Shancai
"Dapat hindi mo ako pinigilan e, that lame guy deserves a beating!" Patuloy ang pag aalburoto ni AhSi habang naglalakad kami sa hallway.
Napangiti ako nang mapagmasdan ko ang presko ng dating niya habang suot ang sweater ko. Pinahiram ko muna siya dahil sa nangyari sa damit niya kanina. "Hindi naman kita pinigilan." Lalo akong napangiti, wala nga naman akong sinabi at hinila ko lang siya agad bago pa siya gumawa ng hindi maganda sa classmate kong si QingHe.
Speaking of, saktong makakasalubong namin siya kasama ang babaeng mukhang bago lang dito. Nakita kong ang evil smirk sa mukha ni AhSi kaya naman ay humarang na agad ako.
"Tigil tigilan mo 'yang iniisip mo AhSi! Nagsorry na yung tao at hindi naman talaga niya sinasadya 'yon."
"At paano mo nasabi? Dapat maturuan ng leksyon--" Napatigil siya, siguro nang makita ang nakasimangot kong mukha. Napakamot nalang siya at napabuntong hininga. "Alright. Fine, fine. Hindi na."
Humarap na ako sa daanan namin. "Papasok na ako. Pumasok ka na rin. Make sure na wala kang gagawing kalokohan!" Sinabi ko hanggang sa makarating kami sa harap ng aming classroom.
Senior na ang F4 at ako naman ay sophomore palang. Magkaiba rin ang majors namin. Nutrition ang major ko habang si Daoming Si, Ximen at Meizuo ay business majors. Si Lei naman ay major sa music.
Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bigla kong maramdaman ang kamay ni AhSi sa aking braso at hinila ako nito.
"Wala bang goodbye kiss dyan?"
Tumingin ako sa paligid at nakaramdam ng hiya dahil sa may mga nakakakita sa amin. Sinubukan kong kumalas sa pagkahawak niya pero hindi ko kaya. "Ano bang pinagsasabi mo?"
Ayan nanaman ang evil smirk ni Daoming Si. Lumingon ito at tinuro ang pisngi niya gamit ang kabilang kamay na hindi nakahawak sa akin. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Male-late na ako pero wala skyang pakealam basta dapat niyang makuha ang gusto niya.
Kaya naman tumingkayad ako at madaliang humalik sa pisngi niya bago tumakbo sa loob ng classroom namin. Nang makaupo ako sa aking pwesto ay naiimagine ko pa rin ang ngiting tagumpay ni Daoming Si.
Napagtanto kong katabi ko si QingHe at nasa kabilang side niya naman ang bagong estudyante.
"Hey, Shancai." Simula ni QingHe. "Salamat pala kanina."
Ngumisi ako, "wala 'yon."
"By the way, ito si LiZhen. Transfer student galing Hunan." Ngumiti ako sa kanya pero ramdam ko ang pagka-ilang sa ngiti niya sa akin pero hindi ko na ito binigyan ng pansin. "High school friend ko rin siya."
"Ah, ganon ba? Ayos yan. Okay na rin na may kakilala ka dito para hindi ka maligaw. Sa laki ba naman ng school na ito, e." Biro ko at natawa naman ang dalawa.
"Oo nga, buti nalang nandiyan si QingHe."
Ngumiti naman lalo si QingHe. Natapos doon ang usapan naming tatlo dahil biglang dumating si Professor Ma. Nang matapos ang klase ay dumiretso naman kaming tatlo sa isang café na malapit lang sa school. Inaya kasi ako ni QingHe at wala naman akong gagawin maghapon.
"Shancai..." Out of nowhere akong tinawag ni LiZen pagkatapos namin tawanan ang mga pinagkukwentuhan namin tungkol sa Mingde.
"Hmm?"
"What's the real score between you and Daoming Si?"
"Huh?" Nabigla lang ako nang bigla niyang tanungin 'yon. Alam ko naman na pinaguusapan kaming dalawa ni AhSi sa campus pero hindi ko alam kung paano iyon sasagutin sa ngayon.
Sumingit naman si QingHe, "oo nga, curious rin ako. Kayo ba?"
Bago ko pa sagutin ay nagring na ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Lei sa screen. "Uhh, excuse me." Sinagot ko ang cellphone ko sa harap nila at hinanaan nila ang kanilang boses nang magusap ulit sila. "Hello?"
"Shancai... Where are you?"
"Bakit?"
"Silly. You don't answer a question with a question." Ramdam kong nakangiti si Huaze Lei nang sinabi niya iyon. "Hinahanap ka ni Daoming Si. You better call him...now."
Napalunok naman ako. Ngayon palang ay iniimagine ko na ang nanlilisik na mata ni DaomingSi. Pagkababa ng tawag ni Lei ay tinignan ko ang history ng calls ko at nakitang wala naman akong natanggap na tawag ni AhSi. Hanggang sa maalala kong nablock ko pala siya dahil sa nakaraang panay ang tawag niya sa akin.
Patay. Dong Shancai. Dead meat.
"Shancai, okay ka lang?" Nag-aalalang pagtanong ni QingHe.
Awkward akong ngumiti, "ah, oo. Hehe. Kailangan ko na palang umalis."
"Biglaan?"
"Oo e. Uhh, emergency sa bahay. Sige, maiwan ko na kayo ha. Next time nalang ulit!" Madalian akong lumabas ng cafe at bumalik sa school. Habang nasa daan ako ay tinawagan ko na si Daoming Si matapos ko siyang tanggalin sa blacklist. Pagkatawag ko ay agad kong narinig ang ringtone niya.
Nalaglag ang puso ko at tumingin sa likod ko para makita ang nakasimangot at nakapamewang na Daoming Si.
—
"Saan nanaman ba tayo pupunta?"
"Tumahimik ka nalang! Makakarating rin tayo dun."
"Pwede mo naman kasi akong sagutin para alam ko kung saan tayo pupunta at makapagpaalam na ako kila mama."
"Napagpaalam na kita."
Umirap ako sa kawalan at tahimik nalang na pinagmasdan ang mga posteng nadadaanan namin. Saan nanaman kaya ako dadalhin ng mokong ito? At syempre wala na akong nasagot nang malaman kong napagpaalam niya na ako kila mama. Eto naman kasing sila mama, masyadong nagtitiwala kay Daoming Si.
"Saan ka ba nagpunta kanina?"
Hindi ko pwedeng sabihin na kasama ko sila QingHe kanina kasi paniguradong magagalit ito. "Bakit?"
"Saan nga?!"
"Bakit mo ba kailangan malaman? Wala ka na dun!"
Oops. Medyo harsh ata ako sa part na yun. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong parang kumalma ito. May nasabi nanaman ata akong mali. Pag kaharap mo kasi si Daoming Si, dapat alam mo yung mga lumalabas sa bunganga mo. Pero sanay na kasi akong lagi kaming nagbabangayan.
"Uh, nasa cafe ako kanina malapit sa school." Tinitignan ko ang magiging reaksyon niya pero nanatili itong walang kibo. "Huy. AhSi..." Nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay. "Sabi ko nasa cafe ako kanina."
"So?"
"Huh? E nagtanong ka."
"Wala na 'ko dun diba?" Naglihis ito ng tingin at tinikom ko naman ang bibig ko. Hay nako, Shancai.
BINABASA MO ANG
Against All Odds
FanfictionThis story is inspired by Meteor Garden 2018. Starring: Shen Yue as Dong Shancai Dylan Wang / Wang He Di as Daoming Si Darren Chen as Huaze Lei Caesar Wu as Xi Men Connor Leong as Meizuo