Chapter 21

2.9K 87 1
                                    

thank you for your patience, enjoy!!♡

and again for the second time, I dedicate this chapter to Vhielly Baluyut and her significant other Adrian Balingit, HAPPY THREE YEARS SA INYO, STAY STRONG!! I'M SO HAPPY AND PROUD OF YOU BOTH♡

ps: better late than never ;)
×××

Aiden Sebastian

"I'm challenging you your position as an Alpha." Biglang natahimik ang lahat nang lumabas ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Astrid.

Ito na bang ang hinihintay naming hakbang mula sa kanya?

Noong una ay tila parang natawa lang si Anito sa iminungkahi ni Astrid ngunit kalaunan ay napag-tanto din nito na hindi nagbibiro ang mahal ko.

Sa sitwasyon ni Anito, wala siyang magagawa kundi sumang-ayon sa nais mangyari ni Astrid, ito'y hindi ipinagbabawal kaya makikita itong isang malaking kaduwagan kung tatanggi si Anito.

Ang iniisip ng mga werewolf ay kung tunay ngang malakas ang isang Alpha at matalino sa pakikipag-laban, kahit sino pa sa kanyang mga nasasakupan ang mag-hamon sa kanya ay hinding-hindi siya madadaig. Kung nagawang talunin nang naghamon ang Alpha, siya ang papalit at magagawang agawin ang posisyon ng Alpha.

Sa aking pamumuno sa Ashstorm Pack ay wala pang ni isa ang nagtangkang hamunin ako at ibaba sa aking posisyon, siguro ay sadyang malaki ang impact sa kanila ni Riley at alam nilang si Riley mismo ang pumili sa akin upang humalili sa kanya sa pamumuno. At dahil narin siguro kontento sila sa paraan ng aking pamumuno at sa antas ng kanilang pamumuhay.

Hindi naman sa pagmamayabang pero walang isang kahig isang tukha sa aking pinamumunuan, lahat sila ay may disenteng tirahan at trabaho kaya madalang ang krimen. Dito sa pack ni Anito, madalang ang krimen dahil laganap ang pagpatay sa mga kriminal at idinadaan ni Anito sa sindak at karahasan. Hindi dumadaing ang mga tao kahit na sila ay naghihirap at nagugutom dahil sa takot sa kanilang Alpha, napaka-laki ng aming kaibahan.

Wala nang nagawa si Anito kundi ang sumang-ayon, napansin ko na hindi siya humingi ng gladiator armor at isang maliit na dagger lang ang hawak niya, ganyan ba kahina ang tingin niya sa mate ko? Nakita kong nag-igting ang panga ni Astrid nang makita niya ang inasal ni Anito.

Ilang sandali ay lumapit ang Beta ni Anito na si Colton at siya ang naging pansamantalang host ng mangyayaring labanan.

Simpleng tumayo lang si Anito sa kanyang pwesto, habang si Astrid ay nasa fighting stance na nito, parang naghihintay si Anito na atakihin siya ni Astrid.

Tila lalong nainis si Astrid kaya sumugod siya at iwinasiwas ang kanyang espada sa direksyon ni Anito ngunit sadyang sanay at mabilis sa pagkilos si Anito, agad siyang nakailag sa ginawang pag-atake ni Astrid. Sunod sunod na mabibilis na pag-atake at mga panibalong galaw sa pakikipaglaban ang ipinakita ni Astrid, nakita ko na bahagyang nabasag ang mapagpanggap na mukha ni Anito, ang walang ekspresyon niyang mukha; sa ilang segundo ay napalitan ng pagtataka at pagka-bigla, ngunit agad rin iyong naglaho at bumalik sa dati.

Siguro ay napagtanto niya na masyado niyang minaliit ang kakayahan ni Astrid.

Biglang nag-iba ang demeanor ni Anito, mula sa parang mukhang walang pakialam ay naging mas alerto at handa.

Tuloy lang sa pagsugod si Astrid, hanggang sa wakas ay nadaplisan niya rin sa bandang kalamnan si Anito, nag-hiyawan ang mga tao dahil roon. Hindi naman halatang hindi nila gusto ang Alpha nila 'no?

Nakita kong nag-igting ang panga ni Anito at siya ay ngumiting pang-aso.

"Awe, what a cute little scratch from my kitten." Narinig kong mapang-lokong sabi nito.

The Alpha's BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon