Annyeonghaseyo!!
Manggugulo muna ako ah! ehem! Sana magustuhan nyo~! Yun lang~! Ngayon ko lang naisipang ipablish eh. kekeke!
Story starts at..
5
4
3
2
1
Dati, tahimik lang yung buhay ko pero simula nang maging classmate ko siya, naging madugo at brutal na yung pag aaral ko sa high school.
"Nicooooooooo!!!!!" Patay. Pag naririnig ko na yung boses nya sa umaga, gusto ko nang magtago!!!
"ARAAAAAAAY!!!!!!!!" Yan nalang yung nasabi ko habang kinukurot nya yung pisngi ko. Dalawa kong pisngi pero mas malakas yung kurot nya sa kanan kase sa kanan sya sanay.
3Rd week na namen dito sa school. 2 weeks ko namang tinitiis tong babaeng toh.
" Ay! Sorry! Sorry!" Bigla syang bumitiw saken. Siya si Reese dela Torre..Kung ipapadescribe nyo saken yang babaeng yan, I could say na isa syang madaldal, brutal, at makulit na babae at ang isa pa, KATABI ko siya. Pero balita ko matalino tong si Reese. Top 2 pala sya sa section nila dati. Schoolmates naman kame last year pero siya, section A, ako section C. Di hamak na nawala yung katamaran ko para lang mabilhan ako ni mama ng Wii.
O sya balik tayo.
Nang makaupo na sya, "Reese, may assignment ka?" Wala kase akong assigment sa Physics. Hirap eh. >___<
"Ah oo, meron. Eto oh." sabay abot ng notebook niya sa Physics saken peto bigla nyang binawi agad bago ko maabot. Sayang. "Pero bago yun," bigla nyang nilahad yung palad nya saken.
"Oo na, oo na. Eto na." sabay abot sa kanya ng Fudgee Barr na laging pinapabaon ni mom na si Reese lang naman ang kumakain dahil nga sa "favorite" niya raw.
"Yay! Oh eto na." binigay na nya yung notebook nya saken. AYOS!
Pagkatapos kong kumopya, binalik ko na sa kanya yung notebook nya. "Salamat." Sabi ko sa kanya.
Busy yata tong si Reese kase inaayos nya yung classrecord namin. Vice President kase namin sya.
Nagsiayos kaming lahat nang dumating na si Mrs. Cruz, teacher namin sa Math. Nagsimula agad syang magturo. Habang busy kaming lahat mag takedown-notes, napalingon ako kay Reese. Ngayon ko lang na realize na maganda pala siya.
"Haha." Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng tahimik (meron bang ganon?) si Reese. "Kung kayang tumunaw ng titig, natunaw na ako." Sabi niya. Teka. Ako ba yung tinutukoy nya? Lumingon siya saken. "Mr. Choi, maganda na ba ako sa paningin mo?" Sabi niya. Hahaha. Nakakatuwa siya. Oo. Nicolo Choi ang pangalan ko. Pero pure filipino ako.
"Oo. Crush na nga kita eh." Sabay kindat sa kanya. "Pero joke lang. Ahahahaha!!!"
