Chapter 29

254 12 3
                                    


"No Ana, ayokong ipalasa sa'yo ang alak na ininom ko." nakangiting sabi ni Stan. "Hintayin mo 'ko sa salas." 

Naglakad na sila papasok sa loob at nagulat sila nung maabutan nilang nasa sahig sina Myzel at nakapatong dito si Clay. 

Napa "O" lang ang bibig nina Ana at Stan sa nakita nila. 

"Guys tulungan niyo 'ko!" angal ni Myzel. "Nakatulog na si Clay! Ang bigat niya promise!" nagmamakaawang sabi ni Myzel at agad namang kumilos si Stan at iniangat niya si Clay para makatayo si Myzel. 

"Myz okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Ana. 

"Medyo oo na medyo hindi." napangiwing sabi ni Myzel. 

"Toothbrush lang ako." pagpapaalam ni Stan kay Ana habang akay-akay si Clay. 

Nung makaalis si Stan,
"Una na 'ko Myzel! Kailangan ko ng matulog!" kinakabahang sabi ni Ana at tumango nalang si Myzel. 
Mabilis na tumakbo si Ana sa kwarto at agad siyang nag-lock ng pinto! Ayaw niyang magpahalik kay Stan, not now na nakainom ito! Next time nalang.

+**+

Nakarinig ng mahinang katok si Ana sa kwarto niya (kwarto pala ni Stan! ;-) ) pero dinedma niya ito! Maganda ng isipin ni Stan na nakatulog na siya para hindi na ito manghingi ng halik!

+**+ 

Si Myzel naman ay napangiti at naalala niya ang malanding boses ni Clay nung sinabihan siya nitong "ANONG FEELING NG NAKAPATONG AKO SA'YO? MASARAP BA?" 
--OO CLAY! LETCHE KA! MASARAP NGA!--- kinikilig niyang sigaw sa utak niya. 

+**+

Magkaharap na nakahiga sa kama sina Fate at Migo, nalalasahan ni Fate ang matamis na halik ni Migo at rinig na rinig niya ang bawat ungol nito habang nakikipaghalikan sa kanya. Feel na feel ni Migo. Napaigtad si Fate nung maramdaman niya ang dila ni Migo na pumasok sa loob ng bibig niya.

"Shit Fate! Ugh... Ang sarap ng bibig mo.." mahinang ungol ni Migo at lalong nakaramdam ng kakaiba si Fate. Parang may kumikiliti sa pagkababae niya. 

Naramdaman niya ang kamay ni Migo na nagmamasahe sa bewang niya paakyat at naramdaman niya ang pagpunta ng kamay nito sa dibdib niya at parang bigla siyang nagising!

"NO MIGO! STOP IT!"hinihingal na sabi ni Fate at agad siyang umupo. 

Napakunot naman ang noo ni Migo,
"What? Anong problema Fate?" 

"Hindi 'to tama Migo, ang bata pa natin para gawin natin ang bagay na 'yon!" 

Napahawak nalang sa noo si Migo.
"Okay..kung anong gusto mo.." medyo nanghihina sabi ni Migo. 

"Sorry.." sabi nalang ni Fate. "May tamang panahon naman para don." 

Tumango nalang si Migo..
"Tama ka.. Sorry kung medyo nagmamadali ako.. Nadala lang ako." 

+**+

Sa cafeteria ay tahimik ang tatlong babae na nasa iisang table. 

"GRABE!" sabay-sabay nilang sabi kaya natawa sila. 

"Muntik na kami kagabi ni Migo, buti nakapagpigil ako." kwento ni Fate.

"Ako nga eh, tinulugan ko nalang bigla si Stan." 

HOT UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon