INTRODUCTION
Destiny ?? Well , maraming tao ang naniniwala diyan pero kung ako ang tatanungin , isa lang ang masasagot ko . " I'm not a Fan of Destiny" pero nagbago ang lahat nang dumating siya sa buhay ko . Ang taong nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo , ang taong naging dahilan kung bakit nalaman ko na mahalaga ang buhay .
Hi I'm Eunique Anne Torres , sabi nila maganda daw ako pero sa totoo lang hindi ko alam kung maganda ba talaga ako kasi kung maganda ako , bakit hindi ako magustuhan ng taong mahal ko ? bakit ? ano bang kulang sakin ? ginawa ko na naman lahat para lang mapansin niya ako , pero bakit parang wala lang sakanya ang lahat ng iyon ? bakit hanggang BESTFRIEND lang tingin niya sakin?
Chapter 1: First Meeting
First day of school , excited silang lahat maliban saken :(
Kasi naman unang araw ko ngayon sa highschool at sa kasamaang palad , wala akong kakilala sa papasukan kong school . Napaka choosy naman kasi ni mommy ehh . Gusto pa sa mamahaling eskwelahan , hmm ,, actually , mayaman naman talaga kami kaso hindi ako yung tipo ng tao na pinagyayabang ang pagiging mayaman niya ehh ano namang mapapala ko dun , dahil ba pag mayaman ka sikat ka na at madami ka ng kaibigan ? tss , hindi ko kailangan ng kaibigan na pera lang ang habol saken , I want a friend na tanggap kung sino at ano ako .
"Euny, are you ready?" sigaw ni mom saken kasi ang tagal ko nang nasa kwarto kaya eto sinisigawan na ako ng mommy ko . and btw , Euny ang tawag nila saken dito sa bahay :)) .. Cute noh ? Hehe :D
"Wait for a while mom , I'm still preparing myself and also my things" sabi ko pero actually nakaupo lang naman ako sa bed ko dahil kinakabahan ako kaya heto ako parang timang at nag iisip kung ano ang gagawin . After ng ilang minutes bumaba na ako kasi baka magalit pa si Mommy pag nagtagal pa ako .
"Okay let's go" sabi ko pagkababa ko .
Then , nagdiretso na kami sa kotse , ihahatid kami ngayon ni Dad kasi may trabaho siya and before he go to work , ihahatid muna niya ako . Kung nagtataka kayo kung bakit ako lang ang ihahatid . Well , wala akong kapatid . Kaya nga inggit na inggit ako sa mga may mga kapatid ehh kasi meron silang nakakalaro pero ako wala , huhuhu :( . tss ,tama na ang kadramahan .
Pagdating ko sa school , hinatid ako ni Dad sa klase ko kasi nga first time ko dito kaya di naman niya ako pinabayaan na pumasok mag isa , pagkahatid niya saken , nandun na yung adviser namin kaya umalis na din si Dad pagkapasok ko ng room . Umupo ako sa pinakalikod , lahat sila nakatingin saken , maliban sa lalakeng unang nakakuha ng atensyon ko pagkapasok ko ng classroom . Nasa unahan ko siya kaya napapansin ko ang mukha niya . Gwapo siya , moreno ang kulay at hindi ganon katangkad . Siguro matangkad lang siya saken ng konti .
Katulad nung elementary , pag first day of school , nagpapakilala isa isa kaya ayun din ang ginawa namin . Nagsimula sa unahan at hindi ko alam kung bakit nga ba inabangan kong magpakilala ang misteryosong lalaki na nasa unahan ko , ayan na turn na niya .
"Hi , I'm Zero Ramirez , 13 years of age . That's all .Thank you" . After nun hindi na nawala sa isipan ko ang pangalang Zero . tss . ano bang meron sa lalaking ito ? .. hmmm . Turn ko na nga pala sa pakpapakilala .
:Hi , I'm Eunique Anne Torres , 13 years young . Thank You"
Pagkatapos ng pagpapakilala , nagsalita na si ma'am , bla bla bla ..
Then , dumating na ang next teacher namen , and after niyang magdadakdak , tumunog na yung bell dahil breaktime na . Papunta na ako sa canteen nang biglang may nakabunggo saken . Tss . A girl ..