" Airah please, wag namang matigas ang ulo mo. Pumayag ka na kasing magpagamot. "
" Tim pwede ba? Don't give me hope. Alam na alam naman natin na masasayang lang ang punta natin sa US, wala na kong lunas! You heard the statement of the doctor, it's twenty percent and very rare ang nakakasurvive sa sakit na to. At isa pa, ano bang pakialam mo? Ke mamatay ako o mabuhay ako ng matagal wala ka na don! Hindi ko kailangan ang awa mo!"
Sarcastic ang mga naging sagot nya, Tim is trying to pursue her, na magpagamot at sumama sa kanya sa US. Bagay na tinutulan nya. Simula ng bumalik sya sa mansion lagi syang dinadalaw nito. Palaging may dalang pagkain at mga bulaklak, tila isang masugid na manliligaw.
" You misunderstood me. Hindi lang awa ang nararamdaman ko sa iyo, I still care for you. Airah, more than anything else, I want you to live!"
" Talaga? Sana lahat ng malasakit mo sa kin noon mo pa ginawa. Those times when I need you, hindi ka dumarating. When I was at the lowest point of my life, wala ka. Mas pinili mong ibahay at mag-enjoy kasama ng mga babae mo, habang ikinulong mo ko sa isang relasyon na halos walang buhay! Tapos ngayon aasta ka na akala mo sa iyo nakadepende ang buhay ko. Hindi ka naging mabuting asawa, sa tingin mo kaya pa kitang pagkatiwalaan? It's too late Tim, wala na tayong pag-asa! "
Lugmok ang balikat nito sa huling sinabi nya. Pero hindi pa rin ito umaalis ng bahay.
" How many times did I tell you na pinagsisihan ko ng lahat yun. You said you forgive me pero palagi mo pa ring ipinamumukha sa kin lahat ng kasalanan ko sa iyo. This may be too late Airah, but when the nullity of our marriage took effect, I've realized that I still love you. Na sa lahat ng babaeng nakasama ko, ikaw pa rin ang gusto kong balikan. But you never gave me a chance. For once Airah, gusto kitang alagaan, gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo. Hindi ko na inaasahan na babalik pa tayo sa dati, but please accept my help as a friend!"
Kung matigas ang ulo nya, mas matigas ang ulo ng dating asawa. Hindi ito natitinag, ni Hindi nga yata Dinaramdam lahat ng sinasabi nyang masasakit na salita. Malamlam ang mga mata nito, at malungkot ang anyo. Bigla syang naglie low sa pagtataray.
" Ganon na lang ba yun Airah, hihintayin mo na lang ang oras mo. Ayaw mo ng lumaban sa sakit na yan? At bibilangin mo na lang ang araw hanggang sa mamatay ka. What about your family? Igigive mo na lang ba sila?... What about him,... yung lalaking mahal mo?"
She was shocked! Pano nalaman ni Tim?!
" Airah...."
Mula sa kung saan biglang sumulpot si Warren, bagay na labis nyang ikinabigla.
" Why did you tell him?", usig nya kay Tim
" Bakit hindi, wala ba kong karapatang malaman", si Warren na ang sumagot
" Wa-Warren..."
" I should go Warren. Ikaw na ang bahala sa kanya, convince her ", pagpapaalam ni Tim
" Hanggang kelan mo gustong itago sa kin Airah. Bakit hindi mo sinabi? Ano ba ko sa iyo? "
" Warren I'm sorry... I'm so sorry but I don't want to hurt you ", nagsisimula na syang umiyak
" Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo? Kung hindi pa nagkwento sa kin si Zoey clueless pa rin ako kung bakit mo ko iniwan sa party ng walang paalam. She told me everything!"
She didn't utter any word, she completely lost herself! She knew, Warren is mad at her. Wala syang lakas na harapin ngayon ang binata.
" I never thought that after everything that happens to us, magdedesisyon ka pa na iwan ako at ibalik sa dati kong girlfriend. "
BINABASA MO ANG
Three Days Two Nights
RomansaTwo Strangers in One Fatal Accident. One isolated island... They will do everything to survive For 3 days and 2 nights!