"Minotaur"
Nagulat ang magkakaibigan ng malaman na ang hinahanap nilang agimat ay nasa isang Pyramid. Subalit kailangan mabuksan nila ang pinto ng kwartong kinalalagyan nito.
Sinabi sa kanila ni Gamal na ang susi para mabuksan ang pinto ay ang mata ng anubis na nasa pinakailalim ng Sphinx. Napagpasyahan na nilang iwan ang lalaki at umalis upang hanapin ang mata ng anubis.
"Mas maganda siguro.. kumain muna tayo.. bago tayo magpunta ng Sphinx.."
wika ni Cloud habang naglalakad sila.
"Nagugutom ka na naman ba?"
tanong ni Jin.
"Oo! Saka mahirap maghanap kapag walang laman ang tyan.."
sagot ni Cloud.
"May punto naman sya.. kaya maganda nga siguro.. kumain muna tayo.."
sang-ayon ni Jong-soo.
Naghanap muna ng makakainan ang magkakaibigan at si Walter naman ay naghanap muna ng hayop na masisipsipan ng dugo, kasama ang kumiho. Matapos kumain ay nagpunta na sila sa labas ng syudad ngunit hindi na sumama si Jin.
"Kailangan nating kumilos ng mabilis.. hindi tayo hahayaang makapasok sa Sphinx ng mga bantay na yan.."
sabi ni Jong-soo habang nagtatago sila sa mga bato.
"Walang problema dun.. kaso may dala ba kayong flashlight?"
tanong ni Cloud.
"May dala akong mga headlamp.."
sagot ni Yasu.
"Okay! Tara na!"
mahinang sabi ni Cloud.
Mabilis ngunit tahimik na kumilos ang magkakaibigan para makapasok sa Sphinx. Binuksan nila ang kanilang mga headlamp para nakita nila ang loob nito.
"Halos parehas din pala ng pyramid ang loob nito.."
wika ni Cloud habang naglalakad sila sa loob ng Sphinx.
"Oo.. pero ang alam ko.. wala namang basement o upper floor to.. bakit sinabi nun ni Gamal na pinakababang palapag?"
nagtatakang tanong ni Flakes.
"Ang alam ko din.. daluyan lang ng tubig itong dinadaanan natin ngayon.."
wika ni Jong-soo.
"Baka naman.. may hidden lever dito.."
sabi ni Cloud at kinapa-kapa nito ang dingding.
"Hoy! Huwag ka ngang basta-basta lang humahawak sa pader! Baka mamaya may trap diyan!"
babala ni Flakes.
"Ikaw naman.. masyado kang kabado.. huh?"
tugon ni Cloud at bigla ito may naitula na bato sa pader.
Nagulat at napasigaw nalang sila ng biglang nawala ang tinutuntungan nila, at nahulog sila. Hindi din nila inaasahan na magkakahiwalay-hiwalay sila. Magkasama sila Jong-soo at Flakes na bumagsak sa isang kwarto, si Cloud at Walter kasama si Seo-yun naman sa isang pang kwarto, at nag-iisa namang bumagsak si Yasuhiro sa isang malaki at malawak na kwarto.
"Aray.. nasaan na yung iba?"
tanong ni Flakes nang bumangon ito mula sa pagkakahulog.
"Hindi ko alam.. mukhang sa ibang butas sila napunta.."
sagot ni Jong-soo.
"Aray ko! Ang bigat mo.. huwag mo kong patungan.."
reklamo ni Walter habang nakadagan sa kanya si Cloud.
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the amulet of lightning fang (book 2)
AdventureIn continuation of Cloudberry journey.. her friend Flakes are going to find the lost amulet, that she gave to her sister. Not only the amulet that they will searching for.. but also the creature who killed her sister.