Sapphire's POV
Nandito kami sa classroom, naghihintay matapos ang meeting ng mga teacher. Since malapit na ang foundation, busy na ang karamihan kasama na dun Bea at Timothy hehe.
So kaming mga naiwan sa classroom ang mag-iisip ng mga design sa classroom namin kasi may prize daw sinong pinaka-maganda ang design. Sus pauso nila eh, pero okay na rin atleast pwedeng hindi sumali sa mga clubs.
Hindi naman required sa amin ang sumali sa clubs, ako naman gustuhin ko man, bawal ako sumali.
"Eh ikaw Sapphire? May naisip ka nang concept sa classroom??" tanong ng president namin, hindi rin kasi sumali sa club kasi ayaw niya.
"Hmm siguro mas magandang simple lang pero elegant" suggest ko, kasi panigurado yung ibang classroom paramihan ng ididikit sa mga dingding nila para sa design.
"Eh pero baka di manalo kapag simple lang" kontra ng isa
"Di ko naman sinasabi na sobrang simple. Yung may dating, ang pangit naman kasi kapag sobrang bongga" sabi ko sa kanila, may ibang nag-agree at nagbigay pa ng suggestions pero may ibang nag-agree nalang kasi tamad sila mag-isip.
"Oh sige, ikaw nalang bumili ng mga kakailanganin"
Nabitawan ko yung hawak kong ballpen "At bakit ako????"
"Eh ikaw nakakaalam ng concept so.."
I sighed.. Wala na akong magagaw hmp! Bahala na nga.
"Bukas ko nalang ibigay yung pera" sabi ng treasurer kaya sabi ko okay kahit ayoko. Katamad kaya bumili.
Lumabas muna ako ng classroom dahil ang boring sa loob. Ang tagal ng mga teacher. Para na rin tignan si Timothy sa basketball practice niya hehehehe.
Pumunta akong court, binuksan ko ng kaunti at nakita ko si Timothy na nagpa-practice ng basketball kasama mga ka-team mate niya
Hayyy napahawak ako sa puso, ang gwapo talaga niya tapos ang galing pang mag-basketball, siguro sweet talaga siya.
I think he is a tsundere person. Well, boyfriend material talag siya para sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto ako nanonood ng palihim kila Timothy, medyo nangangawit na ako eh.
Nag-desisyon na akong bumalik sa classroom dahil baka nandun na yung teacher naming late.
May mga nakasalubong akong kakilala habang pabalik sa room kaya nginingitian ko lang sila, yung iba hindi ko kilala pero kilala nila ako hehehe galing diba.
"Bea, saan kayo pupunta?" tanong ko dahil papasok palang ako ng room nang lumabas si Bea dala ang mga gamit naming dalawa.
"Walang teacher te, punta na daw tayo sa next schedule natin" kinuha ko ang gamit ko kasi halatang nabibigatan siya hehe.
Kinuha ko na ang gamit ko sa kanya at pumunta sa next class, na kung saan nandun si Timothy!! Yayy kaso baka hindi siya makapasok kasi practice ng basketball.
---------
(FAST FORWARD)Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang makaramdam ng bigat sa paghinga. Ano na naman ito? Dumiretso ako sa clinic para hindi pa lumala yung nararamdaman ko.
"Sapphire" tumingin ako sa tumawag ako sa akin, ngumiti lang ako at dumiretso sa clinic.
Nagpahinga lang ako dun, baka sa sobrang pagod lang kaya nahirapan ako huminga.
"Sapphire, are you okay?" nagulat ako na sumunod pala si Timothy sa akin matapos kong makasalubong kanina.
"Uhhmm. Yeah, okay na ako" sagot ko, pinipigilan kong kiligin baka mahalata niya.
"Are you sure?" ngumiti ako at tumango.
"Nasaan pala si Bea? Bakit hindi mo kasama?" tanong niya bago umupo sa tabi ko.
"Naunang umuwi na. Actually, bibili sana ako sa para sa design ng room kaya pinauna ko na" tumango-tango naman siya habang nage-explain ako.
"Gusto mo samahan na kita?" literal na lumaki ang mata ko nang mag-offer siya na samahan ako. "Is it okay?"
"Hindi. Okay lang pero wag na kasi diba may practice kayo kanina sa basketball, baka pagod ka na rin kasi" sagot ko.
"Huh? How did you know na may practice kami?" gustong sabunutan, saktan, ilubog ang sarili ko. Tanga-tanga, bakit kasi sinabi mong may practice sila kanina.
Baka mahalata niyang ini-stalk mo siya, ang tanga mo talaga Sapphire, nakakainis ka.
"H-ha? Hehehe, e-eh napadaan ako kanina sa court tapos ano- tapos narinig ko yung mga tumatalbog na bola hehe" awkward kong sagot.
"Malakas ba pagkakatalbog ng bola?"
"Oo naman kaya nga narinig ko diba?" palusot ko ulit. Nakahinga lang ako ng maluwag nang ibahin niya yung topic.
"So.. okay lang na samahan kita?" tumango ako at ngayon palang nagpapasalamat na ako sa mga kaklase ko dahil ako ang pinabili nila.
Nag-commute lang kami papuntang mall, buti nalang din walang traffic.
"Kain muna tayo" bago pa ako makaangal, nahila na niya ako sa isang fast food chain. Siya rin yung nag-order ng pagkain namin.
Pagkatapos ay nagsimula na akong mamili ng mga gagamitin at syempre sinamahan ako ni Timothy. Masyado akong nag-enjoy kaya di ko namalayan na gabi na. Ganun naman siguro kapag nage-enjoy ka sa kasama mo.
"Timothy, mauna na ako ah" sabi ko nang nasa labas na kami ng mall para umuwi.
"Wait! Sapphire" lumingon ako sa kanya
"Bakit?"
"P-pwede bang?..." kumunot ang noo ko, what he's trying to say?
"Pwede bang ihatid kita sa bahay niyo?" Natulala ako sa sinabi niya. A-ako? I-ihahatid niya? Omg?
"O-okay lang naman kaso baka gabihin ka na hehehe" awkward kong sagot pero sa kaloob-looban ko gustong+gusto kong ihatid niya ako. Aba! Minsan lang ito, baka hindi na maulit.
"So.. Uhmm? Tara?" Tumango ako at nauna maglakad, sumunod naman siya sa akin.
Napapaisip ako, ito na ba yung sagot sa mga hiling ko tuwing 11:11? Pinakinggan nga ba? Matutupad pa kaya yung ibang hiling ko?
Hayyyy nawawala na naman ako sa sarili dahil sa kakaisip.
"Timothy wait" tumigil naman siya sa paglalakad
"Bakit?"
"Dito na bahay namin eh hehehehe" turo ko sa bahay na medyo nalagpasan ko dahil sa lalim ng inisip ko.
"Ah, nice house btw" ngumiti ako nag-thank you.
"Uhh pasok ka muna?" Yaya ko kasi ang rude ko naman kapag pinaalis ko agad diba?
"Hindi na, gabi na rin eh. Para makapagpahinga ka na" sagot niya at ngumiti. Omg
"Ah kung ganun, pasok na ako ah. Salamat pala sa ngayon" sincere kong pagsasalamat. Nag-enjoy din ako na kasama ka hehehe
"Wala yun. Good night and see you tomorrow"
"Tomorrow?"
"Yep, sa school?" napakamot ako sa ulo, medyo pahiya ako dun ah.
"Ah hahaha oo sige. See you tomorrow.. sa school" nag-wave ako sa kanya bago pumasok.
Pagkaakyat ko sa kwarto, napahawak ako sa dibdib ko. Sarap sa feeling na kausap mo crush mo, parang nakalutang hahaha ganun pala pakiramdam.
Saktong 11:11 na nang pumasok ako sa kwarto kaya pumikit ako
11:11 salamat kasi natupad ang hiling ko sayo
Nagpasalamat lang ako kasi hindi lahat puro hiling sa 11:11.