Chapter #27
Channel's Pov:
Hindi naman dapat ako ganito, simula palang naman ayaw ko na sa mga gangster tapos ngayon para akong baliw na nagpapapansin sa kanya.
"Channel? are you okay?" tanong sakin ni Ate Miles na nakagising sa muni muni ko.
Napatingin naman ako sa kanya bago sumagot .
"H-ha? e-eh? ayos lang ako" nauutal kong sagot .
"Sige , kain na tayo" sigaw ng Mama niya.
Nagdidilim na, pero anliwanag ng mga ilaw dito, ansaya saya nila lalo na si kuya, eto na siguro ang best christmas nya.
So kumain lang ako ng konti then nag paalam ng magpapahinga.
"Ano kaba dito lang tayo hanggang mag umaga." sabe sakin ni Echo bago muling uminom ng wine.
Sinamaan ko lang sya ng tingin, Hehh nag iinom sya pati si Kuya
Tumuloy lang ako sa paglalakad papunta sa room ko habang nanatiling sa napakagandang buhangin nakatingin.
Ng biglang
"Awch" sabi ko , ng biglang may naka bangga sakin.
Tinignan ko sya at.....
nakatingin na sya sakin .
"Hi Channel" nakangiti nyang bati.
Blah blah feeler nato.
"Ow , hi Gino ? kamusta?" confident kong sagot, lampake basta ayaw kong magmukang kawawa .
Nagulat ako ng bigla nyakong hilain pakanya na nagcause para mapadikit ako sa chest nya, so yung tenga ko ang asa chest nya kasi naka side view ako. Ramdam ko yung simpleng tibok ng puso nya, I feel so lost, hindi sya kinakabahang andito ako , wala na nga syang feelings sakin, pero bat nga ba naasa pako? Pero bakit nyako niyakap? anong meron, hindi ko namalayang sa dami kong naisip sunod sunod na luha ang nagpatakan sa mga mata ko, ng kumalas sya sa pagkakayakap , nanatili akong nakatingin sa buhangin, para di nya makita ang pag iyak ko , pasimple ko itong pinunasan ng kamay.
Hinawakan nya ang baba ko at itinaas.
"Channel , pwede mo namang sabihin kung nasasaktan ka , dahil handa akong magsakripisyo para sayo" sabe pa nya.
Na lalong nagpa iyak sakin.
Pinaghahampas ko sya sa chest nya wala nakong pakealam nasasaktan ako , hindi ko na kaya.
"Sino ba ang babaeng yun, bat ang bilis bilis mong nakamove on sakin, akala ko pa naman mahal moko , akala kolang pala" mahaba kong sabi habang naiiyak padin.
"She's my ex" mahina nyang sagot.
"Oo ex , but girlfriend mo na ulit , diba?" matapang kong sagot, bago tumalikod para umalis na, pero nabigo ako dahil hinila nya ang braso ko paharap sa kanya.
"Diba sabi ko sayo ayaw na ayaw ko yung tinatalikuran ako kapag kinakausap" sabi pa nya .
Akala nya ba biro lang to sakin? seryoso ako ano baaaaa...
"Oo pero noon yun, dahil from now on di monako mauutusan sa kung anong gusto kong gawin" mahaba kong sagot bago magtangkang umalis pero nanatili parin syang nakahawak sa braso ko.
"Gusto kong iwanan mo ang lalaking kasama mo kanina kung sino man yun, ayaw kong nakikitang may kasama kang iba" sagot nya pagkatapos ay kiniss ako sa noo at umalis na.
Bakit hanggang ngayon napaka unfair mo Gino, bakit? Pagkatapos ay napaupo ako sa buhangin at napahawak ang dalawang kamay sa muka at tuluyang naglagpakan ang mga luha. Pakiramdam ko bagsak na bagsak nako. Gangster kapadin talaga Gino, hindi kapadin nagbabago, Mahal mo nga ako pero alam kong mas mahal mo sya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)
Teen FictionUN-expected LOVE Story.. Saan nga ba nagsisimula ang pag-ibig? Kailan nga ba natin ito nararamdaman? O kailan nga ba ito dadating? Marami tayong tanong tungkol sa pag-ibig na napakahirap sagutin, minsan pa nga masasabi mo sa sarili mo na, IMPOSIBLE...