Chapter 27

190 30 0
                                    

Chapter 27

Period

"Alam niyo ba? I try to join the PEP squad pero hindi sila pumayag! Baka raw mabalian ako ay mayari pa sila kay Mommy!"

Keaga-aga, nandito sa bahay ko sina Heil, Achilois at Zeuan. They're chitchatting on whatever while watching a tv. Kasama ni Achilois si Zeuan dito dahil kagagaling lang raw nila sa practice. Ayaw pang umuwi kaya napasama dito.

"Syempre naman idedecline ka nila. Your family is very influential right?" Zeuan said with a smirk. They all nodded.

"Wow! I want to join cheerleading! Kaya ko namang gumawa ng ganung stunts eh! Napaka-overprotective. I can do that tumbling and other gymnast thing on that tv!"

Natawa dun si Zeuan. Ano bang nakakatawa sa sinabi ni Heil?

"Matakot na pala dapat sila kasi maoover power mo sila?"Zeuan asked laughing.

Pekeng natawa si Heil saka tumutok ulit ang mata sa tv.

Napailing si Achilois at dumako ang mata sakin. Umiwas ako ng tingin. Tumayo siya at agad na sumandal kitchen's counter paharap sakin.

"Do you want me to do that instead?" He asked.

Umiling ako at nagpatuloy sa pag blend ng mangoes para gawing shake. Dala-dala niya to kahapon at galing pa raw ng Guimaras. Kahapon kasi, napunta siya sa Gumiras kasama ang ilan sa pamilya para dumalo sa isang party.

"Are you still mad at me?" He asked.

Galit?

"Hindi naman... Ang tagal na nung away natin kaya bakit ako magagalit?" Agad ko agad. Hanggang ngayon ba iniisip niya akong magagalit dahil nakita ko lang naman siyang kausap si Catarina ma mukhang may masayang pinag-uusapan. Wala lang yun sakin! Hindi naman sila naghalikan or so what di ba?

"Babymine...please?

Natapos na ako sa paggawa ng shake at nilalagay ko na lang yun sa tatlong baso. Ramdam kong pinagmamasdan niya ang ginagawa ko.

Napahinga ako nang malalim saka nilagay yun sa tray bago naglakad papunta kina Heil. They're still busy chitchatting for that cheerleading tournament they're watching right now.

"Wow! Thanks Vereen!" Zeuan said as he handed the glass of shake. Noong mga nakaraang buwan, hindi siya halos nakikisama kay Achilois para raw may moment kami ni Achilois at mag-usap. Nakikita ko lang siya kapag may practice sila sa basketball o kung ano.

Kumuha rin si Heil at uminom doon tutok pa rin ang tingin sa tv. Kapag ganyang natutulala si Heil at bukambibig ang napaanood niya, may problema na naman siya. I know Heil so much since we we're a child. Maybe problem with Blake or Brent. Nasa US naman si Blake at pinagpapatuloy ang pag-aaral niya dahil next year ay gagraduate na ito. Kay Brent naman... Wala akong alam. Natatandaan ko pa noon na sinabi ni Brent na may girlfriend raw siya. Baka yun ang hinihimutok ni Heil ngayon.

"Ikaw Brin! Taste it! Masarap!" Sabi sakin ni Heil. Umiling ako.

"Busog pa ako eh." Kibit balikat kong sabi. "Anyway, pakibigay na lang nito kay Achilois... Maliligo lang ako."

"Huh? Nasa likod mo lang naman si Achilois kaya bakit may relay message pa? Nag-away kayo no?" Pang-aasar naman ni Heil.

Napakamot ako ng noo at tumaas ang magkabilang kilay. "Pakisabi na lang."

Ramdam ko naman ang titig sakin ni Achilois. Agad-agad naman akong unakyat sa kwarto ko at hindi siya pinansin. Agad ko ring nilock ang pinto ng kwarto ko.

Napaupo ako sa kama at kinagat ang pang-ibabang labi. Wala naman kaming issue ni Achilois pero...

Fine! Meron! Meron akong issue sa kanya. Tatlong araw matapos ang game nila para makapasok ng finals, nakita ko siyang tuwang-tuwa na kausap si Catarina. Nakakainis diba? Alam niya namang magseselos ako pero pinakita niya ang side niyang iyon sa babaeng yun? Tapos ngingiti pa sa akin nang makita ako at nadatnan silang dalawa sa ganoong ayos? Hindi naman ako possessive at obsess sa boyfriend ko at hindi rin ako paranoid pero bakit pakiramdam ko may isang bagay na hindi sinasabi si Achilois na sila lang ni Catarina ang nakakaalam?

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon