"Seems like AhSi's not in the mood."
"Shancai... Ano ba talaga nangyari?"Pinaulanan ako ng tanong ni Ximen at Meizuo habang pinapanood namin si Daoming Si na nakaupo malapit sa dagat. Napansin rin siguro nila na wala ito sa mood dahil hindi ito nakikipaghalobilo sa amin at hindi rin ito sumabay sa amin sa pag kain, kagabi pa. At oo, buong araw kaming hindi nagpapansinan.
Nandito kasi kami ngayon sa resort ng pamilya ni Ximen dahil weekend naman. Naging tradisyon na namin ang pag out of town trip tuwing weekend.
"May nangyari ba habang nasa biyahe kayo papunta dito?"
Nagsalita na rin si Huaze Lei. Kagabi, sa sasakyan nila noong nasa daan kami nang ihatid kami ng kanilang driver. Hindi ko lang sila masagot dahil nahihiya ako. Aminado naman akong harsh talaga ako sa kanya noon pero hindi ko naman sinasadya at first time kong makita itong apektado sa sinabi ko.
Napabuntong hininga ako at nilapitan na si Daoming Si. "AhSi... Anong oras na kumain ka na."
"Iwan mo muna ako, I want to be alone."
Amg tigas talaga ng ulo nito. Sarap basagin. "Nahihibang ka na ba? Wala ka pang kain simula kaninang umaga."
Nilingon niya at ngumiti, "wow. Since when did you care about me?"
Napatikom ang bibig ko nang marinig iyon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt. Ramdam ko ang lamig kahit palubog palang ang araw. Pumulot ng maliit na bato si AhSi at itinapon ito sa dagat.
"Daoming Si..."
"Diba sabi ko gusto kong mapagisa?"
Napabuntong hininga ako. "Edi sige. Bahala ka magutom dyan!" Sigaw ko bago ako bumalik sa cottage namin pero bago pa iyon ay naramdaman ko ang paghila niya sa braso ko. "Ano?!"
"Shancai. Sagutin mo nga ako... Am I important to you?"
"Huh?" Nagulantang ako sa sinabi niya. Pero alam kong seryoso ito sa tanong niya.
"Oo o hindi?"
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"OO O HINDI?" Halos mangilabot ako sa lamig ng pagkakasabi niya, ramdam ko ang awtoridad. Hindi ko alam kung bakit ako naestatwa nang mahuli ko ang titig niya. Hanggang sa napabuntong hininga siya at binitawan ako. "Forget it." Sinabi niya at naglakad na palayo sa akin.
Double kill. Ano ka ba naman, Shancai? Wala ka nang nagawang tama. Alam ko mismo kung ano ang gustong marinig ni AhSi. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya. Siguro dahil na rin sa takot... Alam kong hindi pwede. Pero kung kaya ni DaomingSi na ipagsigawang gusto niya ako, dapat kayanin ko rin.
Matagal ko nang pinagisipan ito. Ayaw ko rin naman na nasasaktan ko siya dahil sa pride ko.
Napakamot ako at nilakasan ang loob. "Daoming Si!" Sigaw ko at agad naman siyang tumigil. Ito na, Shancai. "Importante ka sa akin."Ngayon ay nakatalikod parin ito, hinihintay akong ituloy ang sinasabi ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para yakapin siya hang nakatalikod pa rin siya. "I'm sorry for being insensitive. Matagal ko na rin iniisip 'to..." Hinarap niya ako at iyon ang naging dahilan nang pagbitaw ko sa kanya.
"Let's make this official." Tinitigan ko ang kanyang mga mata pagkasabi ko nun.
He finally smiled at hindi ko namalayang niyakap niya na ako. "You just made this day the best day of my life." Mahinhin niyang hinalikan ang noo ko at napangiti naman ako sa ginawa niya. "Let's go! I can't wait to let them know--"
"No." Napawi ang ngiti ni Daoming Si. "Gawin muna nating private 'to ngayon."
"Huh?"
Bago ako magsalita ay huminga muna ako ng malalim. "This will be a big news pag nalaman ng lahat. Ayaw mo naman sigurong malaman ng mom mo diba?" I smiled as I could, a bittersweet smile. Kahit gusto kong magpakasaya at sa wakas ay official na kaming magde-date, hindi ko parin maiwasan maisip ang realidad na hindi ako yung tipo ng babaeng gugustuhin ni Mrs. Daoming Feng para sa anak niya.
BINABASA MO ANG
Against All Odds
FanficThis story is inspired by Meteor Garden 2018. Starring: Shen Yue as Dong Shancai Dylan Wang / Wang He Di as Daoming Si Darren Chen as Huaze Lei Caesar Wu as Xi Men Connor Leong as Meizuo