"HANGGANG DITO NALANG TAYO"

27 2 0
                                    

"HANGGANG DITO NALANG TAYO"
By: Ryan Baring

Paano ko tatapusin kung hindi ko kayang simulan?
Paano ko sisimulan kung ayaw ko nang balikan
Balikan ang kahapong nagdaan
At kausapin ka sa normal na paraan.

Kausapin ka na walang ilangan
Kausapin ka na walang iwasan
At higit sa lahat kausapin ka ng walang taguan.

Taguan dahil sa pareho tayong naguguluhan
Naguguluhan sa damdaming hindi natin alam
Naguguluhan sa damdaming sana hindi nalang.

Yung pagkakaibigan natin sa maikling panahon
Matatapos lang din pala sa maling pagkakataon
Tutuldukan ng maling emosyon
At puputulin ng maling desisyon.

Desisyong naging mali
Dahil ikaw ang napili
Desisyong maling mali
Dahil ako mismo ang pumili.

Mahal kita
Ngunit hindi sa paraang nais mo
Mahal kita
Sa paraang alam ko.

Pwede bang ibalik natin yung dati?
Yung dating walang iwanan at walang ilangan
Yung dating walang iwanan at walang iyakan.

Sa madaling salita........

Pwede bang manatili tayong makaibigan
At ibaling sa iba ang ating nararamdaman
Dalawang kahilingan lang sana, sana'y iyong pagbigyan
Nang sa gayo'y matapos na ang sakit na pareho nating nararamdaman.

HANGGANG DITO NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon