Chapter 32

305 11 0
                                    

Pagkagising ko umaga pa lang ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinawagan ko kaagad si Drake.

"H-hello Drake,  pwede ba tayong magkita?" Nag-aalangang tanong ko.

"Why?"

"I have something important to discuss with you."

Hindi ko pinaalam sa mga magulang ko ang napag-usapan namin ni Thamara,  kahit kay Meg ay hindi ko muna ito binanggit.

Sa isang exclusive na restaurant namin napag-usapang magkita ni Drake. Nakaupo na sya ng dumating ako don kaya nama  umupo na lang ako sa katapat nya.

"Anong gusto mong sabihin?"

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.

"Let's get back together Drake!"

"Jane hindi ba at napag-usapan na natin to,  ano na naman ba to?" tila naiiritang wika nya.

"Drake please listen up,  yong nangyari satin 2 years ago hindi yon aksidente."

"Jane  ano ba!"

"Pwede ba makinig ka muna sakin, Si Thamara she planned everything,  plinano nya yon para masira ako at maagaw ka nya sakin!"

"What? Jane ano bang sinasabi mo hindi ko akalaing aabot ka sa ganito,  hindi mo na kailangang siraan pa si Thamara sa harapan ko." Madiing wika nya na bakas ang matinding pagkainis.

"Drake hindi ko sya sinisiraan dahil sya mismo ang umamin sakin nagkausap kami kahapon,  maniwala ka naman sakin!"

"Gusto kitang paniwalaan,  gustong gusto ko,  pero Jane hindi magagawa ni Thamara yon,  mabuti syang tao at kahit ikaw alam mo yan.!" Seryosong sabi nya.

"Akala ko din mabuti syang tao pero nagawa nya akong saktan nagawa nyang pagtangkaan ang buhay ko noon at hindi malabong gawin nya ulit yon ngayon" pagpupumilit ko padin.

"Jane kung ginagawa mo to para balikan kita,  Stop! Just stop. You are more than this, hindi na mangyayari yon dahil magkakaanak na kami ni Thamara, she's pregnant." Malumanay nyang pahayag.

Para akong tangang natulala sa harap ni Drake. Onti-onting nanlabo mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya na namang tumulo. Masakit na hindi nya ako paniwalaan dahil ako pa yong nagmumukhang masama sa harapan nya.

At lalong hindi ako makapaniwalang nagawa na naman syang paikutin ni Thamara,  dahil ba alam nyang maaari syang iwan ni Drake kapag nalaman nitong buntis ako,  kaya naman inunahan na nya ako.

Hindi ako makapaniwalang kayang kaya nyang magsinungaling ng ganito.

"Buntis si Thamara?"

"Oo magkakaanak na kami, kahapon nya lang nabanggit saakin ang tungkol don,  kaya wala ng kahit anong makakapigil pa sa kasal namin lalo na ngayon. Jane naiintindihan kong nasaktan ka namin,  at nasasaktan kita pero Jane panahon na siguro para palayain natin ang isa't-isa. Mananatili kang may puwang sa puso ko pero hanggang don na lang yon,  kailangan ako ng mag-ina ko,  please!" Nagsusumamo nyang sabi.

Mag-ina mo?

Bakit pag si Thamara ang nagsabi sa kanya napakabilis nyang maniwala pero bakit pag ako kailangan ko pa ng maraming ebidensya para lang paniwalaann nya. Ganun na lang ba kalaki ang tiwala nya dito?

"I'm sorry Jane but I have to go" tumayo na sya pero tinawag ko sya.

"Drake!"

"Kahit konti ba hindi ka talaga naniniwala sa sinabi ko?"

"I'm sorry Jane!"

"Kung sasabihin ko ba sayo ngayong buntis din ako paniniwalaan mo ba ako? kung sasabihin ko ba na ako namab talaga yong buntis maniniwala ka ba?"

Bahagya syang natigilan at hindi nakasagot. Bumuntong hininga muna ako bago ko pinunasan ang luha ko. Tumingin ulit ako sa kanya.

"Kung ganun,  mag-iingat ka palagi,  sana, sana maging masaya kayo. Sana hindi mo pagsisihan ang mga desisyon mo."

Tumayo ako at nakipagtitigan sa kanya sa matamlay nyang mga mata.
Tapos ay ako na ang unang tumalikod at umalis sa lugar na yon.

Hindi na kita maintindihan Drake gustong-gusto ko ng magalit sayo,  gustong gusto ko ng sukuan ka pero hindi ko magawa. Hinimas ko ang tiyan ko,  bagamat wala pang mababakas na umbok dito ay batid kong may buhay ng nag-uumpisang sumibol doon.

Baby I'm sorry kung mahina si mommy,  sorry kung hindi ako ganun kalakas kay Daddy, sorry dahil puro na lang sama ng loob ang naipaparamdam sayo ni mommy. Patawarin mo ako anak. Wag kang mag-alala kung talagang ayaw satin ng daddy mo, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mo maramdaman ang kakulangan nya.
I promise baby,  I promise!








She fell asleep (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon