Episode 1

156 1 0
                                    

LiZen

Grabe, hindi ako makapaniwalang sa wakas ay nakapasok na rin ako dito sa Mingde University. Ito lang naman ang pinakasikat na unibersidad dito sa Shanghai kung saan mga elite na students lang ang nakakapasok dito. Mga estudyanteng mga galing sa mayayaman at maimpluwensyang pamilya.

Pero ako?

Hindi naman ako anak ng may ari ng isang kompanya. Nakakuha lang ako ng scholarship at hindi rin ako talented at matalino dahil sa daddy ko na nagtatrabaho sa Daoming Resort and Hotel. Si daddy ay isang manager doon.

"LiZen!"

Narinig ko ang pamilyar na boses at agad kong nilingon ito. Nakita kong nakangisi ang bestfriend kong si QingHe na kumaway at tumakbo papunta sa akin.

Tulad ko galing rin sa average family si QingHe. Kung ako ay nagkaroon ng scholarship dahil sa daddy ko, siya naman ay dahil sa may kaya naman sila para maipasok siya dito since my family business sila. Mayroon silang farm at iyon ang source of income nila.

"Sa wakas, nandito ka na! Magiging classmates na ulit tayo!" Nakangiting sinabi ni QingHe. Walang nagbago sa kanya, masiyahin parin siya tulad noong mga high school palang kami. At ngayon ay magkaklase na ulit kami dahil parehas kaming Major in Nutrition.

"Excited na ako! Alam mo naman kung gaano ko pinangarap na makapasok dito!" Sinabi ko habang nagtatalon talon.

"Oh, tara na! Baka ma-late pa tayo sa orientation."

Tumango ako at sinundan si QingHe. Soon ay nakarating na kami sa auditorium. Dahil first day ngayon ay naglahad ng students orientation ang MingDe. Nakita kong maraming estudyante na ang naroon.

Hindi ko rin maiwasan makita ang mga estudyanteng tinitignan ako mula ulo hanggang paa, mga nagbubulungan. Pero wala naman akong pakealam kaya ay nanahimik nalang ako sa tabi ni QingHe habang nagkikwento siya tungkol sa school na ito.

"Mamaya kain tayo sa cafeteria. Masasarap pagkain doon, swear. Hindi tulad noong high school."

Natawa naman ako nang maalala ko ang pagkain sa canteen noong high school pa kami. Syempre MingDe ata ito. For sure, may quality ang pagkain at mga facilities nila dito. "Naalala ko tuloy noon na lagi tayong gutom pag lunch break kaya nagbaon nalang tayo ng sarili nating pagkain."

Patuloy pa kaming nagtawanan ni QingHe habang nagrereminisce ng high school memories. Nang matapos ang orientation ay tumungo kami ng cafeteria. Laking gulat ko nang makita ang napaka-laking cafeteria at maganda ang pagkakagawa nito.

Nanahimik ako sa isang bakanteng lamesa habang hinihintay si QingHe na nag-insist na ilibre ako ng lunch dahil matagal rin kaming hindi nagkita at ito rin naman ako hindi maiwasang tumingin sa paligid na parang first time kong makakita ng cafeteria.

"Cafeteria pa ba 'to?" Bulong ko sa sarili ko. Well, what do I expect? This is Mingde University. Nahuli ng mga mata ko ang mata ni QingHe na may bitbit na dalawang tray para sa amin.

Nakangiti siya papunta sa akin nang biglang natisod ito at lumipad ang isang tray sa isang lalaki. Napatayo ako dahil sa pangyayari at tinulungan si QingHe na makatayo sa posisyon niya. Napunta rin lahat ng atensyon ng mga tao dito sa cafeteria.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya pero hindi ito nakasagot at napansin kong namutla ito habang may pinagmamasdan. Sinundan ko ang tingin nito at nakita ang isang lalaking matangkad, maputi at undeniably na gwapo. Nakapostura ito habang may tatlo pang lalaki na nasa likod nito na masasabi ko ring mga may itsura.

Hindi ko madedeny na nahulog ang puso ko nang makita ko ito. Grabe, who would've thought na kumikinang parin ang pagkagwapo niya kahit na galit ito at kahit nabuhusan pa ito ng pasta?

Agad agad na tumayo si QingHe at paulit ulit na humingi ng pasensya sa lalaking natapunan niya ng pagkain.

"Sorry, Daoming Si. Sorry."

"Kung lahat ay nadadaan sa sorry, why do you think there's laws and police?"

Malamig na sinabi ni Daoming Si. Ramdam kong nagagalit to nang makita kong nag-igting ang panga nito. Napalunok naman ako nang humakbang siya papalapit sa amin. Hindi ko alam kung bakit ako natakot kahit na hindi naman ako ang may kasalanan pero ang lakas ng dating nito sakin. Ramdam ko rin na pati ang mga estudyanteng nasa paligid namin ay natatakot para sa amin.

"AhSi..." Tumigil ito nang bigla itong harangin ng isang maliit na babaeng naka-checkered. May bangs at maliit ito.

Napawi ang mga galit sa mata ni DaomingSi pagkakita niya sa babaeng ito at huminga ito ng malalim. "I'll let this one pass."

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya at narinig ko ang pag buntong hininga ni QingHe. Pinanood kong umalis sila sa cafeteria habang hawak ng babaeng naka-checkered ang braso ni Daoming Si.

Bago bumalik ang tatlong kasama nila sa kanilang lamesa ay tinignan nito si QingHe. Kami naman ay tahimik na bumalik sa aming lamesa.

"Kilala niyo ba yan? Sino yan?"
"Chen QingHe ata, ang alam ko may factory business 'yan. Hindii ko kilala yung kasama niya."
"Naku! Buti nalang talaga dumating si Shancai kung hindi malamang patay 'yan."

Rinig ko sa paligid namin at nag-aalala kong tinignan si QingHe na mukhang nawalan na ng gana. "Uy, gusto mo kuha ulit ako ng food natin?"

Umiling ito ang ngumiti, "ako na ang kukuha. Pasensya ka na, LiZhen."

"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Wala 'yon." Inassure ko siyang wala lang 'yon sakin pero nacucurious talaga ako kung sino ang mga iyon at bakit parang takot na takot si QingHe. "Nga pala, sino ba 'yon?"

"Oo nga pala, one of the things you should know about Mingde is them. The F4."

"F4?" Nagtataka ako kung bakit kailangan ko silang kilalanin as a student of Mingde.

"Yup. Flower four. Ang mga iyon ay sikat dito at despite of their good looks and intelligence, proud sa kanila ang school dahil sa mga nagawa nila para dito. Maraming gustong kaibiganin sila at sumali sa grupo nila pero ayaw nila." Nagsimula si QingHe at itinuro ang dalawang lalaki na kasama ni DaomingSi kanina. "Yung lalaking naka-salamin, ayan si Ximen. Expert ang family niya sa tea business at advice lang, if ever na kausapin ka niya, wag kang magpapadala sa mga sinasabi niya. Marami nang babae ang napaiyak 'yan dito, same goes for Meizuo. Yung lalaking katabi niya."

Tinitigan ko ang dalawang tinutukoy ni QingHe. Halata naman sa kanila na galing sila sa maimpluwensyang mga pamilya at halatang playboy ang mga ito.

"Si Huaze Lei naman, he's all about music at maraming offered scholarship yan from international universities pero mas pinili niya ang Mingde. Dahil na rin sa uncle niya ang director ng school na ito." Tinignan ko naman ang kulot na lalaking tahimik na kumakain habang nag uusap si Ximen at Meizuo. "Sa kanilang apat, ayan ang tahimik sa kanila at walang pakialam sa iba."

"Eh yung kanina? Sino yun?"

Ngumiti siya sa akin, "interested?"

"H-Huh? Hindi. Curious lang." Sinungaling, LiZhen.

"Si Daoming Si. Leader ng F4. Anak ng isang successful business woman. They own various hotel chains and restaurants. Sa kanilang apat, siya ang kinakatakutan dito dahil sa kilala siya at wala siyang pakialam kung may nasasaktan na sa pananalita niya. Basta kung ano ang gusto niyang gawin, gagawin niya."

"Eh yung babae? Girlfriend niya ba 'yon?"

"No one knows the real score but she's Dong Shancai. Ang tupang nagpaamo sa leon na si Daoming Si."

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon