third wheel ako dyan. Grabe ka!

Heil:
Ito naman. As if gagawin ko yun. He's with a friend, ipapakilala rin kita. Ano game?

Me:
Ayoko nga. Pero ah gwapo ba?

Heil:
Ow! Akala ko ba ayaw mo? Bakit parang gusto mo rin naman? Oo gwapo, half Korean rin. Kahawig niya si Suho ng EXO kaya ano na?

Me:
Fine! Pupunta na. Saan ba yan?

Tinext sakin ni Heil kung saan at kung anong oras ako pupunta doon. Naghalungkat agad ako sa closet ko ng pwedeng isuot. Hindi pwedeng nakat-shirt lang baka mayari ako kay Heil. She want to formally introduce me.

Kung sanang si Achilois yung iintroduce sakin, baka hindi na ako kailangan pang mag-ayos.

Speaking of him... Medyo hindi na namin napag-uusapan si Heil. Parang komportable na rin ako sa kanya at halos siya na ang boy version ni Heil. He act like a bestfriend.

Nung sinabi ko last week na uuwi na si Heil, parang wala naman sa kanya. Maybe he tried to move on. O baka mabilis naman siyang makamove on? Mabait lang siguro si Achilois pero minsan napakapasaway.

Nang mailapag ko sa kama ko ang isusuot ko, nakita kong may nagtext.

Math:
Pst! Kain tayo sa labas?

He was the one who change his name on my phone. Paborito ko kasi ang Math at eto naman parang nasisiraan na kasi pinalitan talaga!

Me:
Hindi ako sanay na makitang Math ang nakasave Achilois. I'll change it.

Math:
Ok sige! Palitan mo. :'(

Me:
Pinalitan ko na. Sabi mo eh. Anyway, hindi ako pwede ngayon, makikipagkita ako kay Heil.

Achilois:
Ah... Sama ako?

Me:
Gg. Emotional torture lang? Wag na! Kasama niya yung err manliligaw niya.

Achilois:
Ahm... Thirdwheel ka kung ganun?

Me:
Di rin. Sige bye!

Naligo ako at nag-ayos. Nilugay ko ang buhok ko at naglagay ng kaunting make up. Para naman kahit papaano nagmukha naman akong tao. Kung si Achilois siguro ang imemeet ko di na kailangan pang mag-ayos. Wala naman yung pakialam sa itsura ko eh.

Suot ko ang isang cream white dress na hanggang tuhod. Pinaresan ko yun ng puting sneakers. I glance on the human size mirror at napangiti sa sarili. May semi curly brown hair freely hang on my shoulder and back. Ang haba na pala ng buhok ko, ngayon ko lang napansin. I suddenly look at my eyes and wonder that they're not that sad anymore. Parang masaya ang mata ko. Nah. That's because I'm happy! Kung di siguro dahil kay Achilois at Heil, hindi ako magiging masaya.

Nakita ko si Nana na nasa kusina. I'm glad na hindi siya umalis ngayong araw!

"Ah aalis po ako. Sasamahan ko si Heil..." Natigil si Nana sa paghuhugas ng gulay at nilingon ako.

"Kasama mo ba si Mathew?"

"Ah di po. Si Heil lang..."

Tumango si Nana at sinabihang umuwi nang maaga. Feeling ko, close na tong si Achilois kay Nana. Kapag aalis kasi ako, palaging tinatanong kung kasama ko si Achilois. Ngingiti kapag oo at tatango kung hindi.

"Anong sabi mo na di rin?"

"Ay potek!"

Halos atakihin ako sa puso nang sumulpot si Achilois sa harap ko. Hinampas ko siya sa braso. "Balak mo ba akong patayin?"

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon