"The Key from Heaven"
"Sa wakas!! Egypt! Namiss kita!!"
malakas na sabi ni Cloud nang makarating sila sa Egypt.
"Eh diba kakagaling mo lang dito nung isang taon?"
tanong ni Jin.
"Oo.. pero may masarap kasi silang kainan dito.. ang sarap ng Kushary dun saka Tahini salad!"
masayang sagot ni Cloud.
"Mukhang pagkain lang talaga ang pinunta mo dito.."
wika naman ni Yasu.
"Tara na! Kumain na tayo.. nagutom ako bigla.."
sabi ni Cloud at nagmadali na itong puntahan ang sinabing kainan.
Nag-usap sila sa magiging plano nila habang magkakasamang kumakain.
"Jin.. sigurado ka bang ito na ang huling lugar na pinuntahan ng lalaking nakakuha ng litrato ng agimat?"
tanong ni Flakes.
"Oo.. mga apat na araw din sya dito.. tapos nagpunta na sya ng Kuwait.."
sagot ni Jin.
"Hindi pa din naman natin sigurado na dito nya nga nakita ang agimat.."
sabi ni Jong-soo.
"Matanong ko lang no.. bakit nga ba sya nagpunta dito sa Egypt? Binalak nya bang alamin kung anong nangyari sa kapatid ni Flakes?"
tanong ni Yasu.
"Oo nga noh.. hindi natin natanong yan kay Ebrahim.."
tugon ni Jin.
"Posible kasing.. may natuklasan ang kapatid ni Flakes.. kaya sya namatay.. at yun ang balak alamin ng Dexter na yun.. kaya sya nagpunta dito.."
paliwanag ni Jong-soo.
"Ibig sabihin.. mataas din ang posibilidad na dito namatay ang kapatid ni Flakes.."
sabi ni Jin.
"Posible.. dahil katabi lang ito ng Israel.. kung saan sila nagtagpuan.."
tugon ni Flakes.
"Ngayon.. ang dapat muna natin alamin.. eh saan sya mismo nagpunta.. hindi naman natin masisiguradong sa loob ng isang pyramid ang litrato ng agimat.."
wika ni Jong-soo.
"Oo nga pala.. may alam kong murang marerentahan na bahay dito.. bukod sa malaki na.. malaki din yung palikuran!"
sabi ni Cloud sa mga napapaisip na kaibigan.
"At yan talaga ang iniisip mo ngayon huh.."
inis na tugon ni Jin.
"Tama! Bakit hindi natin tanungin yung mga tao sa hotel na tinuluyan nya.."
malakas na sabi ni Flakes.
"Pero.. hindi sya tumuloy sa hotel.. nagrenta lang din sya ng bahay.."
wika ni Jin.
"Problema ba yun? Ehdi dun tayo sa nagpapa-upa ng bahay magtanong.."
sabi ni Walter.
"Ahh.. Oo nga noh.."
sang-ayon ni Jin.
Tinapos na nila ang pagkain saka sila nagpunta sa sinasabi ni Cloud na rerentahan nilang bahay.
"Manong! Kamusta!!"
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the amulet of lightning fang (book 2)
MaceraIn continuation of Cloudberry journey.. her friend Flakes are going to find the lost amulet, that she gave to her sister. Not only the amulet that they will searching for.. but also the creature who killed her sister.