Naging maganda ang resulta ng movie, dahil talagang tinangkilik ito ng mga tao at naging magaganda ang reviews nila dito, hindi man kasing laki ang kinita nito sa mga past movies ko ay nalagpasan naman nito ang expectation ko. Pero hindi man lang ako makaramdam ng kahit konting saya dahil kinakain ako ng lungkot at sakit na nararamdaman ko.
Naging sobrang tamlay ko din nitong mga nakaraang araw parang nawawalan na ako ng ganang magpatuloy pa madalas ay nasa kwarto lang ako at natutulog kapag wala naman akong engagement at appointment na kailangang gawin.
Pati ang pagkain ko ay naaapektuhan na din kaya naman medyo bumagsak ang katawan ko.
Hindi na ako nagulat ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Si mommy yon.
Bakas ang pag-aalala sa mukha nya."Jane, are you alright? Kanina ka pa daw hindi lumalabas ng kwarto at hindi ka kumakain simula kaninang umaga." Nag-aalalang tanong nito. "At ano to? My Gad ito lang ba ang kinain mo mula kanina?" Tukoy nya sa mga balat ng crackers at ilan pang klase ng chichirya idagdag mo pa ang balat ng chocolates.
"Hindi ka mabubusog at lalong hindi healthy ang mga yan!" dagdag pa nya.
Hindi naman ako nakapagsalita at napatungo na lang. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ako makaramdam ng gutom at sa tingin ko ay ganitong pagkain lang ang kayang tanggapin ng tyan ko.
"Jane tell me if something is wrong, nandito kami ng daddy mo you can always talk to us, hindi yong ganito."
"Mom, I-Im okay don't worry about me" sagot ko sa kanya.
"Pero anak--"
"I'm really fine! About your offer na tulungan kita sa botique mo, titingnan ko kung makakapunta ako bukas."
Nagliwanag naman ng konti ang mukha ng mommy ko.
"Really? That's great anak! Pero kailangan mo ng kumain mamaya bumaba ka for dinner o kung ayaw mo naman talagang bumaba, I'll just ask manang to bring foods for you."
tumango na lang ako para hindi na sya mangulit.
Pero maya maya lang ay si Claudia naman ang pumasok sa kwarto ko.
"Tss what is it this time? If you're here to do some preaching, kota na ako kay mom" Mataray na paunang sabi ko sa kanya.
"May bisita ka!"
kumunot naman ang noo ko at nagtaka.
"Who?"
"Si kuya Zander, kaya ang mabuti pa ay tumayo ka na dyan at maligo, like iww ang dumi ng kwarto mo" maarteng banat nya at saka lumabas.
Ano naman kayang naisipan non at dumalaw sakin.
Wala akong nagawa kundi ayusin ang sarili ko at babain ang bisita ko daw.Naabutan kong nagtatawanan sila ni mommy sa may visitor's area namin.
"Mabuti na lang at naisipan mong dalawin ang anak ko ilang araw na syang nagmumukmok sa loob ng kwarto nya."
"Mom!"
tawag pansin ko kay mommy para mapigilan ko ang anumang sasabihin pa nito."Oh Jane andyan ka na pala, kanina ka pa hinihintay ni Zander."
Hindi ko pinansin si mommy at binaling ang tingin ko kay Zander.
"Let's go?"
"Ah yes, tita alis na po kami wag po kayong mag-alala ihahatid ko po si Jane mamaya."
"Naku alam ko naman yon hijo, sige mag-iingat kayo."
Sa labas ay pinagbuksan pa ako ni Zander ng pinto ng sasakyan pagkatapos ay sumakay na sya sa driver seat.
"So saan tayo pupunta?
" magpapasama lang ako sayo malapit na kasi ang birthday ni mom, bibili ako ng gift kailangan ko lang opinyon mo tungkol dito."
"tss ako lang ba ang kaibigan mong babae?" Iritang tanong ko sa kanya.
"Syempre may tiwala ako sa taste at style mo"
"Tss madalas akala mo lang magaling akong pumili pero hindi pala talaga."
"Bat ba ang sungit mo e sabi naman ni tita Marj wala ka namang ginagawa kundi magkulong sa kwarto mo, If I didn't come you wouldn't mind taking a bath for sure!" mapang-asar na sabi nya.
"tss shut up"
Sa mall kami pumunta at pinagalitan ko pa sya dahil wala talaga syang ideya kung anong ibibigay sa sarili nyang nanay.
Kaya naman sa isang Jewelry store ko na lang sya inaya.
Panay ang tingin samin ng mga sales lady doon dahil wala naman kaming suot kahit na shades man lang.
"Do you think she'll like this one?"
"Bat ba ako tinatanong mo e ikaw yong anak, ni hindi ko pa naman nameet ang mommy mo."
"Tss fine, ako ng bahala wala ka din naman palang dulot"
"Hey, Did I volunteer myself to help you here? Inabala mo ang pagpapahinga ko pagkatapos ay susumbatan mo ako, Wow!"
"Okay, okay! Relax hindi na ako magsasalita."
Maya maya ay hindi sya nakatiis at pinakita sakin ang isang necklace na may simpleng pindant na bato.
Simple but elegant, sinang-ayunan ko na lang sya kaya naman pumunta na sya sa counter at nagbayad.
Habang nauna naman na akong lumabas ngunit napaatras ako ng paglabas namin sa shop ay ang daming tao sa labas.
"Kyahhhhhhhh si Jane nga!!!"
Napamura ako dahil hindi ako handa sa mga ganitong eksena.
Parang gusto kong bumalik sa loob pero huli na at pinagkaguluhan na nila ako.
Kanya-kanyang abot ng cellphones at talagang pinagsisiksikan nila ang sarili nila sakin.
Shit! Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam kaya naman kinabahan ako. Parang biglang umiikot ang paningin ko at onti-onting humihina yong pandinig ko. Nakikita kong nagsasalita ang mga tao sa paligid ko pero parang wala akong marinig at dahan dahang naramdaman ko ang pagdilim ng paningin ko.
Binalot ako ng matinding kaba sa pamilyar na pakiramdam na yon.
"Shit Zander where the hell are you?
Maya maya pa ay isang pamilyar na tinig ang narinig kong sumigaw.
" Jane !!!"
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomanceSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...