Chapter 12

181 32 0
                                    

Chapter 12

Maayos

"Magkakaroon raw tayo ng Team Building activity! Gosh! That was exciting!"

Kumunot ang noo ko sa narinig. Team building? Na naman? Last year nagkaroon ng team building to Cebu tapos ngayon meron na naman? Saan na naman kaya?

Pero katulad nung last year, hindi naman ata ako sasama. Tutal naman hindi required.

Nagkagulo ang mga classmates ko sa mini bulletin board dahil may isang student doon ang naglagay ng Announcement. Halos magtilian na naman sila.

"Trip to Baguio! Gosh! That was exciting!"

Ah. Sa Baguio lang pala pero kung makareact if sa ibang bansa na libre ang pamasahe.

Hindi rin naman ako sasama kaya bakit pa ako magiging interesado diyan?

I view my phone to see if someone texted me. Merong mga nagtext pero hindi siya. Walang text galing kay Achilois.

Napabuntong hininga ako at tumingin na lang sa labas na kita ang soccer field. Maraming nagpapractice at sigurado akong nandyan si Larrick. Even Larrick is the Vice President of student council, napagsasabay niya pa ang practice sa soccer at sa pag-aaral. He's that multi-tasker.

And Achilois... He's part of Basketball team. Nung huli kaming nagkausap, he said that he's promoted as team captain. Tuwang-tuwa siya dahil sa wakas natupad na ang pangarap niya. I'm happy for him too but this time hindi ko mapigilang malungkot. Gusto ko sanang kumustahin siya kung kumusta na ang pagiging team captain niya pero natatakot akong magtext sa kanya.

It's been days since he last texted me. It's been days simula nang makausap ko siya nang personal at makita siya. It's been days since I felt lonely like this.

Hindi ako sanay na hindi ako kinakausap ni Achilois at babatiin ako sa umaga. Nakakainis. Ano bang problema namin?

"Kumprontahin mo na kasi." Giit ni Heil sakin nang nakasama ko siyang kumain ng lunch dito sa cafeteria.

"Ayoko. Baka kung anong isipin niya." Sabi ko sa bagot na boses.

"Baka kasi nagalit nung nagmall kang mag-isa tapos hindi mo pa siya nireplayan nung gabi. You don't know what kind of thinker boys are. May mga saltik yan."

Medyo natawa ako sa sinabi ni Heil. "Bakit? Ganun ba yung boyfriend mo?"

Inirapan niya ako.

I tell every detail on Heil for what happen days ago. Nagtanong siya kaya sinagot ko nang maayos. After that, she had that weird smile on her lips like she know what's going on. Imbes na damayan pa ako, ngingisihan lang ako.

"So yun nga, baka nagselos. Hinatid ka pa ni Larrick kaya iisipin nung nagdate kayong dalawa. Diba?" She sipped on her drink.

"Bakit naman siya magseselos? Wala naman kaming relasyon ni Larrick diba? At wala kaming relasyon ni Achilois. Magkakaibigan lang kami."

Hindi makapaniwalang napatingin sakin si Heil. "Seriously Vereen? Bakit ba ang manhid- ah anyway. We don't know. Achilois might think that you prefer Larrick over him as a friend."

Inemphasize pa talaga ang huling word?

"Hindi ko naman kasalanan na naiwan ko ang phone ko sa bahay kaya hindi ako nakareply. Pagkatapos nun hindi na niya ako kinikibo. I don't even know what was going on Achilois' mind." Giit ko sa kanya.

Natahimik siya at mahinang bumuntong hininga.

"Anyway, yung sa kanila ni Cat... Natanong mo ba noon?"

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon