Lianne Shyrie Gonzales POV
Kriiing....Kriiing...Kriiing... Ang ingay naman ng alarm nato
Pwede ba 5 mins pa? Kriing... Kriiing... Urgh saglit lang. Kriing...Kriing... Oo na ito na. Kriing....Krii- Hmp! Pinatay ko nga, ang ingay eh. "Hoy Lyrie, bumangon ka na" Urggh, andyan na naman siya. Nakapatay nga yung alarm, may kasunod pa pala . Ahhh!! "Lyrie!!" Sigaw nya sa labas ng room ko. Tinakpan ko nalang yung tenga ko ng unan, Oo dalawang unan-kabilaan. "Lyrie ano ba? Pag di ka pa lumabas jan, makikita mo" Urghh, para talagang pinasakan ng mic yung bunganga nya sa sobrang lakas. Epal kasi si Ms.Author eh, nagsali pa ng character na malakas ang bunganga.
(ano sabi mo?) "Ay Miss A, anjan ka pala hehe" (bumangon kana) Tsk. Isa pa to, KJ. Makabangon na nga lang. Hmp! Anong oras na ba? Tiningnan ko yung alarm ko. Ampotek, 5 a.m palang eh. Ang aga naman nilang manggising.
"LYRIE" Ay oo pala anjan pa pala siya. Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko at
"Arayyy..." mahabang sigaw yun.
Kasi naman eh piningot ako sa tenga. "Hala, maligo kana dun"
"Oo na" pumunta na ako sa banyo at naligo. Maaga daw dapat ako ngayon sa bagong school na lilipatan ko. Bale its my first day. Ayts, bat pa kasi ako lumipat eh. Hmp naman. Namimis ko na mga friends ko. "Lyrie, bilis bilisan mo naman" Ish ate talaga. Akala mo naman kung maiiwanan. "LYRIE"
"TAPOS NA" Nagbihis na ako ng uniform. Striped blue na skirt na 2inches above the knee at blouse na white naman na may collar na striped blue din. Sinoot ko na ang eyeglasses ko at pumunta na sa dining hall. Kumain na ako at si ate nagsimula na namang magtalak. Ish author ano ba, naririndi nakoo.
"Lyrie wag pasaway dun ah"
(Wow Ms Lyrie, 1 sentence lang, talak agad?) Ay Ms. A , FYI pang last sentence yan sa lahat ng mga sinabi nya. Yan nalang kasi narinig ko eh. Hehe.
"Lyrie nakikinig ka ba?" Ay oo nga pala. Si Ms. A kasi eh. Naninisi daw ba, haha.
"Opo." Sabi ko nalang. Pagkatapos ko umalis na ako at sinabihan pa ni ateng magsuklay.
Haysh. Hindi naman kasi ako nagsusuklay eh. Parang di naman nya alam. Ate talaga. Sumakay naku ng jeep since mgcocommute lang ako ngayon. Wala kasi si Manong Driver ng 1month. Nagleave pa kasi-talo pa si ate na nag-oopisina . Buti nalang at malapit lang yung school sa pinaglipatan namin. "Manong para" Bumaba naku nang
"Arayyy...." Putek paa yun hindi bato. Ahh yung socks ko!!
"Bat ba kasi haharang-harang ka?" Wow, sh*t . Ang kapal ng lalakeng to. "Excuse me, sa pagkaka-alam ko ikaw ang naka-apak ng sapatos ko at wala akong ginagawa sayo" Sh*t i dont care kung gwapo tong lalakeng to kung napaka-ungentleman at ang yabang pa. "Tss.. Whatever" Naglakad na ito palayo saken at papasok sa may gate na papasukan ko. "BAKLAAAAAAA" Sigaw ko . Nagtinginan lahat ng dumadaan dun. Tumingin lang siya ulet at nagsmirk. Urgh !!! Punyemas ka, hindi mo ako madadaan nyan. Get ready for my revenge.
First Day:Greenfields Academy
Lianne's POV
Wohooo !!! Mukhang panalo ang school nato ah. Shomay, ang lawak. Parang mawawala ata ako. Ang gondooo.. May minnie park pa tas ang daming bench. Tas alam mo yung may fountain pa sa paligid at minnie garden sa tapat nya? Omoo- .
G1: Ano section mo bhes?
G2: Nasa 4T ako. Kaklase ko si Ryo. Hehe .
Wow kinikilig ang vruha. With matching talon-talon sila ng kasama nya. Sarap pag-umpugin parang timang. Haha, joke Lang po. Baka isipin nyo,ang sama ko naman. Pwes hindi, mabait po ako dito sabi ni Ms. A , hehe. Ay oo nga pala, speaking of section- wahh 0____0 . Kelangan ko pa palang hanapin sec.ko kaya maaga ako ngayon. Uh-uh, nasa 3rd building ang 4th yr block kaya Gora na itech. Huhuhu:'(( Ang hirap maghanap. Pano 3 floors ang building plus yung buong building na yun ay pang 4th year lang . Tapos ito pa, stairs lang ang ginamit ko kasi out of order yung elevator nila. Huhu:'( last floor nalang. Sigurado namang nandito na ang section ko noh?