Chapter 23
Hug
Kumalat agad sa buong campus na kami na nga ni Achilois. Hindi na rin naman ako magtataka dahil mukhang nakikinig sila sa usapan namin sa cafeteria. Alam ko namang sikat si Achilois, sa sobrang sikat niya kahit sa social media ay kumalat yun. Though nakakailang, hinayaan ko na lang.
"Anong gusto mong endearment natin?"
Natigil ako sa pagsusulat sa sinabi niya. I glance on our hand and fingers are intertwined. Pinaglalaruan niya ang daliri ko sa isang kamay habang ang isa kong kamay ay nagsusulat ng notes.
"E-ndearment? Kailangan pa ba nung ganun?" Halos nang-iinit ang pinsge kong sabi.
He kiss my hand first before glancing back at me. Nagkatitigan kami at hindi ko mapigilang titigan ang mata niya. Kakaiba talaga ang kulay... It's between black and gray. Napakurap-kurap ako nang makita ang kakaibang titig niya. I'm still not used with his stare! Kahit noon pa man na magkaibigan kami, hindi ko kinakaya ang titig niya. Feeling strong lang talaga.
"Ayaw mo?" Tanong niya at medyo malungkot.
Umiling naman ako at iniwas ang tingin sa kanya at nadako sa halamang nagkalat sa garden na tinatambayan namin simula noon. I like callings pero nakakailang ang ganito.
"Ano kaya?" Aniya ulit at hinalikan na naman ako sa pisnge. Umiwas ako kay Achilois sa ilang na ginagawa niya. He's not that touchy, ngayon lang talaga na naging kami!
"Wag na siguro... We can call each other by names." Hindi ko makatinging sabi. "Halik ka ng halik."
I glance again at our fingers intertwined. Ganito pala ang pakiramdam ng merong boyfriend, nakakaba pero masaya. I never experience like this before... Siguro pag nagkataon, if ever na maghiwalay kami, baka hindi ako makatulog kaiisip sa mga nangyayari. I was broken hearted noon with Ymil, pero kinaya ko naman. Katulad ng sinabi ni Heil, I cope up that fast. Sa sobrang bilis, hindi ko napansing wala na sa sistema ko si Ymil. Pero siguro kay Achilois, baka hindi ko kayanin.
Vereen! Wag ka nang mag-isip ng ganyan! Bago pa lang kayo pero break up agad ang naiisip mo!
"But I want to call you in sweet terms. Hindi yung, tara Vereen kain tayo. Diba hindi sweet." Achilois said in small voice. Iniwan ko na ang tingin sa kamay namin at nadako sa kanya. Kita ko ang pagtatampo ng mukha ni Achilois.
"Nakakahiya kasi ang sweet terms, hindi ako sanay."
"Ah."
Natahimik siya, mukhang may malalim na iniisip. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya at pumikit.
"I'm still your girlfriend without those... Hindi naman yun magbabago." Halos pabulong kong sabi. Binitawan niya ang kamay ko at inakbayan ako. I felt his lips touch my hair. Hindi ko mapigilan ang pagngiti kasabay ng pang-iinit ng batok at pisnge.
Iniba niya ang ayos namin at halos nakayakap na ako sa kanya. Dumilat ako at nakita ang titig ni Achilois sakin. Both arms are hugging me. Sinandal niya ako sa dibdib niya. Pinakinggan ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso. So, like me, he had that feels huh?
"Alam ko. Pero sa tagal ng pagkakagusto ko sayo, hindi ko hahayaang by names lang ang tawagan natin." Kinagat ko ang pang-ibabang labi. I felt his lips kiss my temple. "I can call you sweet names, love." Malambing at mahina niyang sabi.
"Love? Masyadong cheezy!"
He chuckled on that. Nung naging kami na, parang sumeryoso na siya. Nawala na yung Achilois na makulit na kilala ko. Siguro ganyan ang epekto nito sa kanya, everything about us, he takes everything very personal and serious. Does that mean he really want a serious relationship with me?
BINABASA MO ANG
First Love To Last (COMPLETED)
Teen FictionHe's my first love and he's my last... She's my last love and first to last... Highest rank #256 in Teenfiction out of 72.6k stories #50 in Text