Chapter 13- Mind and Heart
Achilois:
Good Morning! :)
4:30amMe:
Ang aga mong nagising. Morning rin.
4:31amAchilois:
Gising ka na pala? Roadtrip tayo.Me:
Saan naman tayo pupunta? At hoy Achilois! May klase pa ako ng 8!Achilois:
Mabilis lang naman... Please >.<Me:
Eww sa emoji. Oo na. Mag-aayos lang.Nagtoothbrush ako, nag-ayos at sinuklay ang buhok bago nagsuot ng jacket saka lumabas ng bahay dala ang phone ko.
Achilois:
I'll wait ;)I was about to reply on him when I felt a warm arm on my shoulder. Tiningala ko yun at braso ni Achilois pala. He's wearing a black leather jacket and inside of it is a white shirt.
"Wag ka ngang umakbay!" Siniko ko siya pero hindi siya umalis ng pagkakaakbay sakin.
He smiled at me and ruffled my hair. "Ang cute mo pala kapag bagong gising." Nginiwihan ko siya at naglakad na.
Iginiya niya ako sa motor niya at sinuotan ng helmet. Titig na titig ako habang ginagawa niya yun. "Ang gwapo ko ba?"
"Ew." Ngiwi ko ulit at tinulak siya paalis. Natatawang naglagay siya ng helmet niya saka sumakay ng motor at binuhay yun.
"Angkas na?" He said looking at me over his shoulder.
Napaikot ako ng mata at umangkas sa likod niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko lalo pa nang madikit ako sa kanya. Sana lang hindi niya yun mapansin.
"Yakap na!"
"Oo na. Tss." Yumakap naman ako sa tiyan niya at umandar na ang motor niya pagkatapos.
The cold winds keep blowing as he maneuver his motorcycle. Ramdam ko ang lamig ng hanging humahampas sa mukha ko kahit ma may suot akong helmet. Tahimik lang ang naging byahe. Walang nagsasalita sa amin habang nakayakap ako sa kanya sa likod kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko.
Matapos ang ilang minutong pag-angkas sa motor, tumigil siya at nagulat ako nang makitang sa gilid kami ng sementadong daan at kita sa baba ang halos buong city. Nagulat ako nang dinala niya ako sa papuntang itaas ng bundok! Madilim pa rin ang kapaligiran at halos tanaw ko sa kaliwang bahagi ang liwanag ng kaunting araw. Halos napaligiran na ng liwanag ng ilaw ng city ang buong view dito. Napatulala ako doon.
"What are we doing here?" Tanong ko sakanya matapos na tanggalin ang helmet.
Tumabi siya sakin at parehas kaming sumandal paharap sa silangan habang nakatakukod ang dalawang siko sa railing ng daan.
"We'll view the sunrise." Kindat niyang sabi. Napatango-tango ako. Naalala ko noong sinabi niya na may rooftop raw siya para makita ang sunrise at inalok pa nga akong magpunta doon
"Bakit parang gustong gusto mo ang sunrise? Pwede namang sunset diba?"
Habang nakasideview siya sakin, kita ko ang maliit na ngiti sa labi niya. "Mas gusto ko ang sunrise kasi parang bagong araw yun. Bagong araw para umasa sa panibagong araw. Sunrise makes me feel refresh... Iniisip kong ibang araw na to at mababago pa ang lahat. Kapag kasi sunset, parang tinatapos nito ang buong araw kaya medyo nakakalungkot. I don't want to see the days end even how awful that day is." Parang may bigla siyang naalala kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya. Nanatili pa rin ang tingin niya sa medyo sumisilay na liwanag.
Malamig ang panahon pero parang wala yun sa kanya.
"Imagine mo, nung nakaraan ayaw na ayaw mo sakin tapos ngayon magkasama na tayo. Diba masaya ang panibagong araw?"
BINABASA MO ANG
First Love To Last (COMPLETED)
Teen FictionHe's my first love and he's my last... She's my last love and first to last... Highest rank #256 in Teenfiction out of 72.6k stories #50 in Text