Chapter 16

199 31 0
                                    

Chapter 16

Tired

Katulad ng announcement kahapon, magkakaroon nga ng trecking. After ten minutes of stretching, saka kami naglakad papasok sa bundok. It's already 5:30 am when we start. Medyo maliwanag na rin naman kaya hindi na kami nahirapan sa unang sabak sa pag-akyat.

Hindi nakasama si Brent sa trecking dahil raw marami siyang allergy sa mga damo. I just let him. Kaya ngayon, si Achilois lang ang kasama ko habang naglalakad kami.

"Careful." Aniya matapos madaanan ang malalaking ugat. Tinabig ko ang kamay niyang hahawakan sana ako.

"Kaya ko!"

He smirked. "Really huh? Ilang beses ka na ngang nadadapa." Pang-aasar niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy. Okay, kanina pa nga ako nadadapa pero kaya ko naman. Hindi naman ako yung katulad ng iba na sobrang aarte. Maybe there's a part of me that been sheltered pero ilang taon na rin naman akong naglalagalag.

"Ouch!" Napaupo ako matapos madulas. Napailing si Achilois at kinarga ako. Agad naman akong nagpumiglas. They're looking at us alright!

"Kaya ko Achilois! Ano ba. Bitaw na." Hindi niya ako pinansin hanggang sa nilapag niya ako sa safe na lugar.

"Kaya nga may partners para alagaan ang isa't isa alright! Come on, we still have an hour para makarating sa taas!"

Okay fine! Fine. Gustong gusto niya talagang palaging nangingialam sakin.

Katabi ko na si Achilois sa paglalakad. Halos buhatin na nga niya ako. I don't understand him. Parang sobrang nag-aalala na baka madapa na naman ako.

Hinayaan ko na lang... Achilois is Achilois. Kukulitin ka niyan hanggang sa marealize niyang okay ka na.

Then he start telling me weirs stories. Sure akong gawa gawa niya na naman ang ilan.

"Kaya nga natatakot akong naglalabas ng gabi kasi raw unang kinakain ng aswang ang tenga ng mga bata. Ayokong mawalan ng tenga alright."

"Hmm."

Pinandilatan niya ako. "Hindi ka naniniwala ano? Narinig ko may aswang raw na naglalagalag kapag gabi!"

"Ewan ko sayo."

"Pero alam mo ba, yung mga puno raw may sariling buhay yan. They're just looking at us."

"Okay..."

Umiwas siya sa sangang madadaanan. "May narinig akong kwento na ang mundo raw natin isa sa tatlong kaharian. Alam mo ba yun?"

"Nope!"

Tinulungan niya akong makaakyat sa mabatong bahagi. I can see students that been chattering too. Minsan nadadako samin ni Achilois pero hindi naman nagtatagal.

"And we called as Norms. May nakilala ako na nag-iimbestiga sa bagay na yun. Yung dalawang kaharian kasi may mga kapangyarihan, tayo raw wala."

Napailing-iling ako kay Achilois. Minsan talaga naabnormal na to.

"Kung totoo man yan, may isang storya na yung prinsesa sa kaharian nandito pala satin napahiwalay tapos lulusubin tayo?"

"Tumpak!"

"Baliw! Those were fictional, wag ka ngang maniwala!"

Ngumuso siya at ginulo ang buhok ko. "Kahit na ayaw kong maniwala, naniniwala akong mangyayari ang imposible. Well..."

"Ang hopeless mo!"

Hindi naman naging boring ang pag-akyat namin dahil hindi natigil si Achilois.

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon